Picture 6

18 2 0
                                    

A/N: This Chapter is dedicated to @AcoHeartheart :) Thank you for supporting Second Time Around! Hope you liked it! :D This Chapter is also dedicated to all readers out there! :) Enjoy the rest of the story!

-Ms. OS





The Wedding pt. 1


"Anong gusto mo kainin?" tanong ko kay Yuna habang binabagtas namin ang daan papuntang studio

"Kahit anong madaanan natin okay lang." naka ngiti niya sabi sa akin

Ngumiti din ako sa kaniya at nag hanap na agad ng makakainan, Hindi kami pwedeng mahuli sa wedding.

Patuloy lang ako sa pag hahanap ng pag bibilhan ng pagkain hanggang sa nakita ko ang sign ng Mcdo, "Mcdo nalang tayo?" 

"Sige!" 

Because of this lalo akong nahuhumaling sa kaniya, Siya yung babaeng walang arte, simple, masayahin, maganda. Parang si An--

Ah damn it! 

Lumingon sa akin si Yuna, "Okay ka lang?" 

Ngumiti naman ako at tumango, "Kulang lang ako sa tulog." 

Nang makarating kami sa Mcdo pinasok ko ang sasakyan sa drive thru.

"What do you want?" tanong ko kay Yuna 

"Kung ano nalang rin sayo." 

"Dalawang 2pc. chicken, 2 rootbeers, 1 big mac, and 2 large fries." sabi ko sa machine

Sunod ay nag tungo na kami kung saan namin makukuha at babayaran ang mga inorder namin.

"Ang dami naman ata ng inorder mo! Takaw mo ah!" natatawang sabi ni Yuna

Tumawa nalang din ako at kinuha ko na ang mga inorder namin. 

Pinaandar ko ang sasakyan patungo sa parking lot para ayusin muna ang mga pagkain. 

Binigay ko kay Yuna ang isang 2 pc. chicken, isang rootbeer, isang big mac, at ang dalawang large fries.

Nanlaki naman ang mga mata niya ng ibigay ko sa kaniya ang mga iyon, She needs to eat a lot siguradong magugutom ito mamaya, ang payat pa naman nito ni Yuna.

"Ang dami naman!"sabi niya habang nakatingin sa mga binigay ko

"Kainin mo lahat yan, ayokong nagugutom ka." 

"Grabe siya! Pero salamat Red ah! Favorite ko lahat ito eh!" sabay tawa niya

"Sige kain ka lang diyan." 

Nang nakaayos na ang lahat pinaandar ko na ulit ang sasakyan, Si Chard gising na kaya iyon? Ang tamad tamad pa naman iyon, sinisipag lang yun pag galaan ang pag uusapan.

Dapat pag karating ko sa studio nandoon na siya kung hindi malilintikan talaga siya sa akin.

~~*~~

YUNA

Medyo malayo rin pala ang condo ni Red sa studio niya, habang kumakain ako naka focus lang si Red sa daan, Ayokong maging unfair kay Red kaya binilisan kong kumain para siya naman ang papakainin ko. 

Kinuha ko ang paper bag sa backseat at inilabas ang pagkain niya.

"What are you doing?" 

"Susubuan kita." sabi ko sa kaniya

Napangiti nalang siya sa akin at tumingin na ulit sa daanan.

The Way You SmileDonde viven las historias. Descúbrelo ahora