Busy kaming lahat sa pagde-decorate ng conference room at office ng General Manager. Mga ilang sandali lang ay dumating naman ang ibang employees ng F & B Department na may dalang pagkain. Hindi kasi pwedeng lahat ng employees ang makiki-celebrate dahil kailangang may magbantay sa mga iniwan nilang pwesto. Pero mamaya naman ay sila naman ang papasok para kumain.

Pagpasok pa lang ng mga chefs ay si Niel agad ang una kong nakita. Nakatingin din siya sa akin. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit pero heto na naman 'yong feeling na naiinis ako sa kanya. Parang ayaw ko siyang makita. Probably pregnancy hormones.

Pansin kong lahat ng chefs ay naka-t-shirt. Siguro ay naiinitan sila kaya ganoon. Pumasok sila sa conference room para iayos sa mahabang mesa ang mga hinanda nilang pagkain. Nang pumasok si Niel ay nagpasya akong sa Office of the General Manager na lang tumulong sa pag-aayos. Promise, ayoko talaga siyang makita.

Ayos na ang lahat nang dumating ang General Manager. Sobra siyang na-surprise sa ginawa namin. Nagpasalamat siya sa amin at saka kami nagsimulang kumain. Dahil wala namang inihandang upuan sa conference room, nagpasya kaming sa kanya-kanyang table na lang namin kami kumain. Dahil wala namang table rito ang mga taga-F & B Department, naki-table na lang sila sa aming mga nasa Accounting Department.

Nagtaka naman ako nang walang naki-table sa akin. Pero pansin kong mayroon din namang mga walang kasama sa kanilang table. Oo nga pala. Hindi lahat ng employees sa F & B Department ay narito.

Habang kumakain ako ay napatingin ako sa mga lumalabas sa conference room na mukhang kakakuha lang ng pagkain. Lumabas mula roon ang isang ka-officemate kong babae habang tumatawa. Nang tingnan ko kung sino ang katawanan niya ay nagsalubong ang dalawang kilay ko. Well, si Niel lang naman ang katawanan niya at mukhang enjoy na enjoy silang dalawa sa kung ano mang pinag-uusapan nila. Iniwas ko ang tingin ko nang mapansing napadako ang tingin niya sa akin.

Marahas kong tinusok-tusok ang cake na nasa plato ko. Ugh! Huwag siyang titingin-tingin diyan at naiinis ako sa kanya!

"Bakit mo minu-murder iyang cake mo? Ayaw mo ba niyan?" tanong ng isang ka-officemate ko nang mapadaan ito sa pwesto ko.

Napatingin ako sa cake ko at nagulat ako nang makitang halos durog-durog na iyon. Ngumiti ako nang alanganin sa officemate ko.

"Hehe. Okay lang iyan. Gusto ko kasi durog-durog, eh."

Nagkibit-balikat lang siya saka pumunta sa pwesto niya. Napatingin ulit ako sa cake ko at napasimangot. Kainis! Nadurog na tuloy 'yong cake ko.

"Hey, okay lang bang maki-share ng table?"

Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang taong kinaiinisan ko ngayon. Hindi pa man ako nakakasagot ay kinuha niya na ang extrang upuan na nasa gilid at ipinatong ang kanyang pagkain sa mesa ko. Wow! Hindi pa ako sumasagot, ah?

Inirapan ko siya. "Ba't di ka maki-share ng table kay Kimmy?"

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Kimmy? Sino 'yon?"

I rolled my eyes. "Hindi mo kilala si Kimmy? Katawanan mo lang siya ngayon-ngayon lang tapos hindi mo siya kilala?"

"Ah. Kimmy pala pangalan niya."

"Oh, alam mo na ang name niya. Lumipat ka na sa table niya," sabi ko at saka ko nilantakan ang fried chicken.

"Teka nga. Nagseselos ka ba?"

Muntik na akong mabulunan dahil sa sinabi niya. Agad kong ininom ang tubig ko. Pagkatapos ay sinamaan ko siya ng tingin.

"At bakit naman ako magseselos? Naaawa lang ako kay Ate Bea dahil asawa mo siya tapos nakikipagtawanan ka pa sa ibang babae," palusot ko. Oo na! Nagseselos ako!

Everything Has Changed (The Neighbors Series #1 - Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now