22- JOVEN

709 18 0
                                    


JOVEN

Sa Bar ng hotel ay naginvite ang grupo nila Wendy na magpunta kami ron. Ayoko sana kaya lang mapilit itong kasama ko, sinama din niya yung iba naming kasama sa seminar. Ayoko namang magmukhang di nakikisama kaya sumama na lang ako.

Habang nagkukuwentuhan sila ay tahimik lang ako sa isang tabi at iniisip ko si Lizette. Okey lang kaya siya? Pero di ko mapigilang mapangiti sa tuwing naalala ko yung sinabi niya kanina sa akin sa phone. Ang kulit niya kasing magbanta.

"Bakit di ka umiinom?" Ang tanong sa akin ni Wendy.

Ang totoo, ayokong uminom at magpakalasing... mahirap na baka makalimot ako.

"Wala ako sa mood. Saka maaga yung wake up time bukas mahirap malasing."

Tumango si Wendy, "Or maybe you are afraid na malasing ka at akalain mo na ako ang asawa mo."

Ngumiti ako. Totoo naman kasi yung sinabi niya.

"Are you happy with her?" Tanong niya sa akin.

"Oo naman. Im happy. Very happy maslalo na ngayong magiging tatay na ako."

Napasimangot siya, "I hate your answer. Maslalo tuloy akong nawawalan ng pagasa sayo."

"Wendy, may asawa na ako."

"Pero sa ugali ng Misis mo pwede pa kayong maghiwalay."

Ngumiti ako, "Hindi kami maghihiwalay."

Umaasa talaga itong babaeng ito.

"Ayokong paasahin ka pero Wendy, you deserved a single and good man. Hindi ako papayag na pangreserve ka lang."

"It hurts. Sinasabi mo lang yan para pagaanin ang kalooban ko pero ang totoo you dont like me."

"Hindi sa ayaw ko sayo. Mahal ko talaga si Lizette."

"Alam mo ba kung bakit ganito ako kaganda ngayon, hindi lang dahil sa kailangan ko sa trabaho. Dahil din yun sayo. Nasaktan kasi ako nong ganon kadali mo lang ako pakawalan non eh. Naisip ko siguro kaya si Lizette pa rin ang mahal mo kasi mas maganda si Lizette, mas matalino, mas popular at ako... wala. Pero ngayong mas maganda na ako kesa sa kanya at mas sikat siya pa rin ang pinipili mo."

"Hanggang ngayon ba kiniquestion mo pa rin ang pagmamahal ko sayo noon? Wendy minahal kita."

"Pero mas mahal mo siya."

Napayuko ako. Ayokong saktan si Wendy pero lagi ko talaga siyang nasasaktan.

Uminom ng isang basong alak si Wendy at saka maluha-luhang tumingin sa akin, "Siraulo talaga ako. May asawa ka na umaasa pa rin ako sa ating dalawa. Dapat kasi di na ako sumunod sa kaibigan na sundan kayo rito sa Cebu."

"Sorry talaga Weng."

"DOnt worry about me, Joven. Sarili kong kagahan ito. Just get out of this bar, go back in your room and sleep. Im afraid, baka malasing ako ng tuluyan at pagsisihan mo pang nagstay ka sa tabi ko ngayong gabi." ang sabi niya sa akin saka pinunasan niya ang mga mata niya.

Pinagbigyan ko si Weng, nagpaalam ako sa mga kasamahan namin at saka ako bumalik ng kuwarto ko.

"Im home." pumasok ako sa bahay namin at naghagilap ng tao.

Bakit walang tao? Bukas ang pintuan tapos ni katulong at mga kasamahan namin sa bahay wala.

"Joven, Im in the kitchen."

Napangiti ako nang marinig ang boses na iyon ng Misis ko kaya agad akong nagpunta ng kitchen.

Pagdating ko sa kitchen ay nakita ko siyang may nilalabas na Baked Macaroni sa oven. Mukhang nag-aaral yatang magluto itong Misis ko. Pero mas napatingin ako sa suot niya. She's wearing a short nighties. Di man lang siya nagsuot ng robe.

"Hi! Pinaemail ko sa Papa yung recipe ng favorite mong Baked Mac. Alam ko kasing pagod ka sa biyahe kaya I want to prepare a special dish for you."

Sinundan ko ang legs niya... Este siya habang dala-dala ang Baked Mac at inilapag yun sa dining table.

"Nasaan na ang mga tao?"

"Pinagexcursion ni Lolo ang mga kasambahay natin sa Batangas. Nagpaiwan na lang ako kasi alam kong darating ka. Overnight sila ron."

Oh. Overnight. Ako ba ang magiging hari sa mansion na ito for this evening?

Hinawakan ko ang nakaumbok niyang tiyan, "Lumalaki na si baby natin ha. Nagpacheck up ka ba?"

"Yah, sabi ni Doc, Im very pretty good. Infact, I can have sex."

Natulala ako sa sinabi niya, "Wow, it seems that youre pretty good nga."

Pinaupo ko siya sa isang silya at saka ako tumabi sa kanya sa pagkain.

"Oops!"

Pinapulot niya sa sakin ang nahulog na tinidor sa ilalim ng table.

Agad naman ako umilalim sa dining table kung saan ko pinulot ang tinidor pero katait na akong mauntog na bumalaga sa akin ng malapitan ang hita niya.

Ano pang ipinaglalaban ng babaeng ito?

Nagulat ako nang pinaghiwalay niya iyon.

Hindi ako makahinga at niluwagan ang pagkabutones ng itaas ng polo ko.

"Joven, okey ka lang?"

Can I touch these legs? Kahit saglit lang? Misis ko naman siya. Lord wag naman sana niya akong sipain kung sakaling.

Hinawakan ko ang isang hita niya.

"Joven." ang mahinang reaction niya.

Saka ko iyon ginawang gabay upang lumabas ng ilalim ng mesa at tumabi uli sa kanya.

Aalisin ko na sana ang kamay kong iyon nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko upang pigilan ako.

"L-lizette, p-permission ba ito?"

Inabot niya ang isang pisngi ko at saka ako hinalikan.

OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon