Thirty-Nine

16.2K 280 3
                                    

Chapter 39
Decisions

**

Nagising ako sa isang maliwanag na kwarto. Inilibot ko ang tingin ko at napagtantong nasa clinic ako ng hotel. Napatingin ako sa gilid ko nang mapansin ang paglapit sa akin ng dalawang tao.

"Eunice, are you okay?" Sapphire asked.

Dahan-dahan akong tumayo. "I'm okay. What happened?"

"Nawalan ka ng malay sa canteen. Ang sabi ng hotel nurse, dahil daw sa pagod at stress. Eunice naman! 'Di ba sabi namin huwag mong pababayaan ang sarili mo?" nag-aalalang sabi ni Bree. Pero hindi ko iyon pinansin dahil sa unang sinabi niya.

"Hotel nurse? Kung ganoon, alam na niyang—"

"Don't worry. Hindi naman niya ipagsasabi. Nakausap na namin siya. Hindi niya ipapaalam na buntis ka," sabi ni Saff. Nakahinga ako nang maluwag.

Pero may bigla akong naalala. "Uh, ilang oras na ba akong tulog?"

"Six hours."

Nanlaki ang mata ko at agad na napatayo. Nakaramdam ako ng hilo dahil doon kaya naman napaupo ako sa kama. Inalalayan naman ako nina Saff at Bree.

"Huwag ka na munang tumayo. Magpahinga ka na muna. Makakasama sa'yo," sabi ni Bree.

Umiling ako. "Kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Marami pa akong gagawin. Anim na oras na akong nandito. Okay na iyon."

I heard Saff groaned. "Eunice, alam mo ba iyang sinasabi mo? Huwag ka na munang bumalik sa trabaho dahil kailangan mong magpahinga."

"Hindi pwede. Kailangan ko na talagang bumalik," sabi ko saka nagmamadaling umalis. Iniwan ko sila roon na patuloy akong tinatawag pero hindi ko sila pinansin.

I'm sorry, girls. Kailangan ko ito para sa anak ko.

Nang bumalik ako sa trabaho ay pansin kong marami na ang nag-out. Kakaunti na lang ang nasa Accounting Department ngayon. Halos tatlo na lang yata ang natitira at malayo pa sila sa pwesto ko. Siguro ay mag-o-overtime rin sila dahil halata ang pagiging tutok nila sa trabaho.

Tinanong ako ng HR kung bakit ngayon lang ako bumalik. Sinabi kong sumakit ang ulo ko at nagpahinga muna ako sa clinic. Sinabi kong mag-o-overtime na lang ako ngayon para matapos ang trabaho ko. Mabuti na lang at naintindihan naman niya.

**

Nathaniel’s Point of View

Kasalukuyan akong nasa locker room at katatapos lang magpalit ng damit. Tapos na ang trabaho ko sa araw na ito. Nang mai-lock ko ang locker ko ay nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko.

Nasa hagdan na ako nang bigla kong marinig ang boses nina Saff at Bree na mukhang paakyat. Halata sa mga boses nila na nagtatalo sila. Teka. Bakit nandito pa sila? Hinihintay ba nila si Eunice? Hindi pa ba siya nakakauwi?

Nang malapit na sila ay saka ko narinig nang mabuti ang boses nila at ang pinag-uusapan nila.

"Saff, please! Huminahon ka nga. Hayaan mong si Eunice na ang magsabi sa kanya," sabi ni Bree.

"Oh, shut up, Brianna! Pareho nating alam na wala siyang balak sabihin kay Niel ang tungkol sa kalagayan niya," sabi naman ni Saff.

Napakunot-noo ako. Ano raw? Kalagayan? May nangyari ba kay Eunice na ayaw nilang sabihin sa akin? Hindi ko maiwasang mag-alala dahil doon.

Patuloy pa rin silang umaakyat at sa pag-akyat nila ay mas lalo kong naririnig nang mabuti ang kung anumang pinagtatalunan nila. Nanatili naman akong nakatayo sa pwesto ko.

Everything Has Changed (The Neighbors Series #1 - Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon