Picture 10

13 1 0
                                    

A/N: This Chapter is dedicated to SicklySweetStranger Hi Dibina! Happy Birthday! ito yung regalo ko sayo! sana magustohan mo itong story na ito! Study hard and be kind :) Ate loves you! 

This Chapter is also dedicated to all readers out there! Enjoy the rest of the story!

-Ms. OS~~



Akala ko


Hila- hila ako ni Red papalayo sa pool area nila, hanggang sa nakarating na kami sa loob ng sasakyan niya.

Kitang- kita ko ang galit sa kaniyang mga mata, Hindi ko alam kung kikiligin ba ako, mag aalala o matatakot.

Napatalon ako nang hampasin niya ang manubela, "That asshole! Muntik kana niyang halikan!" 

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa sobrang nerbiyos, "W-Wag kana magalit, Hindi ko naman hahayaang mangyari yun eh." 

Hindi ko alam kung bakit ako nag e-explain kay Red eh hindi niya naman talaga ako girlfriend, bakit ba siya nagagalit? eh hindi ko naman siya boyfriend. 

Siguro ayaw niya lang ako maging isa sa mga babae ng kapatid niya. 

Yun lang siguro, Wala ng ibang dahilan.

Pumikit siya ng mariin at minasahi niya ang sentido niya, "Ah! Damn it."

Nilingon ko siya at huminga muna ako ng malalim bago mag salita, "O-Okay naman na ako Red." 

Nagulat ako ng napadilat siya at tinitigan niya ako sa mata, lumanlam na ito, at hindi na tulad kanina na namumula sa galit. 

"Di lang naman iyon ang ikinagagalit ko." 

Napakunot naman ang noo ko at napalunok ako ng ilang beses.

Shet ka talaga Yuna! wag kang aasa! kingina!

"Wanna know what is it?" 

Nakalimutan ko na atang huminga dahil ang bilis- bilis na ng tibok ng puso ko sa puntong parang lalabas na ito sa katawan ko! 

Kahit kabadong- kabado ako pilit kong tumango.

"It's because I don't have a right to get jealous." 

Napalunok ako.

"H-Huh?" 

Yuna wag aasa! WAG. KANG. AASA!

Lumapit pa siya sa akin ng mas malapit pa sa ginawa ni Blue sa akin kanina. 

"I'm mad 'cause I don't have a right to drag you away from those bastards. I'm mad 'cause I can't hold you the way I want to hold you. I'm mad 'cause I can't say that you're mine. I'm mad 'cause I'm not your boyfriend!" 

Saglit akong napatulala sa mga sinasabi niya, kung kanina ay parang lalabas na sa katawan ko ang puso ko, Ngayon parang....lumabas na ata.

Maya- maya ay napangiti na ako nang mag sink in na sa akin ang mga pinag sasasabi niya.

Yuna pwede ka na umasa! Umasa kana! 

"Then be my boyfriend." sabi ko

"Ayoko." 

"B-Bakit?" Nag bago na ba ang isip niya? ang bilis naman ata?

"Kasi gusto muna kitang ligawan." 

Napangiti kami sa isa't isa at nakita ko ang kinang sa kaniyang mga mata. Hanggang sa hindi na ako nakatiis, Niyakap ko siya nang pagkahigpit- higpit! 

The Way You Smileजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें