Picture 1

35 3 0
                                    

A/N: This Chapter is dedicated to JUST_A_DREAMER_17_24. Siya ang kauna-unahang sumuporta sa story na ito. Kamsahamnida! I hope you'll enjoy the rest of the story. 

-Ms. OS~



Shots



"Red! May magandang balita ako sayo!"

Wala man lang pasabing pumasok sa studio ko si Chard, noong una naiinis pa ako sa tuwing ginagawa niya yan. Pero katagalan nasanay na rin ako sa kakulitan nitong kaibigan ko.

"Ano yun?"

"May kasalan na magaganap sa sabado! Sabi nila kung pwede raw ba tayo ang maging photographer nila."

"Talaga? Ano namang sabi mo?"

Umupo siya sa harap ko at ngumisi pa.

"Syempre tol! Papalampasin pa ba natin to? Edi sinabi kong oo!"

Napangiti naman ako at nakipag apir pa kay Chard. Eto ang gusto ko dito sa kaibigan ko na ito eh. Madiskarte, Akala ko sa mga babae lang siya madiskarte eh.

"Nice! Good Job." Sabi ko

"Syempre! Ako pa ba?"

Narinig kong bumukas ang pinto ng shop, sinilip naman ni Chard kung sino iyon.

"Oh shit!"

Napakunot naman ang noo ko, "Bakit?"

"Nandito girlfriend ko!"

Sinilip ko naman sa labas kung sino ang girlfriend na tinutukoy niya. Matangkad ito, maputi at maganda. Para siyang model.

Buti nalang at tinted itong salamin ng opisina ko kaya hindi niya kami nakikita.

Napaisip naman ako, sa pag kakaalam ko wala naman girlfriend si Chard. Pag nag kakaroon siya ng girlfriend pinapakilala niya sa akin kaagad, iniinggit niya raw ako.

Iba na ngayon si Chard! Nag lilihim na!

Nilingon ko si Chard bakas sa mukha niya ang kaba at takot?

"Hoy bakit parang takot ka dyan?" Tanong ko

"Eh kasi may malaking problema."

"Ano?"

"Nakalimutan ko ang pangalan niya! Hindi ko alam kung Erica ba o Andrea!"

Napapikit ako ng mariin. Okay binabawi ko na ang sinabi kong nag iba na siya.

"What the fuck? Seryoso ka ba?" Di lang kasi ako makapaniwala.

"Oo nga! Shit!"

At ako pa talaga ang mag iisip ng solusyon? Magaling talaga tong mokong na to.

"Papasukin natin dito sa opisina." Sabi ko

"Oh tapos?" Pawis na pawis na siya ngayon sa nerbiyos.

"Basta papasukin mo nalang wag kang mag sasalita ng kahit ano."

Para naman siyang batang tumatango sa akin. Wala siyang ibang choice eh. Kundi sundin ako.

Tumayo na siya at binuksan ang pintuan ng opisina ko.

Nang makita na siya ng kaniyang "girlfriend" ngumiti ito sa kaniya at nilapitan siya.

The Way You SmileWhere stories live. Discover now