8

695 17 0
                                    



"Mwuah..." binuksan ko ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi ni Joven sa noo ko.

"Ano ba yun? Parang kumiss ka lang sa matanda." Ang sabi ni Joan sa Kuya niya.

"Kiss of respect ang tawag don." Ang sabi ni Joven, "Dahil kapag mahal mo ang isang tao, nirerespeto mo siya."

"May ganon? Hay naku Kuya ewan ko sayo."

At saka kami sabay sabay lumabas ng VIP lounge na iyon.

Kahit ilang oras na ang nakakaraan ay di ko alam kung bakit ang init pa rin ng noo ko. Di kp tuloy maiwasang mapahawak dito.

"Are you sick?" Tanong sa akin ni Papa dahil siguro napansin niya na lagi kong hawak ang noo.

"No Pa."

"Headache? Nauntog ka ba?" Ang tanong naman ni Mama.

Umiling ako sa kanila, "Hindi po. Para lang kasing may something sa noo ko."

"Something?" Sabi ni Mama.

"Parang lang naman po." Inalis ko ang aking kamay sa aking noo at pinagtuloy ang pagkain.

"When are we going to meet the Jacintos so we can talk about the wedding?" Ang sabi ni Lolo.

Ang alam ng family ni Joven... kami... pero hindi sa level na kasalan na.

"Am... busy lang po si Chef, may tinatapos lang po siyang event then pupunta na po siya sa atin para mamanhikan."

Ang inalibi ko na lang sa kanila.



Sa isang 5star hotel ay umattend ng meeting ang Mama ni Lizette. Nasa kalagitnaan ng meeting nang may biglang naalala ang nanay ni Lizette kaya pinatawag niya ang kanyang assistant.

"Di ba inhouse chef dito si Chef Jon Jacinto?"

"Yes Mam."

"Magparserve ka ng lunch dito." Ang utos niya sa assistant nya.

"Grabe sa tingin ko sa kasal nila Lizette at ni Joven, we dont need to look for another catering pa. Solved na solved talaga ako sa luto ng magiging balae." Ang sabi ni Mrs Dela Rosa habang kumakain sila ng lunch sa hotel ng mga assistants niya.

"Maswerte po kaya Madam kasi ang sasarap pong magluto ng mga Jacinto."

"True, its terrific right!" Ang sabi pa nito, "Naku I forget na my diet, ang sarap talaga."

Ilang sandali pa ay lumabas sa kitchen si Chef Jon at nilapitan ang table nila.

"Madam Bel Dela Rosa."

"Hello Chef Jon, grabe Chef you are really a genius in cooking. Aba nakalimutan ko ang pagdadiet ko dahil sa sarap ng mga niluto mo "

"Im glad that you have like it. By the way I met your daughter Lizette, my son Joven introduced her to me as his girlfriend."

"Well what do you think of my unica iha?"

"She is so pretty."

"And very bright, mahal na mahal niya ang DLR. Pero mas mahal daw niya si Joven."

Ngumiti si Chef.

"Anyway kailan ba kayo dadalaw sa mansion para sa manhikan para mapag-usapan na rin natin yung sa nalalapit nilang kasal. Basta chef gusto namin ikaw ang magkicater na ron."

"Wait... manhikan? Kasal? Hindi naman nila sinabi na engaged na sila."

"Ay hindi pa ba? Yung mga yun bakit di nila sinabi sayo. This year na nila planong magpakasal."

"Madam, I think I have to talk to them"

JOVEN

"Heto na nga, heto na. Malapit na ako sa office niyo."

Halos iharurot ko na ang sasakyan ko sa pagmamadali para sunduin si Lizette sa office nila.

I received a call from Papa, galit na galit dahil di ko raw pinapaalam sa kanya ang mga plano ko sa buhay.

Gusto niya kaming makausap ni Lizette in person about this kaya I have to leave my restaurant earlier para kausapin siya.

Pagtapat ko sa building nila Lizette ay saktong sumakay agad siya sa sasakyan ko.

"I just cant believe this, I have to cancel all my meetings this afternoon for this. Hay kaya nga ba ayokong magpamilya eh. Kapag kasi nagpamilya ang isang tao iba na ang priority." Ang sabi niya habang inaalis niya ang pagkapusod ng buhok niya para hindi siya magmukhang boss sa harapan ng Papa ko, "Kailangan ba kasi ngayon talaga tayo magexplain sa kanya, so demanding."

"Hoy yung nanay mo ang atat diyan na pinuntahan ang tatay ko para tanungin ko kailan ang manhikan. Sino ang atat ngayon?" Ang sagot ko naman sa kanya dahil nirereklamo niya ang tatay ko, "Saka pwede ba, wag kang mareklamo dahil baka nakakalimutan na ikaw ang lumuhod at nagmakaawa sa akin na pakasalan ko."

"Whatever!" Ang sagot ni Lizette sa akin.


LIZETTE

Sa hotel kung saan inhouse chef ang tatay ni Joven ay pinatuloy kami nito sa maliit na office niya sa hotel.

"May mga plano na pala kayo sa buhay niyo hindi niyo man lang sinabi sa akin." Ang sabi ni Chef sa akin, "Bakit kailangan niyong madaliin ang pagpapakasal?" At tumingin si Chef sa tiyan ko napahawak tuloy ako ron.

"No Pa, hindi siya buntis." Ang sabi ni Joven.

"Then why?"

"Pa, hindi ba sapat na dahilan na mahal ko si Lizette at gusto ko na siya makasama habang buhay."

Napatingin ako kay Joven sa sinabi niya.

Goosebumps...

Biglang natulala ang buong pagkatao ko..

Sa pagkukunwariang ito... paano sumagi sa utak niya ang ganong nga salita...

Sa utak ba talaga sumagi.... o baka sa puso?

No... I dont want to overthink his feelings on me... Lizette... hindi ka na mahal ni Joven... naaawa lang siya sayo...

"When is the wedding?" Ang sumunod na tanong ng Papa niya.

"Within this year... maybe next two months will do... kaya naman yun di ba?"

Napatango ako kay Joven. Kaya namang iparush ang lahat... yun din ang silbi ng apelyido ko... I can demand for a rush.

"We will talk about it sa pamanhikan."

Tumango si Chef, "So totoo ngang may manhikan."

"This weekend sana Papa, sa bahay ng mga dela Rosa."

"Okey. Malaki ka na, nasa tamang edad ka naman para magpamilya at higit sa lahat... alam mo naman siguro ang ginagawa mo."

"I do Pa." Ang sabi ni Joven.

"Sir pwedeng magrequest?" Ang hirit ko, "Paella de Jacinto po sa manhikan... sobrang paborito po kasi yun ng Lolo ko."

Ngumiti si Chef, "Okey, Ill do it."

-headsp/

po

OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon