Picture 9

15 2 1
                                    

A/N: This Chapter is dedicated to jeonjelica_11 my bes since Gr. 1!! Punta tayo concert ng BTS bes! pakiusap lang! miss na kita!! muah<3. This Chapter is also dedicated to all readers out there! :) Enjoy the rest of the story <3 

-Ms. OS~~



Dinner 


Akala ko isang simpleng dinner lang pupuntahan namin ni Red pero nag kamali ako. 

Sinalubong kami at pinag buksan ng gate si Red ng mga guard nila, Napatanga nalang ako sa laki ng bahay nila Red. Sa sobrang laki nito hindi ito matatawag na bahay kundi isang Mansyon! 

"Good Evening po Sir!" Nakangiting bati sa kaniya ng isang guwardiya. 

"Good Evening." Sagot naman ni Red

Inikot ni Red ang kaniyang sasakyan sa may gilid ng mansyon at doon na siya nag parking, Bumaba siya at pinag buksan niya naman ako ng pinto.

Bakit ang sweet- sweet mo Red? 

Inilahad niya ang kamay niya sa akin at sumilay sa kaniyang mukha ang ngiting nakakapag bigay sa akin ng kakaibang pakiramdam, "Shall we?"

Ngumiti din ako sa kaniya at tinanggap ko ang kamay niya.

"You look so gorgeous as always." Puri ni Red sa akin habang nag lalakad kami papasok ng bahay.

"Bolero."

Ngumisi naman siya, "I'm not."

Ngumisi nalang din ako at mag kahawak kamay kami habang tinatanaw ko ang kabuoan ng bahay nila--Mansyon pala.

Nang makarating na kami sa pinaka harap ng mansyon nila pinag buksan kami ng mga guard ng pinto.

Bumumungad sa akin ang isang engrande at gintong staircase nila.

"Oh Red--May kasama ka pala." Bungad sa amin ng isang matandang babaeng siguro ay nasa 40's na pero kahit ganun hindi pa rin maitatago ang kagandahan nito noong kabataan pa.

"Yes Mom."

Ngumiti naman ito sa akin at inakap ako, "Feel at home hija."

Tipid akong ngumiti at tumango.

Bumaling naman ang Mommy ni Red sa kaniya at inakap, "Welcome back Red...." bumitaw na ang babae kay Red, "...Let's go, the dinner is ready."

Hawak- hawak pa rin ni Red ang kamay ko habang nag lalakad kami papuntang dinning table.

Nagulat ako ng makita kong mala- buffet ang mga pagkain sa sobrang dami!

Ang mga pagkain na ito ay sobra- sobra para sa aming lima!

"Take a seat." Bulong ni Red habang pinag hihila niya ako ng upuan.

Umupo naman ako at umupo na rin si Red sa tabi ko.

"Red." Bulong ko

"Hmm?"

"Tayo lang ba ang bisita?" Tanong ko

Nag kibit- balikat lang siya, "I guess so?"

Sa dami kasi ng pagkain na nakahain ay parang mag papakain ito ng buong barangay!

"Hi! I'm....." napalingon kami sa entrance at nakita ko sa mata niya ang pag kabigla na nandito kami.

Yung bastos na lalaking iyon! Kumukulo na naman ang dugo ko pag nakikita ko siya! Si Blue!

The Way You SmileWhere stories live. Discover now