V

4.3K 131 4
                                    

Lean on me

"Grabe si Zero, kaliwa't kanan. Fully booked ang loko." Natatawang sabi ni Arki, tumawa silang lahat maliban kay Trey na umiinom sa baso. Tahimik lang ako sa kantyawan nila. Si Zero? Wala. Kasama yung bago niya. Every other day ay paiba iba siya ng kadate. Para akong sinasakal kapag nakikita ko sya, hindi ko parin mahagilap sa utak ko kung bakit ako nagkakaganon.

Bumukas ng pinto at pumasok si Zero kasama yung bago niya, lahat ng babaeng dinedate nya maganda. Pagkatapos ng araw na niyakap nya ako at ginulo ang sistema ko ay nagsimula syang makipag date sa iba't ibang babae, three weeks na ang nakakaraan to be exact.

"Oh eto na pala si Fully Booked e" kantyaw ni Dark, naghigh five sila ni Zero habang tumatawa. Tumingin ako sa sahig at nagisip ng ibang bagay. Kinalabit ako ni Trey at nginitian, ngumiti nalang din ako.

"Do you want to eat?" Tanong niya sakin, tumango nalang din ako. Kating kati akong umalis dito sa kwartong ito. Tumayo sya at naglahad ng kamay, inabot ko iyon. Ramdam ko ulit ang pagtitig ni Zero, pero hindi ko na iyon pinansin. Gusto ko ng umalis, lumabas kami at bumaba sa kusina.

Kumuha kami ng lasagna sa ref at kumain dito sa kusina, tinanong ko pa kung bakit dito dahil akala ko ay kukuha lamang kami ng ihahain sa taas pero sabi nya ay dito nalang kami.

"May cellphone ka na ba?" Tanong nya, umiling ako dahil may laman ang bibig ko. Wala pa akong oras para bumili. "Siguro, next week" saad ko at sumubo muli. Hindi naman ako gutom pero gusto ko lang kumain, Feeling ko gumaan ang pakiramdam ko ngayong kumakain ako.

"No need, I have a spare phone. Sayang naman kung maiimbak lang. Use it" umiling ulit ako, nakakahiya. "Kaya ko naman bumili, Trey." Sagot ko "Wag na, save it. Dapat may savings account ka, use the phone I insist" sabi nya pabalik, tumango nalang ako. Tama, dapat magipon ako. Kapag kaya ko ng bumili ng cellphone, ibabalik ko nalang ito sakanya.

"Salamat." Sabi ko, tumango sya at ngumiti. Chiseled jaw and nose, may pagkasingkit at maliit ang labi ni Trey. Mahaba rin ang pilikmata nya, gwapo. Lahat naman sila, gwapo. Umiling lang ako sa iniisip ko. Kumuha ng pagkain si Trey na batid ko ay idadala sa mga kaibigan niya, at pati na rin sa kapatid nya. Kumuha ako ng juice at mga baso. Umakyat kami at inilapag iyon sa mesa.

Nakatingin sya, ramdam ko.

Kumuha ako ng pitcher na may lamang tubig sa mini ref at inilapag iyon. Tumabi ako kay Trey at nakipag kwentuhan. "Zac, baby, say ah" rinig kong sabi ni Athena. Athena raw ang pangalan niya, narinig kong sabi nila Dark kanina. Maganda sya, sexy, mukhang mayaman, kumpara mo sakin walang wala ako. I shrugged it off, bakit ko ikukumpara ang sarili ko sa alam kong wala akong laban? Hindi dapat, walang akong laban.

Nakipaglaro muna ako kila Dark para hindi ko makita yung lambingan ng dalawa. Para akong sasabog kapag nakikita ko na nakangiti si Zero kay Athena, may sira na yata ang sistema ko, self destructive na yata.

Maaga kami pumasok ni Trey ngayon sa school, kaya naman nakaupo ako ngayon habang nakayuko sa armrest ng upuan ko. Naramdaman kong hinaplos ni Trey ang buhok ko na para bang tinutulungan akong makatulog. "Sleepy head, nagpuyat ka na naman ba?" Umayos ako ng pagkakaupo at umiling. Dadalawa lang kami rito, wala pang masyadong tao. Masyado pang maaga. Antok na antok ako at namimigat ang talukap ng mata ko, pakiramdam ko ay dapat dinala ko ang kama ko rito sa school para matulog, kumpirmado, sabaw ako ngayon.

"Ang aga mo po kasi nanggising" pabiro kong sabi sakanya, buti nga at nakikipagkulitan sila sakin, silang lahat yung isa lang hindi. Mga babae nya gusto nyang kakulitan, bakit ba ang bitter ko kapag naiisip ko siya na kasama ang mga babae niya?

Isang buwan na rin simula ng papalit palit sya ng babae, di naman daw bago iyon, lagi daw syang fully booked, pero ngayon mas grumabe. Its like he's trying to avoid something, sabi ni Arki. Ewan ko kung ano yang something na yan.

