Chapter 16 - The Game Starts

Start from the beginning
                                        

Lalo nang namula ang buong mukha ko... Inilagay ni Jazz ang dalawang kamay niya sa pisngi ko, nakakunot ang noo niya.

"Are you okay?" Isinulat naman niya. Sabi na nga ba eh! Di lang nagiinit ang mukha ko, namumula na pala.

"Maam, Sir..." Napatingin kaming dalawa sa naka coat and tie na lalaki.

"Kayo yung nasa video diba? I need your group sa entertainment ko. Kung ok lamang sa inyo, may additional TING! Money" nagkatinginan kami ni Jazz...

After 15 minutes na pag-uusap namin, nakipag deal kami. Una, nagdadalawang isip kami dahil sa pag-aaral namin pero noong may sinabi na yung lalaki about sa studies namin, pumayag kami sa offer niya.

"Thank you." Nakipag shake hands na siya sa amin.

"Let's tell Fletch?" Sulat niya. Sabay na kaming tumayo at lumabas sa restaurant. Nagsimula nadin kaming lumakad. Ramdam namin sa isa't isa ang tuwa at excitement.

Kaso biglang umulan... Buwisit mababasa yung damit ko!

O___O

Hinawakan ni Jazz nang mahigpit ang kamay ko at sabay kaming tumatakbo. Lalo namang lumalakas ang ulan. Ano ba! Bakit ganito ang nararamdaman ko?!? Nakatulala lamang ako sa ulo niya habang tumatakbo kaming dalawa. At ang masaklap? Napatapilok pa ako T_T.

Basang-basa na kami sa ulan. Medyo malayo pa kami sa tambayan tapos wala pang taxi or kung ano mang vehicles ang dumadaan. Nanginginig na ang mga kamay ko sa sobrang lamig.

Binuhat na niya ako. Iiiiiih! Nakakahiya naman! Ang bigat ko kasi matakaw ako tapos.... Ugh basta habang binubuhat niya ako, nakatingin lang ako sa mukha niya. Ang mga patak ng tubig na tumutulo sa labi niya, tumutulo sa mukha ko. Para akong hinahalikan OMG!

"Oh anong nangyari dyan?" Tanong ni Marrian. Nakarating na pala kami sa tambayan namin.

"Tinamad atang maglakad kaya nagpabuhat kay Jazz." Sabat naman ni Reym. Buwisit naman oh!

"Grabe kayo! Napatapilok ako. Tumatakbo kasi kami ni Jazz kasi inabutan kami ng ulan." Paliwanag ko.

Ipinaliwanag namin ni Jazz ang nangyari kanina about sa deal namin nung lalaki, at napatalon kaming lahat sa sobrang tuwa. Tinatry namin na ivideo call si Chloe para ipaalam ang nangyari pero ayaw sagutin baka busy siya. Nagpalit na ako ng damit at ganon din si Jazz.

After namin mag-bihis, sabay-sabay kaming pumunta sa Cafe para sabihin sa manager namin.

Nasaktohan naman na naandoon din yung lalaking nakausap namin sa restaurant, umiinom ng kape.

"Manager!" Tawag namin sa kanya.

"Kinausap ako nung lalaki na naka coat and tie at nabalitaan kong sisikat na talaga kayo." Sabi sa amin nung manager ng Cafe. Halatang nalulungkot siya sa nabalitaan niya.

"Ano ka ba manager! Magpeperform pa din kami dito. Basta may sweldo." Sabi ni Reym at nagtawanan kaming lahat.

"Eh kailan ba kayo magsisimula dyan sa career ninyo?" Tanong sa amin ni Manager. Ah eh, di naman nabanggit nung lalaki kung kailan eh.

"Bukas, 5pm Sharp." Biglang nagsalita yung lalaki. Nakikinig na pala siya sa usapan namin ngunit pagkatapos niyang sabihin yon ay lumabas na din siya sa Cafe.


•••


(Jazz' POV)

Nag uwian na din naman kami after ng mga usapan kanina sa cafe. Bago pala ako umuwi, bibisita lang muna ako sa mansion ni Tito. Sasabihin ko lang yung offer nung lalaki sa amin.

Dumiretso kaagad ako sa kwarto ni JB.

"Oh, Jazz! Alam mo na :)" Kinuha ko ang isa sa gitara niya at sabay kaming tumugtog...


"Pro ka na Jazz. Gabi na dito ka na magdinner." Sabay kaming pumunta sa dining room para kumain.

"Dito ka muna Jazz, dumating na si Dad." Ngumiti ako habang nagpophone ako.

Ilang minuto na ako naghihintay. Medyo naiinip na din ako kaya pumunta ako sa may living room.

"Ano? Icoclose mo na yung school? Sa kalagitnaan pa ng 1 semester? Dad naman!" Sumisigaw na si JB.

"Wala na, wala na tayong pag-asa. Maghihirap na talaga tayo anak. Ang Young Family. Hindi na din makakaabot si Jazz kasi... Oh Jazz. Andito ka pala." Pumunta na ako mismo sa kanilang dalawa at ipinikita ko sa kanila ang tinype ko sa phone ko.

"Don't worry Tito, JB. Nag viral ang video performance namin at may nagoffer na papasok kami sa music industry. Almost a hundred thousand ang perang makukuha ko. Makakapagdonate ako ng pera para sa school." Nagulat ang dalawa sa nabasa nila. At agad naman akong niyakap ni Tito.


"Thank you so much Jazz." Sabi niya sa akin. Hindi pwede maging kahihiyan ang next generation ng Young Family. Pasisikatin namin ulit ito.


Kahit di pa ako tapos sa Senior Highschool, kailangan ko nang bumalik sa South para sabihin ang lahat ng nangyari sa akin.


Next week, see you soon Lolo Fred.

When My Strings SingWhere stories live. Discover now