Picture 5

21 3 2
                                    

A/N: This chapter is dedicated to: UchihaYukira My bestfriend since Gr 7 hahaha lab yu animal! 

This chapter is also dedicated to all readers out there! 

Enjoy the rest of the Story!

-Ms. OS~~



Baby


Nagising ako ng madaling araw dahil may kumakatok sa pintuan ko, napag tanto ko rin na ang lakas ng ulan sa labas at ang lakas pa ng kidlat at kulog. Kusot- kusot ko pa ang mata ko habang nag lalakad papunta sa pintuan. 

Pag bukas ko ng pinto nanlaki ang mata ko nang makita ko si Yuna na umiiyak habang akap-akap ang unan niya. 

"R-Red...." 

Agad ko siyang niyakap at pinakalma, "Ano bang nangyari?" 

"Y-yung k-kulog kasi eh!" 

Kumulog ulit at napakislot si Yuna, Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin,  Hinawakan ko naman ang baba niya at inangat ko ang mukha niya paharap sa akin, Namumula ang ilong niya at namumugto ang mga mata niya.

Masama bang sabihin ko na ang cute- cute niya sa lagay na ito? 

Para siyang baby....My baby.

"K-Kanina pa k-kita g-gustong katukin kaso nahihiya ako. S-Sorry hindi ko na t-talaga kaya....Natatakot n-na t-talaga ako!" 

"Shhh Shhh Okay lang, Okay lang." Kahit anong sabihin ko hindi pa rin siya tumatahan. 

Napangiti ako nang hindi ko alam ang dahilan, Dahil ba napaka cute niya ngayon o dahil yakap ko siya ngayon? 

Stop it Red this girl can hurt you in the end.... 

Pumikit ako ng mariin at pilit ko iyong binura sa aking isipan. 

"G-Gusto mo dito ka nalang matulog?" 

Namilog naman ang mga mata niyang tumingin sa akin, "Pwede b-ba?" 

Ngumiti ako at pinisil ang mga pisngi niya, "Of course baby Yuna." 

Bahagya naman siyang ngumiti sa akin, May iba talaga akong nararamdaman sa tuwing tinititigan niya ako at ningingitian, Kakaiba talaga. Para bang unti-unti akong nababaliw. 

She's driving me crazy!

Pinapasok ko siya sa kwarto at sinarado ko ang pinto. Humarap ako sa kaniya at hinawakan ko ang mag kabila niyang balikat.

"Ayos lang ba sayo na mag katabi tayo?" baka kasi pag katapos nito ay mailang siya sa akin, baka lumayo siya sa akin. Baka tuluyan na akong mabaliw kapag ganun.

 Mabilis siyang tumango at napakapit ulit siya sa akin ng biglang kumulog ulit. 

"S-Sige na matulog na tayo." kahit kabadong- kabado ako ngayon hindi ko iyon ipinahalata.

This is my first time to sleep with a woman. Kahit ang nobiya ko noon ay hindi dito natutulog.

Hindi ako katulad ni Blue na kung sino- sino na ang naikama, Kung sino- sino ang nakahalubilong babae.

Para hindi mailang si Yuna, patalikod akong humiga sa kama, inayos ko rin ang pag kakahiga ko para mabigyan siya ng malaking espasyo, kahit king size bed naman itong higaan ko.

The Way You SmileOnde histórias criam vida. Descubra agora