Tinapik nya ang balikat nya na para bang sinasabi na sumandal ako roon. I refused to, but he insisted hinawakan nya ang ulo ko at sinandal iyon sa balikat niya. . Madalas na rin kasi syang gumaganon saakin. Nakomportable na kaming lahat sa isa't isa. Dark and Arki likes to joke around, kahit green jokes pa yan walang hiya hiya. Nathan and Jairus, tahimik lang. Pero si Nathan marami rin trip at mapang-asar while Jairus, sleepy head. Si Zero.. Mysterious, laging may dark aura but I observed makulit din sya yun lang palaging seryoso.

Nakapikit ako habang nakasandal sa balikat ni Trey, naramdaman kong gumalaw ang upuan sa tabi ko. Naamoy ko rin ang pamilyar na panlalaking pabango, naramdaman ko rin na may nakamasid. Ginising ko ang sistema ko at umupo ng maayos. Napansin kong kumuyom ang kanyang palad at nakatingin lang sya sa bintana.

"Do you want something, Rae?" Tanong ni Trey, bibili yata sya. Tumango ako at sinabing magpapabili ako ng tubig, kukuha na sana ako ng pambili ng umalis na sya. Loko. Nanatili akong tahimik, pumikit ako habang hinahaplos ng kamay ang ko ang aking noo. Narinig kong bumuntong hininga ang katabi ko, pinakiramdaman ko rin sya. Isang buwan na rin kaming hindi naguusap ng matagal, naguusap lang kami kapag kailangan. Hindi ko na rin siya nakikitang ngumiti, well nakikita, ngumingiti sa mga babae niya.

"If I tell you to lean on me, would you?" Seryoso nyang tanong. Bahagya akong tumango parang gusto ko nga talagang sumandal sakanya. "Then lean on me, Penelope" saad nya, umayos ako ng upo at sumandal sakanya. Naghurumentado ang sistema ko, pasimple kong hinawakan ang pulso ko at ramdam ko ang pagbilis ng tibok nito. Pakiramdam ko ay dito ako dapat.

"I live for this" mahina nyang sabi, nanginig ang kalamnan ko ay mas bumilis ang takbo ng puso ko. Hindi ko alam pero napapangiti ako. "You smell good in the morning" dagdag nya pa, hindi ako mapakali naramdaman kong sininghot niya ang buhok ko, nabahala ako. Nagshampoo ba ako? O nag conditioner man lang?

I'm comfortably, uncomfortable. May ganon bang feeling o nagiging weird nanaman ako?

"So, di ako mabango pag hapon na?" Pabiro kong sabi, he chuckled. My heart fluttered, I feel satisfied just knowing he's happy with me. "Damn girl, you smell so good every hour of the day and it makes me wanna bury myself in your neck"

He cursed but instead of being irritated, I feel the butterflies inside me. Umayos ako ng upo at hinawi ang buhok ko papunta sa kabilang balikat ko.

"Bury yourself then" maikli kong sabi habang nakatingin sakanya and he did. Hindi ko alam kung anong nasa isip ko at bakit ko ginawa yun, pero alam kong gusto ko iyon. Para bang sinasabi ng utak ko na tama iyon, yun dapat.

"Damn, you're making me crazy" bulong nya at pagkatapos non ay naramdaman ko ang labi nya sa leeg ko, he's planting soft kisses on my neck and it feels good. Ramdam ko ang paginit ng pisngi ko, mabuti nalang ay kaming dalawa lang ang nandito sa room. Nakakahiya, baka isipin nila may ginagawa kaming masama.

Naging mabigat ang paghinga ko dahil sa paghalik niya sa leeg ko, kiliting kiliti ako pero masarap iyon sa pakiramdam.

"I need to stop, I can hear Trey's footstep" bulong nya ulit at umayos ng pagkakaupo, he smiled and kissed my head " Thanks, boo" ngumiti rin ako at yumukong muli sa armrest ko para itago ang namumula at nahihiyang mukha ko. Shucks! Para kong pinapamigay ang sarili ko sakanya!

Naramdaman kong may kumalabit sakin, si Trey "Your water" nakangiti nyang sabi at umupo sa tabi ko. Inabot ko yun at binuksan, pasimple kong tinignan ang nakangiting si Zero, I smiled too. Bahala na, sabi ng puso at utak ko iyon ang tama at doon ako masaya. Nagsidatingan na rin ang lahat ng mga kaklase namin, lumapit ang buong barkada samin at nakihigh five. Naramdaman ko ang kamay ni Zero sa balikat ko "I marked you here, sorry." Aniya sabay turo ng parte ng balikat kom hindi ko naintindihan iyon kaya nagkibit balikat nalang ako.

"May allergy ka ba Rae?" Puna ni Dark sa parte ng balikat ko na hinawakan ni Zero "Kiss mark ba yan?" Sabad naman ni Arki, gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko ng mga oras na iyon, iyon ba yung ibig sabihin ng sinabi ni Zero kanina. Nilingon ko siya at kita ko ang malaking ngisi niya

"Probably a red birthmark, who would leave her a mark? May boyfriend ba siya?" Tanong ni Zero, naglaro ang isang makahulugang ngiti sa labi niya, napalunok ako. "Baka allergy lang" dagdag naman ni Trey tumango silang lahat at umupo.

Pasimple kong siniko si Zero, tumawa siya ng mahina at alam ng Diyos kung gaano ko kagustong lumubog sa lupa ngayon at mag disappear. Hays, nakakahiya!!

If I Got ZEROWhere stories live. Discover now