"What are you doing here?" Sulat ni Jazz.
"Di mo kasama si Chloe?" Tanong ni Reym.
"Di ba halata na hindi? Kahapon pa siyang absent." Sulat niya. Hay! Eh wala naman siya kahapon eh malay ba namin baka nga magkasama silang dalawa kahapon.
"Di din namin alam kung nasaan si Chloe ngayon. Di namin siya nakasamang magperform kagabi eh." Mitchie said. "Huuu! Akala namin nagtanan na kay--" tinakpan ko ang bibig ni Marrian. Talaga naman! Nakakahiya. Nanglaki tuloy ang mga mata ng dalawang lalaki.
"So kayo pala yung tinutukoy ni Ate sa Cafeteria na nagsasabing nakipagtanan tong si Jazzper? Story maker. Tsk" tanong ni JB sa aming apat. Naguguluhan naman tong si Jazz.
"Oo! Eh anong pake mo Mr. Janitor?" Si Reym, magsusimula nanaman ng away -_-. "Pano pag kumalat yang balita nyo? Anong plano nyo sige nga!" At nagsimula na nga ang gulo, haaaay. Putak dito, putak doon. Nakatingin lang kaming tatlo sa kanila at si Jazz namumula na.
Pumunta sa Jazz sa gitna nila Reym at JB, tinakpan ang bibig ng dalawa. Hay salamat tumahimik na din. Nagsusulat naman tong si Jazzper habang yung dalawa, masama ang tingin sa isa't isa. "Kahapon late ako kaya siguro di nyo nakita. Pumunta din ako sa Cafe kahapon at di nyo rin ata ako nakita..." Oooh kaya pala. Ano ba yan! Kung ano ano na mga iniisip naming apat pero dapat ngayon, eh alalahanin namin si Chloe. Two days na siyang absent tapos wala man lang excuse letter. "Una na ako, baka naabala ko na kayo dyan." Sabi ni Mr. Janitor. Poging tao tapos Janitor? Tawa na lang tong si Reym eh. "Tatandaan ko yang muka mo!" Reym naman oh! Tama na, di ka na pinapansin wag ka namang papansin. Ayun umalis na si Mr. Janitor.
"Oo nga pala bakit mo kasama yung Janitor?" Tanong ni Mitchie kay Jazz. "Kaibigan ko siya... Wait, you dont know him? Cousin ko siya, anak siya ni Mr. Young" Sinulat ni Jazz. "O my goodness" Ganon na lang yung pagkagulat ni Reym. Haha! Sarap batukan nitong babaeng to. "Mamaya na lang kaya Jazz? Meet up tayo sa Cafe, dun na lang tayo mag usap usap ha?" Sabi ko. Pumayag naman siya kaya bumalik na kami sa class room namin tapos napagalitan kami kasi sobrang tagal namin. Saya ng araw no?
•••
(Jazz' POV)
Back to my classroom and geez! Math time na naman. Ang masaklap pa eh, test na namin sa susunod na bukas. Di ako makapagaral sa bahay ng walang mathematician. Kahit iapply ko man yung tinuro sakin noon, di sapat. Ayaw ko pa naman na bumaba ang grades ko dahil magagalit or malalungkot si Lolo. "Mr. Young" Tinawag na naman ako ni Sir. Okay, tinawag lang ako tapos nagturo ma ulit siya. Di ako nakikinig eh. Ilang minuto na lang naman, dismissal na ng klase kay Jazzper, Konting hintay pa.
Tick tock... Tick tock... Tick tock...
Kriiiiiiiiiiiiing
Yes! Natapos na din sa wakas. Pumunta na ako sa office ni JB, nagpaalam ako na kukunin ko muna yung gitara ko sa bahay. At pagkatapos ko namang magpaalam, lumabas nako.
"Bro!" Hinding hindi talaga ako makakalimutan ni kuya Axl. Sumakay na ako sa sasakyan niya. "Kuya, kukunin ko lang yung gitara ko tapos, balik tayo sa school. Okay lang?" Sulat ko. "Pedeng pede bro." Ngiting ngiti pa. After 20 minutes na byahe, kinuha ko na agad ang gitara ko, dinala ko na din yung math book ko. Magaaral pa kasi. Agad agad na akong sumakay sa kotse ni Kuya Axl at bumalik na kami sa school. "Dito na lang Jazz. Medyo malapit naman tong babaan mo papuntang school. Pupunta pa ako sa city eh. Ingat na lang bro" Nag okay sign ako sabay baba ko. Malapit na nga namam sa West High kaya nilakad ko na. Dumeretso na din ako sa office ni JB.
Pagpasok ko sa office ni JB, naandon din si Tito. Nag uusap sila about sa pagtuturo sa akin. "Jazz, pwede ka na muna umuwi. Bukas na lang ulit." Sabi ni JB tapos nakipag usap ulit kay Tito. Walang namang Lesson ngayon, anong gagawin ko?
Sa Cafe!
After 15 minutes na paglalakad ko, nakasalubong ko sa Reym sa may kanto. Dala na niya yung microphone, kaya sabay na kaming naglakad papuntang Cafe. Mas dumami ang tao ngayon ah! Inagawan pa ako sa table. Favorite kong table sa may tabi ng bintana, nakakainis. Napilitan akong pumwesto sa may corner malapit sa entrance ng cafe. "Dyan lagi umuupo sa Chloe :D" Sabi ni Marrian. Nandito na pala silang apat, di ko na nireplyan si Marrian, pero nginitian ko na lamang siya. Habang nag aayos yung apat sa stage, umorder ako ng hot choco. Nakita ko na natapunan nung babae ng kape yung lalaki at agad naman na pinunasan ang damit nito. Ewan ko ba! Namiss ko talaga ang araw na yon, yung nangyari at si Chloe. Geez! Ano ba tong nararamdaman ko? Two days na siyang absent and it's killing me. :( "Sir, Eto na po yung hot choco mo" Binayaran ko na to at pagkatapos bumalik na ako sa table ko. Pag upo ko naman, bigla ko na lang naalala si Math kaya kinuha ko yung math book ko. Nagpeperform na yung apat tapos ako? Susob sa librong to. Nakakainis na eh. Natapos na lamang yung performance nila ng ganon lang.
"Hey! Busy ka ata sa binabasa mo?" Tanong ni Fletch sabay kinuha at tiningnan kung ano ang binabasa ko. "Math girl!" Sigaw ni Mitchie. "Sipag mo naman!" Pahabol ni Reym. "Hinda ba halata na hirap na hirap na siya sa pag aaral? Haha" tawa pa Marrian. "Test namin sa thursday. Mahirap mag aral mag isa ng math" Sulat ko. "Oo nga pala... Yung pag uusapan natin about kay Chloe?" Tanong ni Reym. "May naisip ako... Ganito, Jazz sasamahan kita sa kapatid ni Chloe, teacher kasi yon. Tapos kausapin mo yung ate niya at itanong mo kung anong balita kay Chloe. Deal?" Nice plan Fletch. Nag okay sign ako. Ofcourse deal ako para naman makilala ko din yung pamilya ni Chloe :D. "Sakay ka na sa scooter" utos sa akin ni Fletch. "Paano kami?" Tanong nung tatlo. "Umuwi na kayo! Che! Layas! Haha!" Lokang Fletch.
Napansin ko, malayo pa talaga yung Hill Top kung saan nakatira si Chloe. "Ako ang service ni Chloe. Lagi pa nga syang nagpapatawa kapag papunta kaming West High. Muntik na nga kaming maaksidente eh. Haha" kwento ni Fletch. Kwento lang siya ng kwento at ako? Masayang nakikinig.
Nakarating na kami sa bahay ni Chloe, and may farm pala sila. Masagana sila sa puno at mga crops. "Tara na! Yung deal natin ah? Wag mong kalilimutan." Anyaya ni Fletch. Nag salute naman ako. Knock knock. Nasa likod lang ako ni Fletch. "Oh Fletch bakit ka napadalaw?" Nanay ata ni Chloe. "Tita, andyan po ba yung ate ni Chloe? Magpapaturo po sana sa Math tong kaibigan ko eh." Tanong ni Fletch. Tinawag naman yung ate ni Chloe.
"Sino po yung magpapatur--- JAZZPER!"
YOU ARE READING
When My Strings Sing
Teen FictionI'm mute. Hopeless, pero nabago ito dahil sa isang gitara, isang pangarap at isang babae.
Chapter 10 - Another Day
Start from the beginning
