Picture 8

17 2 3
                                    

A/N: This Chapter is dedicated to NAMJADA my eomma! Yiiee. I love you eomma! Hart hart!

This Chapter is also dedicated to all readers out there!

Enjoy the rest of the story!

-Ms. OS~~

Lucky Charm

Dinukot ni Red ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bulsa at nag tipa. Tinext niya si Chard na tawagan ang team nila para sila nalang ang kumuha at mag edit sa pictures and videos ng ikakasal.

Tumayo na siya at inilahad niya ang kamay niya sa akin para tulungan akong tumayo. Tinanggap ko naman ito at hinila niya ako patayo.

"C'mon I'm taking you home."

Hinawakan niya ako sa aking pulso at nag patianod nalang ako sa kaniya.

Bago man kami makasakay ng elevator sinulyapan ko muna akong kwarto ng ikakasal. Purong lungkot ang nananalaytay sa puso ko, dahil iyon sa pag pili ng aking Ama sa kabit niya keysa sa amin ni Mommy.

Binitawan na ni Red ang pag kakahawak sa pulso ko at inakbayan niya naman ako.

This is hundred times better than earlier.

"Sorry Red, Nang dahil sa akin kailangan mo pa itong gawin." Sabi ko sa kaniya.

Nagiguilty kasi ako, kitang-kita ko kung gaano siya kasaya kanina sa ginagawa niya pero ngayon ay uuwi lang siya.

Para lang siya nag punta sa wala.

Ngumiti naman siya sa akin at pinisil ang kamay ko.

"It's alright, Ayoko rin naman na ituloy ito."

Kumunot naman ang noo ko, "Bakit?"

"Why the hell am I going to take pictures of a woman who destroyed my baby's life and family."

Dahil sa sinabi ni Red ay nanunubig na naman ang mga mata ko. Ngayon ko lang kasi naramdaman na may kakampi na ako, na may tao na akong sasandalan pag nang hihina ako, Na may tao na ako mapapag sabihan ng mga problema ko.

Nakakagalak isipin.

Gumuhit naman ang pag aalala sa mukha ni Red na makita niya akong naiiyak.

"Why?"

Kumurap ako para pigilan ang luha ko sa pag bagsak at ngumiti ako sa kaniya.

"Sa wakas may kakampi na ako."

Marahan namang hinaplos Red ang braso ko, "Simula ngayon kakampi mo na ako against all odds."

Tumunog ang elevator at bumakas na ito. Lumabas kami ni Red at nag tungo sa parking lot.

Nang biglang nag ring ang phone niya.

~~*~~

Red

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa.

Siguro si Chard ito, itatanong niya siguro kung bakit niya pa kailangang ipadala ang team dito sa hotel.

Pero napakunot ako ng makita ko sa screen ng cellphone ko kung sino ang tumatawag.

Si Mom.

Tumikhim muna ako bago sagutin ang tawag, "Why?"

"Ahm...Red pumunta ka mamayang gabi dito sa mansyon, may pag uusapan tayo." Marahang sabi ng Mommy ko

Nakakagulat nga at ganito siya makipag usap sa akin.

The Way You SmileWhere stories live. Discover now