VII

4K 108 3
                                    

One lie, One step

"Goodmorning ate Rae!" Masiglang bati ni Ashton saakin, bumangon ako at niyakap sya. Naging routine ko na iyon, na kapag bumati sya sa umaga ay yayakapin ko sya.

"May pupuntahan ba tayo Ashton?" Tanong ko sakanya habang naghihilamos, hinagilap ko ang toothbrush ko at nilagyan iyon ng toothpaste. Ang aga nya kasi mang gising ngayon.

"Hmm, Sabi po ni kuya mag swiswimming lesson daw po kami. Kasama sila kuya Arki" kasama sila? "Saan?" Tanong ko pinalinis kasi kahapon yung pool sa likod, baka dito rin.

"Here. Kuya Zero will be my trainer! Do you know how to swim, ate?" Tumango ako, swimmer ako nung high school sa pampublikong paaralan na pinapasukan ko noon. Swimmer din pala si Zero, ano pa kayang mga skills niya?

"Would you settle for that?" Umalingawngaw sa utak ko ang sinabi ni Trey ngayong excited akong gumayak para bumaba. Lahat ng excitement ko natunaw. Parang gusto ko ng wag magpakita, pero andun si Ashton at trabaho ko ang bantayan sya. Umupo ako sa gilid ng kama at nagisip. Muntik na akong mahulog sa pagkakaupo ko ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tingin ko ay dapat kong iwasan.

"Kanina ka pa hinihintay ni Ashton sa baba" aniya, tumango ako at tumayo. Kumunot ang noo nya at sinuri ako ng mabuti "Galit ka ba?" Tanong nya, sinara nya ang pinto at sumandal doon. Mataman nya akong tinignan at pinaglaruan ang kanyang labi.

Mabilis akong umiling, humakbang siya papalapit sakin at humakbang naman ako paatras. "Something is bothering you then" aniya, sa titig niya ay batid kong binabasa niya ang nasa isip ko. "Are you avoiding me?" Dagdag niya pa. Napaatras ako dahil ilang beses siyang humakbang papalapit.

"B-bakit sana kita i-iiwasan?" Utal kong sabi, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. "Then why are you stuttering, Penelope?" Ilang beses akong lumunok, kelangan ko ng palusot. Naglakad sya papalapit sakin hanggang nasa harapan ko na sya, tumitig sya sa mata ko na para bang binabasa ang nasa isip ko.

"Nagulat lang ako sayo" sabi ko nalang, totoo naman nagulat ako sa biglaan nyang pagsulpot at nagulat ako na sa pagsulpot nyang yun nagibang muli ang tibok ng puso ko. Naningkit ang mata nya sa sagot ko, mukhang hindi sya kumbinsido sa sagot ko. Ilang beses akong napasinghap ng hawakan nya ang bewang ko.

"You're not good at lying. One lie, one step closer to you. Until I get to kiss you. Until you feel me.I warned you, Penelope. Don't try me." Para akong natunaw na yelo sa sinabi nya, hindi natanggal ang titigan namin mata sa mata. Hindi ko alam kung saan pa ako kumukuha ng lakas para tumayo, dahil nangangatog ang mga paa ko sa sinabi nya.

Naramdaman ko ang labi nya sa noo ko, Pakiramdam ko ay nasa pinakaligtas na lugar ako ng mga oras na iyon. He can make me feel scared and safe at the same time. He's too dangerous for me. But I find comfort with him.

Kaya ko bang magtagal sa lugar na pwede akong manganib at maging ligtas?

"I love the way you stare at me." Sabi nya sabay hawak sa mukha ko, kumawala ang mga alaga kong paro paro sa tyan. "Lie again boo, and I'll kiss you. Come on, try me. I want to taste those lips" aniya, ilang beses akong umiling at humalakhak sya. "Damn girl, ikaw lang talaga nakakapagpabaliw sakin ng ganito. Well, halika na" sabay hila nya sakin paalis ng kwarto.

Binabaliw ko sya?

Eh binabaliw nya rin ako.

"There you go, lovebirds! Ang tagal nyong bumaba" biro ni Dark, bumaba ang tingin ni Trey sa mga kamay namin. Doon ko lang napagtantong nakahawak ng mahigpit si Zero sakin, at malaki ang ngisi nya sa mga kabarkada. Bumitaw ako at napahalakhak sya.

"Ashton, come" sabi ko sabay tawag ni Ashton, batid ko ang pamumula ng pisngi ko kaya kailangan kong ikubli ito. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagbaba sa tubig ni Zero. Humalukipkip sya sa gilid at tumitig sakin, itinuon ko ang pansin ko sa tubig.

I miss swimming. Namiss ko ang lumangoy. Katulad ni Zero, the water can put my life in jeopardy, but still It can make me feel secured, safe from harm.

