Chapter FourtyOne

Start from the beginning
                                    

"Look Lorraine, I don't know what happened nung nawala ka ng ilang buwan at hindi ko rin alam kung saan ka nagpunta. Pero ang sinisigurado ko sayo hinanap ka namin ni Jacob. Tapos ngayon basta ka na lang aalis at sasabihing wala kang naaalala?"

"Hindi ko alam kung pano mo ko nakilala pati na rin si Jacob. Pero kahit anong pilit ang isipin ko, hindi talaga kita maalala. Palabasin mo na ko dito."

"Ate Lorraine?!" Nakita ko si Jacob na lumabas dun sa kwarto na pinanggalingan ko kanina. Sya pala yung natutulog sa sofa??

"Jacob?" Lumapit ako sakanya at niyakap ko sya.

"Ate anong nangyari sa'yo? San ka galing? Alam mo bang matagal ka na naming hinahanap ni kuya Nate?"

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sakanya. "Nate?"

"Oo, si kuya Nate nga ate."

Tumingin ako uli dun sa lalake kanina na tinatawag nyang Nate "Sya ba?" Tumingin ako uli kay Jacob. Tumango naman sya sakin.

Lumapit ako sakanya at bumulong "Hindi ko sya kilala Jacob. Kaibigan mo ba sya?"

"Ano?"

"Bakit..? bakit parang.. gulat na gulat ka rin? Sino ba talaga sya?"

"Seryso ka ba ate?"

Tumango ako.

"Halika nga dito ate." Hinila nya ko sa may sala at pina upo. "Sabihin mo nga ate Lorraine, wala ka ba talagang maalala?"

"Oo nga. Seryoso ako, hindi ko talaga sya natatandaan. Sino ba kasi sya?" Umupo si Jacob sa tabi ko at nagsimulang magkwento.

Kinwento nya sakin lahat kung pano ako nakapunta dito at kung paano namin nakilala si Nathan, Nathan pala yung tawag ko sakanya.

"Totoo ba lahat ng sinasabi nyo?" Tanong ko sakanilang dalawa. Hindi kasi ako makapaniwala.

"Oo ate, totoo lahat ng sinasabi namin. Alam mo namang hindi ko kayang magsinungaling sayo."

"Kung ganun.. Bakit wala akong matandaan?"

"Isipin mong mabuti Lorraine. Isipin mo kung bakit ka nawala ng ilang buwan at kung anong nangyari sayo."

Isiping mabuti...?

Parang kahit anong pilit ang gawin ko wala talaga akong maalala.. "Hindi ko talaga maalala. Basta ang alam ko pag-gising ko kahapon nasa ospital ako at binabantayan ako ng sister-in-law ko??"

"SISTER-IN-LAW??//SISTER-IN-LAW??" Sabay pa silang nagsalita, kaya nagulat ako.

Tumango ako sakanila "Ang sabi kasi nung babae sa ospital sister-in-law ko daw sya. Asawa ko daw yung kuya nya."

Status: Single But Married [Unedited♥]Where stories live. Discover now