Picture 3

16 3 1
                                    

This Chapter is dedicated to jamlessnose my beloved appa <3 This Chapter is also dedicated to all readers out there! <3

Enjoy the rest of the story :)

-Ms. OS~




Aso


"Shet pare! Totoo ba yan? Shet! Anong gagawin ko?! Sinasapian na si Red! Shet! Tatawag na ako ng doctor!"

Binatukan ko naman si Chard

"Gago! Mag kaibigan lang kami. Wag mo akong itulad sayo!"

"Bro! Doon na rin papunta yun!" Hinawakan pa ni Chard ang mag kabila kong balikat.

Napailing nalang ako sa kabaliwan niya.

"Brad brad! Maganda ba? Ano itsura?"

Kanina pa ako nag titimping sapakin itong si Chard. Kailan niya ba ako titigilan? Dapat pala hindi nalang ako nag kwento sa kaniya.

"Wag ka nga Chard!"

"Sungit naman neto! Nag tatanong lang eh!"

Hindi ko nalang siya pinansin at inasikaso ko na ang mga dapat kong gawin. Inihanda ko na rin ang mga kagamitang gagamitin ko para sa photoshoot ng kasal na gaganapin bukas.

Siguradong matinding pagod nanaman ang mararamdaman namin bukas, pero kahit ganun masaya naman ako sa ginagawa ko.

"Ay bukas na nga pala yung kasal ano?" Sabi ni Chard habang nakatingin sa ginagawa ko

"Buti naman at naalala mo." Pang- aasar ko

"Ako pa ba?"

Nag kibit balikat nalang ako.

Sa wakas tumahimik na si Chard at nag ayos- ayos na rin para bukas.

Pero dahil sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa, naalala ko na naman si Yuna.

Kagabi ko pa siya iniisip. Simula nang pag kahatid ko sa kaniya pabalik sa bar hindi na siya natanggal sa isip ko. Parang sirang plaka ang utak ko na paulit- ulit ipinapaalala sa akin ang mga nangyari kahapon.

Parang may nag uudyok rin sa akin na hanapin siya, na bumalik ulit ako sa bar para mag baka sakaling nandoon ulit siya.

Matagal ng panahon simula noong naramdaman ko ito.

Ganitong- ganito ang naramdaman ko sa ex ko noon.

Shit.

Do I like her?

Papaano kung mainlove ako kay Yuna? Papaano kung maulit uli sa akin ang ginawa ng ex ko?

Ayoko na masaktan muli. Kailangan kong labanan 'to.

"Pre! Bakit mo binabaklas 'yang tripod? Anong trip yan?"

Bigla naman nagising ang utak ko sa sinabi niya.

Napatingin ako sa hawak kong tripod. Nabaklas ko nga ito ng hindi ko namamalayan.

Shit. Shit. Nalintikan kana talaga Red!

"Uy! Iniisip si....Ano ulit pangalan nun?"

"Yuna! Balibhasa kasi ang daming babae sa buhay!"

The Way You SmileWhere stories live. Discover now