"Langoy Rae. Kaya mo ba?" Sigaw ni Arki sa kabilang dulo ng pool. Athletes pool ito, at sa ilang hakbang naman ay kiddie pool na. Nagthumbs up ako sakanya, batid ko ay hindi nya alam na swimmer ako, hindi parin kasi ako palakwento sakanila.

Walang diving board pero kaya ko ang mag dive, nabigla ako ng nasa tabi ko na ang basang si Zero. "Let's race. Pag nauna ako ikikiss mo ako. Pag nauna ka, ikikiss kita." Seryoso nyang sabi, ilang segundo ko iyon prinoseso sa utak ko, nagulat sya ng bigla akong tumawa.

"Parehas lang iyon, ikaw ang makikinabang" sabi ko "Ang mahalikan ako ay isang prebilehiyo" anito habang natatawa "conceited ka rin talaga ano" pabiro kong sabi "Hindi ako mayabang, gwapo lang talaga" sabi nya at humagalpak kakatawa.

"Diyan ka na nga" akmang aalis na sana ako ng pumulupot ang kamay nya sa bewang ko at tumalon sa tubig. Mula sa ilalim ng tubig ay naramdaman ko ang pagdampi ng labi nito sa pisngi ko. Nang makaahon kami ay inulan kami ng kantyaw mula sa mga barkada nya maliban kay Trey na mukhang iritado.

"Galawang Zac!" Sigaw ni Dark, "Get a room you two" dagdag ni Arki. Si Nathan, Ethan at Jairus naman ay nag highfive. "Don't talk that way when Penelope is around. I warned you, scumbag" sigaw ni Zero kay Arki.

Ramdam ko parin ang init ng yakap nya saakin. "Damn, I want you this close boo. I'd give everything to have you this close" sabi niya gusto ko nalang lumubog sa tubig dahil naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. "Aww my boo is turning crimson red" halakhak nya, siniko ko sya pero mas lumakas lang ang halakhak nya.

Pinakawalan niya ako at hinarap habang nakasandal sa gilid ng pool, inipit niya sa tenga ko ang iilang takas na buhok na tumatakip sa mukha ko. Kung titigan niya ako ay parang siya si Daniel Padilla na inlove na inlove kay Kathryn Bernardo. Lunod na lunod ako sa mga titig na iyon, napalunok ako ng haplusin niya ang pisngi ko. Napamura naman siya ng magtalsikan ang tubig mula sa paa ng lumalangoy na si Trey na parang galit base sa hampas ng kanyang mga paa, o baka naman sa bigat niya lang iyon?

Nang tanghalian ay ilang beses akong binunggo si Trey, napansin ni Zero yun kaya nagtanung sya sakin kung may hindi ba kami pagkakaintindihan. Hindi ako sumagot dahil wala naman akong maisagot. Alangan naman sabihin kong pinagsabihan ako ni Trey na layuan sya at ang makita akong madikit sakanya ang kinakagalit nya.

"Hindi sayo galit yun. Sa akin" sabi nya. Nakaupo kami sa gilid ng pool at nakalublob ang aming mga paa sa tubig. Nilingon ko sya at nagtama ang aming paningin. "Bakit sya galit?" Tanong ko ngumiti sya " I told him I asked you for a date. Masyado syang mahigpit na amo sayo. Iniisip ko tuloy, gusto ka nya" aniya habang nakatingin sa tubig at nakanguso. Ang cute!


"Wala naman syang dapat ikagusto sakin" sagot ko at tumingin rin sa repleksyon namin sa tubig " Yun ang alam mo. Pero maraming bagay tungkol sayo ang pwedeng magustuhan ng lalaki. And I like everything about you" mahina nyang sabi, kumawalang muli ang mga paru-paro sa sistema ko. Ito na ba iyon?

"Kung tatanungin ako kung ano nagustuhan ko sayo? Hindi ako sasagot. Baka pag sinabi ko ang mga dahilan, magkandarapa sila sayo. I like you Penelope, no, I think I'm way past that."

Parang nagslow motion lahat saakin, yung ngiti nya, yung mahina nyang halakhak. Wala akong ibang marinig kundi iyon "I like you Penelope, no, I think I'm way past that"

Ilang beses na nagpaulit ulit iyon sa isip ko, hindi ko malaman kung anong magiging reaksyon ko doon. Magkahalong tuwa, kilig at takot ang nararamdaman ko.

Tuwa dahil pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa.

Kilig, dahil eto lang naman ako, pero gusto niya ako.

Takot, dahil baka umaasa lang akong totoo ito. Takot, dahil baguhan palang ako sa nararamdaman ko. Baka isasama nya lang ako sa listahan ng mga babae nya. Baka hindi ko kayanin ang sakit kapag nangyare iyon. Pero sabi nga nila kalakip ng pagmamahal ang sakit, pain demands to be felt. Ang tanong, makakaya ko ba yung sakit?

If I Got ZEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon