Chapter 15 - How's Chloe?

Start from the beginning
                                        

Edi uuwi na lang kami ng nakanga nga? Nga-nga? Nga-nga? Hay! Ayaw naming ngumanga lalo na at passion namin ang pagpeperform. Pano yan? Wala na kaming pang mall.



Buti na nga lang at sinagot ni Chloe yung tawag ni Fletch kanina dahil nalaman niya kaagad yung nangyari ngayon. Tapos ito kami ngayon, nga-nga na lang...



*flash back*


"Eh, maghahanap na lang ako ng bago! Wala na kayong gana mag perform eh." Sabi ni manager.


"Bigyan mo pa kami kahit isang performance pa. Please!!" Nagmamakaawang pagkakasabi ni Reym.


"Hayy! Kayo talaga..." Napatahimik kami sa sinabi ni manager...


"7 pm. Chu! Mamaya na lang." Napalundag kami sa tuwa."


*end of flashback*




Bibigyan pa din kami ng chance pero last performance na yun. Pero sana magpakita lang kami ng something na new at unique performance, eh, baka maibalik kami sa pagpeperform pero hopeless na eh.


Panigurado kaming apat dito, yun din ang iniisip...


"Umuwi na lang tayo, magpapagod lang tayo kung magpeperform pa. Pagod na din naman tayo sa school eh" Anyaya ni Reym. Hina ng fighting spirit ng babaeng to.


O___O sumunod naman yung dalawa. Jusko! Suko na din?!



Wait.... "Wait!" Sigaw ko tas nag "shhhh" ako at tumahimik sila...



"Naririnig nyo yun?" Tanong ko. Tapos pinapakinggan naman nila kung ano yung naririnig ko.



"Ang galing naman mag gitara non! Sino iyon?" Tanong ni Fletcher.


Parang aso kami dito, hinahanap yung tumutugtog ng gitara. Pano banaman ang ganda ng tinutugtog niya, tapos parang yung gitara na din yung kumakanta. Edi hanap pa more kami. Mukha na kaming mga baliw dito sa kakahanap hihi.



At nang makita na namin yung tumutugtog ng gitara, lumaki ang mga mata naming lahat...


"JAZZPER?" Sabay-sabay pa kami. Jusko! Jazz? Si Jazz ba talaga to?



"Akala ko pang porma mo lang yung guitar bag dahil laging nakasakbit lang sa balikat mo pero itong pagtugtog mo? Wow!" Comment ni Fletch.



Napatingin kaming apat sa isa't isa...




"Isali natin siya!" Sabay na naman kaming napasigaw at hinila na namin agad si Jazz sa may tambayan namin kung saan kami nagpapractice.



"Jazz, please sumama ka sa performance namin. Madidusband na kasi kami dahil wala ang magandang boses ni Chloe. Alam naming wala kang boses na kasing ganda ni Chloe, uy wag ka magagalit, pero pinagpala ka para magkaroon ng magandang kamay!" Paliwanag ni Fletch.


Actually noong narinig ko ang pagtugtog ni Jazz, may meaning yun eh. Para siyang kumakanta kahit wala siyang boses. OMG! Cute guy tapis guitarist? Crush ko na din siya hihi sorry Chloe.




"Sure! Willing akong tumugtog para sa band niyo :)"




"Weh???! O para kay Ch---" Talaga naman tong si Marrian! Buti na lang at tinakpan ni Reym ang bibig ng babaitang to. Pero kita na naming namumula na si Jazz. Awwwww! Ang cute niya haha! Bagay talaga sila ni Chloe.



"Tama na yan, magpractice na tayo :)" Sabi ni Fletch.



"Wala tayong dinalang instruments pano yan?" Tanong ko.




"Wag kang mag alala" Kinindatan ni Fletch si Jazz at ngumiti naman ito.



"1 2 3!"





•••







"Mmm, bago po magperform yung new banda namin, may Last Performance kayong maririnig sa dating band... The G!" Narinig na namin ang pangalan ng banda namin. Oo na! Corny pero wala na talaga kaming maisip eh...




[AN: Sorry  po walang subtitle XD]




Yeah, ito ang pinlano namin. Tutal hindi pa nila naririnig yung boses namin, edi ipinakita na din namin kung gaano kaganda ang boses namin haha. Natapos ang performance na may standing ovation at pagkatapos ay agad kaming kinausap ng manager namin...



"Wow!!!! Simple but wow!" Sa bi niya sa amin.


"Sir, pano po kami?" Tanong nung bagong banda.



"Mmmm, layas na kayo. Hindi na pala ako maghahanap ng iba pang banda" Asus -_-



Lumayas na nga yung mga yun. Natuwa din si manager sa baho naming kasama. Ang galing daw mag gitara. Pwede nang hindi gumamit ng drums. Edi nausihan kami ng acoustic performance haha! At hindi na kami nagtaka na dudoble ang sweldo namin. Salamat talaga Jazz!



Pero kahit anong bigay namin kay Jazz ng parte sa sweldo namin ngayong gabi, hindi niya ito tinatanggap....




At doon, narealize ko na hindi lang sa pera siya nakasalalay din sa pagtugtog kundi kung passion  mo talaga ito, nako... Wala na akong masabi haha si Fletch kasi ang magaling dito eh.




Pero wait, may ginawa ako after performance. Pinavideo ko yung performance namin sa isang costumer at pagkatapos kakasend ko lang ngayon nito kay Chloe...



Ano kaya magiging reaction niya? Hahaha



Uuwi na kami. Bye!








When My Strings SingWhere stories live. Discover now