Picture 7

18 2 0
                                    

A/N: This Chapter is dedicated to Iamjaninareguyal siya po ang nakahuli sa akin sa classroom na nag susulat ng story sa notebook HAHA!! Oppaeonnie punta tayo sa concert ng BTS ah! Ahyeah! This chapter is also dedicated to all readers out there!

Enjoy the Rest of the Story! :)

-Ms. OS~



The Wedding pt. 2


YUNA

"Hey are you alright?" 

Dahan- dahan lang akong tumango kay Red.

Pinag halo- halong galit, kaba, lungkot ang nararamdaman ko ngayon habang papasok kami sa hotel kung saan aayusan ang bride at groom. 

Talaga nga namang pinag handaan mabuti huh? Nice. 

"Nanlalamig ang kamay mo." 

Tsaka ko nalang namalayan na hawak- hawak na pala ni Red ang kamay ko. Sa halip na bawiin ko ang kamay ko ay pinisil ko pa ang kamay niya. Sa mga ganitong pag kakataon ko kailangang- kailangan si Red, mabuti nalang talaga nandito siya sa tabi ko pag kailangan ko siya.

Nakakatuwa ngang isipin na sa konting panahong nag kakilala kami ni Red ay naging close kami agad, Eto nga't siya ang tinatakbuhan ko pag may trouble na nagaganap. 

Sakanya rin ako humuhugot ng lakas. 

Siya na yata talaga ang sagot sa mga panalangin ko gabi- gabi. 

Habang nasa elevator kami sinuot ko ang shades ko at sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Tinignan ko pa ang reflection ng sarili ko sa elevator, Wala naman akong balak mag pakita sa kanila pero incase na rin at tsaka para hindi nila ako makilala sa isang tinginan lang.

Nakakatawang isipin na nag layas ako sa bahay at lahat pero natuloy pa rin ang kasal. Wala, desperada na talaga ang bitch na iyon.

Kung matuloy man talaga ang kasal ngayon sisiguraduhin kong hinding- hindi sila magiging masaya. Gagawin ko ang lahat para lang pag sisihan nilang dumating pa ang araw na ito sa buhay nila, gagawin ko ang lahat para isumpa nilang dalawa ang araw na nag kakilala sila. 

Pag kalabas namin sa elevator hinanap na namin ang kwarto ng ikakasal. 

Kumatok muna si Red habang ako naman ay nakatago sa likod niya, Si Chard nga pala ay nasa simbahan na para kuhanan ng shots ang simbahan. 

Bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang nanay ng bitch na iyon. Tuwang- tuwa naman ang matanda nang makita kami. 

Nako kung alam niyo lang na pamilyado na ang papakasalan ng bitch niyong anak! 

"Good Morning po. Nasa loob na po ba ang bride?" Magalang na tanong ni Red

"Oo hijo! Tamang tama lang ang dating ninyo." Sabi ng matanda at bahagyang sinipat pa ako sa likod ni Red

Pumasok na kaming dalawa ni Red at tinulungan ko siyang iset up lahat ng gamit niya, kitang kita ko nga sa mga mata ni Red na gustong gusto niya talaga ang kaniyang ginagawa na siya namang ikinasaya ko rin.

Pag katapos ko tulungan si Red nanatili ako sa isang sulok ng kwarto kung saan hindi pansinin ng tao, sabagay papaano naman ako mapapansin ng mga tao kung sa bitch bride ang lahat ng kanilang atensyon?

Tinitignan ko lang si Red na abalang- abala na kinukuhanan ng litrato si bitch bride. Napapangisi nalang ako dahil feel na feel niya talaga ang moment niya ngayon. Todo pose at pacute niya sa camera. Duck face, killer smile, labas dila, kindat, wacky at kung ano- ano pa ang pinag gagagawa niya.

The Way You SmileМесто, где живут истории. Откройте их для себя