Picture 13

9 0 0
                                    

A/N: Hi Guys! Sorry sa matagal na update! Sobrang busy lang talaga ako sa school hayssss, Anyway the long wait is done! HAHA! Enjoy! 


Road Trip


YUNA

Dalawang buwan na ang nakalipas at ganun pa din ang set up namin ni Red, Patuloy pa din siya sa pang liligaw niya sa akin. Kahit minsan hindi siya pumalyang pasayahin ako, Palagi siyang may dalang bulaklak, chocolates, at pagkain tuwing uuwi siya galing sa trabaho. 

Kitang- kita ko talaga sa mga mata ni Red na mahal na mahal niya ako....... Hindi ko lang pala nakikita kasi nararamdaman ko din pala. 

Parehas naman kami ng nararamdaman, Mahal na mahal naman namin ang isa't isa kaya hindi na ako nag dalawang isip na sagutin si Red. Yes, sinagot ko siya noong nakaraang linggo! At sariwang- sariwa pa sa alaala ko kung paano ang naging reaksyon ni Red sa sinabi ko. 

Simula noong sinagot ko siya, He became more sweeter than ever. Kulang nalang ay buhatin niya ako kahit saan man ako mag punta! 

Ngayon ay nandito na ulit kami sa condo unit niya, One time kasi ay nag away na naman sina Mommy at Aiden, pero sa puntong ito ay nadamay pa talaga si Red! Kasi naman itong kabit ni Aiden ay sumisingit pa sa usapan. 

Kaya nag pumilit ako kay Red na bumalik na kami sa condo niya kahit sinabi niyang okay lang daw sa kaniya yun. 

Peste kasi talaga yung kabit na yun! Mag hintay- hintay lang siya, makakaladkad ko din siya! 

Naging maayos naman ang unang linggo namin ni Red sa bahay namin pero tuwing kakain na ng hapunan ay hindi maiwasan nina Mommy at Aiden na hindi mag bangayan kahit nasa harapan nila si Red. Talagang malaki na ang galit sa kaniya ni Mommy.

Napalingon ako sa pinto nang bigla itong bumukas at inilabas noon si Red, My sizzling hot and handsome boyfriend. 

"Hello baby." bati niya

Lumapit naman ako sa kaniya at niyakap siya, "Mukhang ginabi ka ngayon ah?" 

Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko. 

"Dami kasing inaasikaso baby. Tinutulungan ko din kasi ngayon ang Mama sa mga business niya." 

Tumingin ako sa mukha niya at bakas doon ang sobrang pagod niya. Ang sipag talaga nitong baby ko....

"Kumain kana ba? Gusto mo ipag luto kita?" 

Hinalikan niya ang noo ko at hinaplos niya ang mukha ko 

"Makita at mahawakan lang kita okay na ako." 

Bigla naman uminit ang mukha ko at parang sasabog na din ang puso ko. 

Red naman kasi! Bakit ka ganito ka-sweet?! Bakit ba ang galing-galing niya mag papula ng mukha! 

"Babe may surprise pala ako sayo." sabi ni Red 

"Ano yun?" 

May kinuha siya sa bag niya at ibinigay niya sa akin ang isang picture, picture ito ng Batanes Highlands!  

"Pupunta ba tayong Batanes?" Nanlaki ang mga mata ko, Red doesn't have any idea how much I love to go to Batanes! 

"Yeah, Sabi nila maganda daw sa Batanes Highlands so why not, right?" 

"Oh my God! Excited na ako!" 

"Kailan mo gusto pumunta? So I can book a flight." 

Agad akong umiling, "Ayoko mag eroplano! Gusto ko roadtrip tayo! Tapos mag barko tayo!" 

Niyakap niya ako at isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko, "Good Idea."

"Baby?" Tawag niya sa akin

"Po?" 

"Antok na po ako sobra, Tulog na tayo?" mapaos- paos pang sabi ni Red 

Pag talaga ganito si Red ay dumadagdag ang kasexyhan nito! Minsan nga ay parang gusto ko nalang sunggaban si Red! 

"Okay po, Pero bukas mag p-plano na tayo para sa trip ah!"

"Of course baby we will." 


~~*~~

Kinaumagahan maaga akong nagising para mag luto na ng umagahan at para makapag ayos na din ako ng mga gamit namin ni Red, sorry excited lang! 

Pag katapos ko mag ayos ng mga gamit lumingon ako sa gawi ni Red, at ayun nga mahimbing pa rin ang tulog niya hanggang ngayon. Kawawa naman baby ko, pagod na pagod talaga siya. Dahan- dahan akong nag lakad patungo sa kaniya at sumampa ako sa kama. Sumiksik ako sa kaniya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Why so early baby?" mahinang bigkas niya 

"Excited lang po! Bangon na at mag breakfast na." 

Tatayo na sana ako ng bigla niya naman ako hawakan at haltakin pahiga sa kama 

"Oy Red hahahaha! Umayos ka nga! Dali na kain na tayo!" 

"Okay you go ahead, susunod ako baby."

Tumango ako at nauna ng pumunta sa hapag- kainan. Hindi ko talaga maiwasang maexcite sa trip namin sa Batanes. Lalo na't road trip ang gagawin namin. Dahil mahigpit nga ang mga magulang ko sa akin noon, hindi ko naranasang mag road trip nang ako lang at mga kaibigan ko, palagi nalang may mga nag babantay sa akin. 

So I won't let this opportunity to just pass by, susulitin ko talaga ang trip namin na ito lalo na't kasama ko ang pinakamamahal kong tao sa buhay ko. This will be special and lovable trip for the both of us. 

Biglang lumabas na ng kwarto si Red at nakangiti siyang lumapit sa akin, "We'll leave tomorrow at 2 am so you better prepare your things after breakfast." 


~~To Be Continued~~

Miss Author missed you guys so much! mwah! 











The Way You SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon