Ang Yummy na Seminarista ng Taon

8.7K 491 122
                                    

As of the moment, nakatitig lang ako sa computer ko. Wala naman kasing pumapasok sa isip ko, medyo distracting kasi 'yung nasa katabing desk ko. Hindi naman kasi ako magaling makipagkilala kaya kailangan ko munang iconsult ang girl/gay friends ko. Syempre, kailangan may mga tactics tayo.

So far, ang alam ko pa lang from what I've heard ay:

1) Richard Faulkerson Jr. 'yung pangalan nya.

2) 25 na sya.

3) Yummy sya. (Ito, observation ko ito.)

4) Around 5 or 6 sya. (Observation ko rin 'to. Sorry, hobby with my friends. Tsaka kasalanan ko bang hapit 'yung pantalon nya?! E 'di sana nagjogging pants sya sa office if he doesn't want other people to measure him, 'di ba? Heller?)

5) Black 'yung favorite color nya. ('Yung mga gamit nya sa desk nya.)

6) Mahilig syang ngumiti.

7) Maganda boses nya. Manipis labi nya pero cute.

8) Pamangkin sya ni Sir Ian, well, given na 'to. Pinakilala sa amin, eh.

9) Wala pa syang nagiging girlfriend. (Hello? Bathalang Emre? Bagay kami super, 'di ba?)

10) At ang pinaka-importante, galing syang seminaryo.

Isa lang ibig sabihin nu'n: may plano syang magpari. Wow, ang brainy ko du'n, ha. Feeling ko walang makakahula no'n, ako lang, kasi beauty and brains ako. Charot!

Eh iyon na nga. Based from that fact, ibig sabihin, he thought he's gifted with single-blessedness. Iyon bang forever nagpi-preach ng Word of God, ganyan. He lives for our God Almighty - which makes him more of a challenge than he initially is. Alam nyo 'yon, mga baks? Para syang forbidden fruit. I mean, wala namang ginagawa 'yung mansanas, 'di ba? The devil just lured Adam and Eve in. Inosente kaya 'yung fruit. Nag-eexist lang sya, 'di ba? The fruit be like, hello? Adan at Eba? Sinabi ko bang kainin nyo 'ko?

Tsaka sino bang maysabing mansanas pati 'yung forbidden fruit? Parang hindi naman kapani-paniwala. Sino bang alive by that time to record that? Hindi ko naman dina-doubt ang Bible, ha, Roman Catholic din naman ako. Ang akin lang, mansanas agad? Forgive me for not doing further research on this, pero really? Mansanas? 'Di ba pwedeng langka? Durian? Or atis? Malay mo hirap na hirap magluwa ng buto ng atis si Adan at Eba that time?

Nahalata nya yatang nakatingin ako sa kanya, kaya napatingin sya sa akin. Jusko, ano bang tingin 'yan? Then, he slowly smiled, revealing his dimple. Mahabaging bathala ng mga bakla, tulungan nyo ang matres kong nagkakandarapa na agad sa kanya kahit wala pang nangyayari!

Ngumiti rin naman ako pabalik. Syempre, ayan, pa-yummy din. Sino bang maysabing mag-long sleeves ako? Bukas, mago-off shoulder akong blouse para powerful. Ilabas ang collarbone! Pak! Ilabas ang heel-dora! Pak! Ilugay ang buhok bukas, gumising ng maaga para magkilay! Pak! Itago ang cleavage, medyo tabla tayo du'n! Ganern!

Hinawi ko 'yung buhok ko, 'yung parang pa-fresh na model style. Ganyan! Ganda-gandahan tayo rito. Tapos I sat up straight and crossed my legs. Kunwari professional! Kunwari hindi nagpapalipas oras lang. Sabi ng mga baklaan kong kaibigan, don't give yourself away at first sight. Eh pang-ilang sight ba ang kailangang mangyari between the two of us bago ako bumigay? Hello? Ubos na 'yung pagtitimpi ko!

At lunch, kinapalan ko na talaga ang mukha ko.

"Hi!" I smiled at him. "I'm Maine."

Tiningnan nya lang 'yung kamay ko, tapos saka pa nya kinuha at ngumiti. Hayy, mga baks. Ang lambot, jusko, sarap unanin ng kamay nya - and hello? Vicky Belo? Anong kahiwagaan itong walang pores itong lalaking ito? "Hi," he said, still smiling at me. "Tito had told me about you."

Grabe naman si Sir Ian, daming satsat sa buhay, ah. "Don't worry," tatawa-tawa nyang sabi. "He only mentioned the good things."

Ah, okay. "Lunch?"

Medyo nagulat sya do'n, but hell, I'm not wasting time. The clock is ticking. Malay ko ba kung bakit sya pinalabas sa seminaryo? Malay mo for a week lang? Vacation, ganyan, ayaw ng tambay sa bahay kaya nagliliwaliw sa labas at nakikisaling-pusa sa office? I need to make him doubt his faith!

Ano ba 'yan, ang devilish ko naman. Pero Lord, 'di ba may rason kung bakit sya napalabas? Kung bakit wala sya sa seminaryo ngayon? Lord, I swear, maging akin lang 'tong boylet na 'to, kahit ilang anak pa naming lalaki ang maging pari, okay na!

"Okay," sabi nya na nagpatalon sa puso ko. Feeling ko lumundag 'yung matres ko pataas tapos ka-level na sya ng diaphragm ko.

Because the clown was the nearest fastfood kemerut emberlu, syempre 'yun na 'yung choice. I wanted to eat somewhere better for our first meal pero hello, one hour lang 'yung lunch, sasayangin ko pa ba? He asked me what I wanted tapos he insisted na sya na raw oorder at magbabayad. Hindi naman ako naghihirap pero parang gusto kong i-keep 'yung receipt for today's meal. First ever libre nya sa akin, mga bakla! Feeling ko masusundan pa 'to!

"So," I talked over lunch. "What do you do? Paano ka napunta sa office?"

Tactic number one, pretend you don't know anything. Let him supply the information you needed. Kunwari, lahat ng information mo, first hand, ganyan! 'Wag mong ipahalata na kulang na lang, kulay ng brief nya, alamin mo!

"Magpapari ako," he said heavenly. Uy, hindi ako OA, ah. Heavenly talaga 'yung pagkakasabi nya. Ewan ko lang kung dahil mukha syang anghel o pakiramdam ko dadalhin nya ako sa langit. "Lumabas lang ng seminaryo. Ayun, wala kasi akong magawa sa bahay so I asked Tito for work." Tumawa sya, tapos feeling ko, pupulutin na 'yung panty ko sa kung saan. "Sabi ko nga sa kanya, I'd work for free, just give me allowance if I were to run errands. Kaso makulit, employee nya raw ako."

I nodded. Tactic number two, let him ask about you. "You?"

"Hmm, wala namang interesting sa buhay ko, but I'm really curious about you - I mean, your kind of people. Sorry ah, first time ko kasi makakilala ng magpapari - I mean, ganito. Puro gay kasi ang friends ko, eh. So what made you do it?"

"Pagpapari?" His smile never left his face. "May calling kami."

"Calling?"

"Alam mo 'yun, 'yung... gusto mo talaga Siyang pagsilbihan. 'Yung hindi enough na nakaupo ka at nakikinig lang sa simbahan. Gusto mo, ikaw rin, magpalaganap ng salita ng Diyos. Gusto mo, ikaw din, may purpose. May mas malaking purpose than by just being a simple member of the Church."

Dinudugo na ako, ha. Tactic number three, kahit kinikilabutan ka na, kunwari, interested pa rin. Ganyan! "Aabot din sa point na you wanted to share what Christ experienced. You wanted to share His pain, you wanted to do what He did - you wanted to save His people."

Juskopo, parang mas mahirap pa 'to sa thesis defense ko four years ago, ah.

"Bakit pagpapapari? Ayaw mo nu'ng, brother lang? 'Yung ginagawa mo pa rin lahat ng nasabi mo pero hindi naman super duper todo na 'to to the highest level ang pagiging... involved?"

He shook his head. "Iba 'yung uri ng calling na 'yon."

Hindi ko talaga maintindihan. "Never naging against 'yung Mom mo?"

"Masaya pa nga, eh."

Paktay ka dyan nini. Go for the gold si mudrakels mahihirapan kang kumuha ng tao on your side. Jusko day.

"Never mong naisip magka-girlfriend?"

"Ewan ko," he smiled innocently. "Pero wala talaga akong nagugustuhan. Bago pumasok sa seminaryo, pinakilala rin ako sa iba't-ibang babae. Baka raw magdalawang-isip pa ako. Pero wala talaga, eh."

"So no girlfriends... ever?"

He shook his head.

"Like... ever? None at all?"

He shook his head again.

"Pwede mag-volunteer?"

His Way To SainthoodWhere stories live. Discover now