IV

4.9K 122 3
                                    

Count to Ten

Kinsenas ngayon, makukuha ko ang sweldo ko. Ibinadyet ko na yun para sa susunod na linggo. Hindi naman ako nagigipit dahil malaki rin ang allowance ko sa isang linggo. Two thousand five hundred per week hindi ko naman nagagastos iyon dahil matipid akong tao.Kaya naman nagpapasalamat ako sa amo ko dahil hindi sya yung tipo ng madamot na amo. Kada araw ay naghuhulog ako ng pera sa alkansiya ko. Isang daan kada araw o kung ilan man yung matitira kapag sweldo naman ay kalahati ang inilalagay ko doon dahil wala naman akong pagkakagastusan, okay na siguro iyon para makaipon.

Napagdesisyunan kong bumili ng mga gamit mamaya, magmamall din kasi si Ashton dahil gusto nyang bumili ng mga bagong video games. Bibili ako ng ilang damit, underwears, personal hygiene na gamit at iba pang kelangan.

Bumili muna kami ng bibilhin ni Ashton, may sumipol sa likod namin at nakita kong sila Nathan yun. Malapit na rin ako sa kanila, kaso nga lang maraming naiinis sakin dahil don. Marami kasing nagkakagusto sakanilang babae, ano naman ang dapat nilang ikainsecure sakin? Eh yaya lang naman ako ni Ashton.

"Hi Rae!" Masiglang bati ni Nathan. Naghigh five silang lahat samin nila Trey, hinagilap ng mata ko ang isa sakanila. Wala sya. Wala si Zero. Asan iyon?

"Si Zac?" Tanong ni Trey siguro ay napansin nyang hindi sila kumpleto "Andon may kasamang chics, matic. Chic magnet ang loko e" napalunok ako sa narinig, wala akong nalasahan kundi tabang.

"Ugh Trey, bili lang ako ah. Balik din ako" saad ko at tumalikod papunta sa women's area. Bakit ba ako ganito? Simula nung una naming pagkikita ni Zero ay naging weird ako. Siguro nahawa lang ako sa pagiging wirdo nun. Hay.

Kumuha ako ng basket at kumuha ng mga kung ano ano, underwears, sando, eye mask, face mask, body scrub na nagustuhan ko dahil sa amoy at iba pang pang hygiene katulad ng toothbrush, paste, mouthwash, facial and body soap at kung ano ano pa. Ilang beses pa akong unikot sa iba't ibang stalls. Ayoko pang bumalik, baka pag balik ko doon ay madatnan ko siya.

Kumuha rin ako ng chocolate na malapit sa counter, hanggang ngayon ay matabang ang naging panlasa ko hindi ko parin alam kung bakit. Pagkatapos kong nagbayad ay hinanap ko kung nasan sila. Wala pa akong cellphone at wala pa sa isip ko ang bumili.

Pero napagtanto kong sa trabaho ko ay kelangan ko ng cellphone, dahil baka nga naman tumawag minsan si Mrs. Yu para kamustahin ang alaga ko. Kanina pa ako palinga-linga kung nasaan sila, eto na nga ba ang problema kung wala kang cellphone sa panahong ito. Nakarinig ako ng yabag papalapit sakin, eto nanaman po ang pag galaw ng mga bituka ko sa loob loob ko, at pagdagsa ng paru-paro sa sistema ko.

"Penelope." Pagkasabi nya palang sa pangalan ko ay nangatog na ang katawan ko. Ano ba to, Diyos ko? "We've been looking for you, wala ka man lang text kung saan ka" pagalit nyang sabi. He looked so pissed, parang inis na inis siya na wala akong pasabi kung nasaan ako. Nagpaalam naman ako kila Trey ha? "Wala kasi akong cellphone, Zero. Sorry" paghingi ko ng dispensa habang kinukutkot ang daliri. Ewan ko ba kung saan ko napulot tong pagkutkot ng daliri ko.

"Stop peeling your thumb again, damn girl." Napangiwi ako sa mura nya, sarap pasakan ng tsokolate ng bibig nya para lang matigil sya sa pagmumura. Tumabang na naman ang mood ko, nakakainis sya!

May kinuha sya sa bulsa at ibinigay sakin yun. Nakadraw string pouch pa ito, binuksan ko at nakita ang isang mamahaling cellphone. "Aanuhin ko to?" Inosente kong tanong, nagmura muna sya bago humalukipkip "Damn. Use it. Anong tao ba ngayon ang walang cellphone?" Irap nya. That was a low blow for me, kahit hindi niya direktang sinabi pakiramdam ko ay gusto niyang sabihin na mukha akong ignorante.

Hinawakan ko ang kamay nya at binalik iyon, para akong kinukuryenye habang hawak ko ang kamay nyang iyon. "Bibili ako sa susunod na sweldo. Hindi mo kelangan ipahiram sakin yan. Isa pa, wala naman akong importanteng itetext. Keep it Sir." Saad ko na may kasamang formality. Gusto ko ipaalam kung ano ako, at sino sya.

If I Got ZEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon