1 - LIZETTE

1K 19 0
                                    



LIZETTE

"Good Morning Ma'm." yan ang araw-araw na greetings sa akin ng mga empleyado ng DLR sa tuwing makikita nila ako at hindi lang isang simpleng greetings may kasama iyong respeto dahil ako ang Presidente ng DLR Group of Companies.

Ang kumpanya na pag-aari ng aming pamilya at bilang nag-iisang tagapagmana ng malaking kumpanya na ito ay talagang pinaghandaan ko ng mabuti at pinag-aralan ang pagpapatakbo ng kumpanya.

Bata pa lang ako ay lagi na akong bumibista sa building na ito to see in how it operates, kung paano kumikilos at nagtratrabaho ang mga tao ng DLR. To correct what is wrong and to improve what is right, yan ang naging motto ko nang pumasok ako sa DLR, Im too young to be the President pero papatunayan ko sila na Im going to be a great one.

And to be a great one dapat maging model ako sa mga empleyado ng DLR, pumapasok ako ng maaga at umuuwi ng late focusing in how to manage DLR properly, kung paano paangatin pa ang kumpanya. Sabi nga nila Im work alcoholic, well, I dont care, this is my world, this is my life, DLR.

"Mam nagpaalam po ngayon si SAVP Geronimo, on leave daw po siya ngayon dahil wedding anniversary nila ng asawa niya." ang sabi ng executive assistant ko na si Diana.

"Hay, ang love life talaga, malaking perwisyo sa trabaho, lucky me at wala ako non." ang sabi ko sa kanya.

"Ay Ma'm, magpapaalam din po ako, PTA meeting po kasi sa school ng bunso ko, aattend po ako."

Napabuntong hininga ako, "Sabihin mo sa HR sa susunod ay kumuha ng empleyado na single at walang istorbo sa buhay. Paano natin maayos ang kumpanyang ito kung panay kayo leave dahil kesyo may date kayo at aattend kayo ng PTA meeting." sakit ng ulo talaga sa akin ang mga bagay na yun. Bakit ba kasi kapag nagkapamilya na ang isang tao ay madalas na itong mag-leave sa trabaho?

Kayo ako, wala yan sa mga plano ko, dahil ayokong may makasira sa mission ko na maging greatest leader ng DLR Group of Companies.

Ilang sandali pa ay kumatok sa opisina ko ang CEO ng DLR, ang akig Papa na si Ignacio Dela Rosa..

"May I come in?"

"Yes Papa, you may. Diana, iwanan mo muna kami."

."Mainit na naman ang ulo mong bata ka."

"Ito kasing si Diana, Pa, nagpaalam na maglileave daw siya dahil sa PTA meeting ng anak niya tapos yung isa sa mga SAVP ko naka-leave ngayon dahil wedding anniversary daw niya. Look how stupid their reasons are para maka-absent."

Umiling si Papa, "Kalma ka lang. Ganon talaga kapag may pamilya. Magpamilya ka na rin kasi, youre not getting any younger at isa pa kailangan natin na may pagpapasahan ng legacy natin."

Legacy? It means another generation of Dela Rosa.

"Papa, lets not talk about that."

"Anong let's not talk about that? Yung Lolo mo, tinatanong na sa akin lagi kung kailan ka raw mag-aasawa at dadagdagan ang lahi natin. Ikaw lang ang nag-iisang tagapagmana ng DLR, dont tell me ihihinto mo na ang lahi natin sayo?"

"Papa alam mo namang its not my priority."

"Then have it as your first priority, after mo saan mo ipapasa ang mga ipinundar ko at ng Lolo mo, sa kahit sino na lang na hindi natin ka-dugo, sa hindi ka-match ng DNA natin. Remember Lizette kung nag-iisa kang tagapagmana at wala kang choice kundi sundin ang sinabi ko na bigyan mo ako ng apo tutal kasalanan mo rin naman yan."

Here we are again. Uungkatin na naman nila si Kuya. Buong buhay ko umikot na kay Kuya, hindi ba nila nakikita ang mga pagsisi ko sa mga nangyari.

"Lizette, kung gusto mong matuwa Lolo mo sayo at mapatawad ka na niya sa nangyari sa Kuya mo, bigyan mo siya ng apo."

Tumango ako. Okey fine, madali lang naman ang magkaanak sa mga panahon nga yun, "Okey, magpapahanap ako ng sperm donor."

"Sperm donor? At sa tingin mo matutuwa kami kung bibigyan mo kami ng apo na di namin kilala ang tatay niya? At gagawin mo pang kumplikado ang buhay ng magiging anak mo! Bumuo ka ng pamilya, bigyan mo ng buong pamilya ang magiging apo namin kung gusto mong matuwa ang Lolo mo sayo at sa wakas makuha yung gusto mong maging proud siya sayo!"

OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon