13

441 5 0
                                    

Habang nakatingin ako sa salamin para sa second look ko sa reception namin ay di ko maiwasang mapahawak sa bibig ko.

Di ako makapaniwalang nahalikan ako. Di na virgin ang labi ko!

"Grabe ha super kilig naman ako sa eksena niyo Madam kanina." sabi ng make up artist na nag-aayos sa akin, "Parang movie lang ang peg, may ganon talaga kayong drama."

Ngumiti ako sa make up artist, "Nakakakilig ba talaga?"

"Yes Madam. Ramdam na ramdam ko ang nag-uumapaw niyong pagmamahal sa Mister niyo."

"Ha?" kung alam niyo lang... Hindi drama yun. Di ko lang talaga napaghandaan ang first kiss ko.

"Yung tingin niyo sa kanya kanina bago niyo siya sa halikan.. Its pag-ibig."

"Yung tingin ko kanina... T-talaga."

Paano ba nalalaman kung inlove ka sa isang tao sa pamamagitan ng tingin lang?

"Grabe yung sparks sa mga mata niyo... Yung tingin niyo sa asawa niyo kanina parang sasabog ang puso niyo sa pagmamahal."

"May sparks..."

Yung sparks ba parang kuwitis yun? O di kaya kapag pumutok ang poste ng kuryente?

"Nagniningning ang kagandahan niyo. Nakakakilig!"

Napatingin ako sa pintuan ng room na iyon nang pumasok si Joven.

Sandali kaming nagkatitigan...

ANo kaya ang iniisip niya... Yung kiss namin kanina?

"Am... Okey na ako... Matatapos ka na ba... Naghihintay na raw kasi ang mga bisita sa hall."

"Naku Sir, saglit na lang ito para maslalo pang magspark ang Misis niyo. Upo muna kayo riyan."

Umupo sa isang silya si Joven at tinignan ako sa salamin habang minimake up-an.

Di ko rin maiwasang mapatingin sa kanya sa salamin pero... Minsan umiiwas ako... Para kasi akong naghihina sa pagtitig niya sa akin. Or feeling awkward sa kiss namin kanina.

"Ano ba Sir? Ayos ba? Maganda na ba ang Misis niyo."

"Maganda naman talaga siya... As always... Never naman siyang naging pangit sa paningin ko." ang sagot ni Joven sa make up artist.

"Am okey na di ba." at saka ako tumayo, "Halika na Joven at baka naghihintay na ang mga bisita natin."

"And now Ladies and Gentlemen... May we now present to you... Our newly wed.... Mr and Mrs Joven Jacinto."

Hawak kamay kaming pumasok sa hall na iyon ni Joven.

For the first time... Tinawag ako na hindi binabanggit ang pangalan kundi ang pangalan ni Joven.

Siguro yung mga ibang babae dream come true sa kanila ang tawagin sila sa pangalan ng lalaking mahal nila... But for me... Na feel ko na I am now under him... Kami ni Joven Jacinto... Iisa na lang kami. Sa puntong ito... Hindi na ako CEO or leader... Isa na akong tagasunod ni Joven Jacinto. Bilang isang ma-pride na tayo... Nakakababa... Naapakan ang pride ko... Pero ganito talaga eh... I am a wife.... For the mean while I have to accept... I am a wife.

"And the newly wedded couple will present to us their first dance us husband and wife."

First dance? Napatingin ako kay Joven, "I cant dance."

Ngumiti si Joven sa akin, nilapitan ako at nilagay ang dalawang kamay ko sa mga magkabilang balikat niya at saka naman niya nilagay ang mga kamay niya sa bewang ko.

Mauuna ba ang kanan o kaliwa

Minamasdan ka't iniingatang wag madapa

Ang lihim kong pakay sayo'y makasabay

Maunawaan ang wika ng iyong galaw

Matutong sumayaw matutong sumayaw

Habang magkalapit ang aming katawan ay bumalik sa alaala ang araw na una ko siyang makita.

Freshmen ako non sa college at dahil sa wala akong kakilala pa sa school ay tahimik lang ako sa isang sulok ng classroom at nagbabasa ng Nancy Drew Series.

Maayos akong nagbabasa nang bigla akong naistorbo nang pumasok sa classroom ang grupo nila Joven.

Pasimple akong napatingin sa kanya non... Hindi ko alam kung bakit...

"Buti na lang pala magkakablock tayo noh." ang narinig kong sinabi niya sa isa niyang kasama.

Nakita kong tumingin siya sa akin kaya tinakpan ko agad ang mukha ko ng libro.

Sinong mag-aakala na ang lalaking yun... Ang makakasayaw ko ngayon...

Ngayon parang tayo na lang dalawa ang nandito

Kahit saglit ay akin ka at ako ay iyo

Bawat ngiti mo ay pagibig na

Bawat hakbang tungo sa kawalan

Mahal tanging ikaw lamang ang nais kong kasayaw

Ang nais kong kasayaw

"Why are you smiling?" ang tanong sa akin Joven habang nagsasayaw.

"Wala.. May naalala lang ako." ang tangi kong sagot sa kanya

OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon