"Eunice, dalawang araw na lang tayong magkakasama ng buong araw. Sa Lunes na ang simula ng trabaho ko. Huwag kang malulungkot, ha? Aalis lang ako sa umaga pero babalik din ako sa hapon. Kailangan ko lang magtrabaho para sa future natin. Okay lang naman iyon, 'di ba?" paalala ko sa kanya.

Napabuntong-hininga na lang ako nang hindi siya sumagot. Paano ko ba malalaman kung okay lang iyon sa kanya? Baka kasi umiyak na naman siya kapag umalis ako kahit na in-assure ko na ng ilang beses na babalik ako.

Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan siya sa mata.

"Okay lang naman sa'yo iyon, 'di ba?"

Alam ko namang hindi siya sasagot pero inulit ko pa rin ang tanong ko. Pero nagulat ako nang bigla kong maramdam ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Napatingin ako sa mga kamay namin.

Anong gusto niyang sabihin? Ito ba ang paraan niya ng pagsagot? Pero ano ang ibig niyang sabihin? Ano ang sagot niya? Tumingin ako sa kanya nang may maisip na gawin.

"Eunice, I want you to squeeze my hand if it's okay with you. If not, don't squeeze it. Ngayon, tatanungin ulit kita. Okay lang ba sa'yo na umalis ako sandali para magtrabaho?"

Hinintay ko ang sagot niya. Nanlaki ang mata ko nang higpitan niya ang hawak sa kamay ko. Mabagal lang iyon pero naramdaman ko ang paghigpit nito. It means it's okay with her, right?

Napangiti ako at agad ko siyang hinalikan sa noo. Niyakap ko siya at paulit-ulit na hinalikan ang ulo niya. Natutuwa talaga ako. Natutuwa ako hindi dahil okay sa kanya ang lahat kundi dahil mas nag-i-improve siya. Siguradong matutuwa sina Tita Emie kapag ibinalita ko ito sa kanila.

Sandali pa kaming nanatili roon hanggang sa maisipan kong umuwi na kami. Inayos ko na muna ang mga dala namin at inilagay ang mga iyon sa sasakyan. Pagkatapos ay binalikan ko na si Eunice para dalhin sa sasakyan.

"Halika na. Uuwi na ta—"

Natigilan ako nang makita ko ang nakangiti niyang mukha. Nakatingin pa rin siya sa kawalan pero may isang tipid na ngiti sa mukha niya ngayon. Bigla akong nakaramdam ng saya. She's smiling. Fuck! My Eunice is smiling!

Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya. This is, again, an improvement. Pakiramdam ko ay malapit na talaga siyang gumaling. Kaunting tiis na lang, sigurado akong magiging okay na ang lahat. Makapagsisimula na kami ng panibagong buhay.

Umuwi na kami sa bahay pagkatapos no'n. Masaya kong ibinalita sa kanila ang mga pagbabago kay Eunice. Tuwang-tuwa rin sila dahil sa mga pangyayari. Pero alam kong sa aming lahat, ako ang pinakamasaya.

Sa mga sumunod na araw ay naging maayos naman ang lahat. Wala namang naging problema nang mga araw na pumapasok ako sa trabaho. Kahit papaano naman ay maayos naman si Eunice. Wala pa naman ulit siyang naipapakitang kakaiba o pagbabago pero umaasa pa rin ako na malapit nang dumating ang araw na magiging okay na siya.

"Ingat po, Chef," bati sa akin ng isa sa mga ka-trabaho ko nang papauwi na ako.

Ngumiti ako. "Sige, ingat din."

Katatapos lang ng shift ko sa araw na ito at excited na akong umuwi. Sa bawat araw na umaalis ako at pumapasok ako sa trabaho, hindi ko maiwasang mag-alala kay Eunice. Kaya nga sa bawat araw ay ipinagdadasal ko na bumilis na ang takbo ang oras para makasama ko siya.

Nakasakay na ako sa kotse ko at papaandarin na sana ang sasakyan nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko agad iyon nang makitang si Bea ang tumatawag. Baka may gustong ipabili bago ako umuwi.

"Hello?"

"Niel, pauwi ka na ba?"

I creased my forehead when I sensed a little panic in her voice. "Oo. Why? Did something happen?"

"Umuwi ka na. Si Eunice kasi… kanina pa siya umiiyak. Hindi na namin mapatahan, eh."

Agad kong pinaandar ang sasakyan ko nang malaman iyon.

"What? Bakit hindi niyo agad ako tinawagan?"

"Ayaw ka kasi naming istorbohin sa trabaho mo, eh. Ilang beses na rin naming ipinaalala kay Eunice na nasa trabaho ka pero hindi siya tumitigil. Tumawag na rin kami ng doktor pero hindi pa dumarating hanggang ngayon dahil may emergency sa ospital. We don't know what to do anymore. Pati ang nurse ay walang magawa. And Niel…"

Mahina akong napamura nang makitang traffic. Pero natigilan ako nang tumigil sa pagsasalita si Bea.

"What is it?" I asked.

"Si Eunice… Nagsasalita na si Eunice, at ikaw ang hinahanap niya."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Hindi ko magawang tuluyang maging masaya sa nalaman dahil sa sobrang pag-aalala ko kay Eunice. Pero nakapagsasalita na siya? Ibig sabihin, makakausap ko na ulit siya!

"Sige, sige. Basta pauwi na ako. Try to tell her that I'm coming. Baka sakaling makatulong para tumahan na siya," sabi ko.

"Okay. I'll try to talk to her.”

Pagkatapos no'n ay ibinaba na niya ang tawag. Nang mawala ang traffic ay agad kong pinaharurot paalis ang sasakyan ko.

Everything Has Changed (The Neighbors Series #1 - Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon