"Tara na." Sabi ko pagkababa ng hagdan.

~~~~

"Kanina pa tayo nandito,nasaan na ba sila?" Iritadong sabi ko.Inaanay na kami dito kaka-antay.

"Oo nga eh.Sabi nandyan na daw sila."Sabi ni Yesha.

Nandito kami sa loob ng 7 eleven sa tapat ng simbahan.Mabuti nga at hindi kami pinapalabas ng guard dahil sa ingay nila,nakiki-upo lang kami.

"May titignan lang ako guys ha." Sabi bigla ni Juliana.

"RichKid!May pera kang dala?" Tanong Jake.

"Hindi,titingin lang para kunwari may bibilhin.Nakakahiya naman kay Kuya Guard,kanina pa nakatingin ng masama sa atin." Paliwanag niya habang sinesenyas si Kuya guard.

"Geh,sama ako." Sabi ko at sumunod sa kanya.

Dumiretso kami sa Biscuits Section at nagsimulang magtingin ng pwedeng tignan.Sana pala nagdala ako kahit Sampung piso.Natatakam tuloy ako sa clover na nakita ko sa kalapit na section.Tsk!

"Anong pangalan nung lalakng crush ni Angel?" Tanong ko nang naalalang hindi ko kilala yung lalaking sinasabi nila."Madaya kayo!Ako lang ata hindi nakakaalam."Nakangusong sabi ko.

"Basta,ilang minuto lang nandyan na yun.Makikita mo din.Relax ka lang." Sabi ni Juliana na nasa mga Biscuit pa din ang paningin.

"Sa wakas!Dumating na kayo!"

"Sensya na may pinuntahan pa kami."

"Mukhang nandyan na sila." Sabi ni Juliana at naglakad na pabalik.

Maliit lang naman itong convinience store kaya lahat ng ingay mula sa loob ay madidinig mo kahit nasa sulok ka lang.Kaya ganun makatingin si Kuya Guard sa amin.Dinig na dinig masyado ang ingay namin.

"Nandyan na pala kayo." Sabi ni Drew ng makita kami.

Nanlaki naman ang mata ko ng makita kung sino yung dumating.

"S-Si Kuya Xiz din yung crush niya?" Gulat na bulong ko kay Juliana.

"Hindi.Sinabi lang namin na Crush ni Angel yung pupuntahan namin kase kapag sinabi namin na si Kuya Xiz,hindi ka sasama sa amin." Bulong naman niya pabalik.

"Pero kahit na!Nakakahiya yung suot ko!" Buling ko na naman.

"Okay lang yan.Maganda ka pa din naman." Sabi niya tsaka bumalik sa upuan niya.

Tsk!Hindi ako na-inform!

"Hi Kylie!" Bati sa akin ni Ate Lei.Kinawayan ko na lang siya.

Nagdadalawang-isip pa ako kung babatiin ko si Kuya Pranxiz ng magsalita siya."Hi Kylie!" Sabi niya habang malawak ang ngiti.Ngayon ko lang napansin na malaki ang ilong niya.May bigla tuloy akong naisip.

Pfft!Kuya Ilong.Huehuehue.

"H-hello." Bati ko pabalik.

"Bakit ba ang layo mo sa amin?Lumapit ka nga dito!" Saway sa akin ni Yesha.

Ngayon ko lang napansin na kalahating metro ang layo ko sa kanila.Iniwan na pala ako ni Juliana. -_-

Agad naman akong lumapit at naki-upo sa tabi ni Juliana.

"Ano ba talagang gagawin natin?" Tanong ko na naman.Kanina pa ako nagtatanong pero 'basta' lang ang sagot nila.Naghihinala na ako dito sa mga Wengyang toh eh. -_-.

"Ahh..ano..Wala lang,natripan lang namin na magkita-kita kase nalaman namin kahapon na iisang subdivision lang tayo." Paliwanag ni Ate Lei."Duon tayo sa park."

Gaya nga ng sabi ni Ate Lei ay pumunta na kami sa park.Katabi lang siya ng simbahan kaya onti lang ang lalakarin namin.

"Anong gagawin natin ngayon?" Tanong ko sa kanila mg maka-upo kami sa isa sa mga stone bench na nagkalat dito sa park.

Madaming tao na namamasyal ngayon dito dahil hapon,hindi na mainit at malamig na ang simoy ng hangin.Madami-dami ang mga batang naglalaro at may mga naglatag pa sa damuhan para magpicnic.Nakapalibot din ang iba't-ibang food stalls sa paligid kaya hindi ko maiwasang matakam lalo na ng maamoy ko ang fries na may cheese flavor.

*BRRRR!*

"Kanining t'yan yun?" Gulat na tanong ni Drew.Agad naman akong nagpatay-malisya.

"Si Kylie,gutom na siguro yan.Unti lang yung kinain niya kaninang meryenda eh." Pambubuking sa akin ni Elle.

"Kasalanan ko bang paubos na ng kumuha ako?" Sarkastikong tanong ko.

"Sinong may pera d'yan?Manlibre naman kayo." Sabi ni Jake na hanggang ngayon ay hindi ko alam ang dahilan kung bakit sumama sa amin.

"Ako na,sinong gustong kumain." Prisinta ni Kuya Xiz.Nagulat naman ako ng ako ang tinuro nilang lahat.

"Siya,siya lang yung nagugutom.Sige na.Lumayas na kayo!" Sinabi yan ni Sarah habang tinutulak ako.Sa pagkakaalam ko hindi umaatras sa libre yang mga yan.

"Ako din.Gutom na din ako" Sabi naman ni Jake at tumayo na din ng hinila siya ni Drew pabalik sa pagkakaupo.

"Kumain na siya kuya Xiz kaya paniguradong busog na yan.Kayo nalang." Sabi ni Yesha at palihim na kinurot si Jake.

"Sige,tara na." Tukoy niya sa akin kaya hindi ko maiwasang kiligin kahit na alam kong may plano yong mga kaibigan ko.

Nauna siyang maglakad habang nasa likod niya ako.Kahit yung paraan niya ng paglalakad ay cool na mas nakadagdag pa ng kagwapuhan niya.Para tuloy aking fangirl ng likod niya.

"Anong gusto mong kainin?" Natauhan naman ako sa tanong niya.Bago pa siya lumingon sa akin ay inayos ko na ang pagkakatayo ko.

"K-kahit saan nalang." Nahihiyang sabi ko.Hindi naman ako pabebe eh.Sadyang hindi ako sanay makipag-usap sa isang taong hindi ko masyado kilala at ang mas malala,crush ko pa.

"Kwek-kwek?" Tanong niya.Tumango naman ako.

Agad naman kaming lumapit kay kuya na nagtitinda."Dalawang Ten Pesos nga po." Sabi niya sabay abot ng twenty pesos.

Yaman naman ni Kuya.Huehuehue.

Nang mabigay na ni Kuya yung binili niya ay umalis na kami ay napagdesisyunan na bumalik na.

"Arf!Arf!" Nagulat naman kami este,siya lang pala ng may tumahol na aso sa likod namin.Malaking aso.Lalapitan ko sana bigla niya akong higitan sa kamay.

Mukhang takot na takot siya.Napatawa nalang ako ng maisip na takot siya sa aso.Pinagpapawisan pa siya.Sa sobrang pagtitig ko sa kanya, hindi ko namalayan na nandito na pala kami.

Hingal na hingal kami ng maka-upo kami.

"Woi!Ano yan!Bawal yan ah!" Puna ni Yesha habang nginunguso yung kamay namin na magkahawak padin bago pa niya bitawan.

Hindi ko maiwasan kiligin ng maalala kong first time ko yun.First Holding Hands While Running.

End of Chapter 7
Edited√

Comment down your thoughts!

Highschool ConfessionМесто, где живут истории. Откройте их для себя