9

738 14 0
                                    



JOVEN

Hinatid ko na si Lizette sa mga dela Rosa after naming manggaling sa hotel.

"At least okey na kay Papa, medyo tanggap niya na siguro yung tungkol sa atin."

"Joven.."

Tumingin ako sa kanya.

"Thank you ha."

"Para saan?" Actually medyo nagulat ako nang magpasalamat siya... bihira lang kasi yung sabihin ng isang Lizette dela Rosa, panay ano kasi siya... yung feeling mo ikaw pa yung may utang na loob sa kanya.

"Sa sinabi mo sa Papa mo. Natakot talaga kasi ako. Kahit ako, hindi ko alam kung paano ko kukumbisahin ang Papa mo na pakasalan mo ako. Alam ko naman, hindi nila ako gusto, di sila naniniwala sa mga pagood girl effect ko, pero yung sinabi mo kanina..."

Yung mahal ko siya... yung gusto ko siya makasamang habang buhay...

Hindi ko rin alam kung paano ko nasabi yun basta alam ko years ago... thats what I felt for her.

"Basta sobrang salamat talaga. Promise... palalaguin ko talaga ang restaurant."

Napahawak ako nang mahigpit sa manibela ko, "Iniisip mo ba na kaya ko ginagawa ko ito dahil palalaguin mo ang restaurant ko."

"So kung di sa resto mo bakit ka pumayag sa offer ko."

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin..

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya dahil kung ako nga sa sarili ko di ko rin alam kung bakit ako napapayag sa kalokohang ito.

Dahil ba naaawa ako sa kanya? O dahil may natitira pa rin akong pagmamahal sa kanya?

"May binabalak ka ba sa akin ha?" Tanong niya sa akin, "You want me? You want my virginity? Gusto mo kong tikman noh."

"Ha anong tikman? Eh di ba usapan natin no sex... sperm donation lang."

"Oo nga! No sex at all, no touch, no kiss, no anything kaya wag kang magiisip na mai-kama ako kasi hindi ako papayag."

"Alam ko! Alam ko po yun! At ako na nga ang pinakamalas na mister na bukod sa hindi ko magagalaw ang asawa ko ay napakamaldita pa niya."

Nagtaas ng kilay sa akin si Lizette, "Maganda naman."

"Aanhin ko naman ang ganda mo kung titigan ko lang. Hindi ko mahahawakan, di ko mahahalikan..."

"I hate you!" ang sabi niya sa akin.

"Then hate me!" ang hamon ko sa kanya, "and then lets call off the wedding."

Bigla siyang tumahimik at napatitig ng diretso sa akin. Nanginginig ang mga mata.

Hayan na naman tayo Joven, madadala ka na naman sa mga luha ng babaeng yan.

"Wag ka ng umiyak, joke lang yun."

Tapos bigla niyang pinunasan ang mga luha niya, "Magkita na lang tayo sa weekend for the manhikan." at saka siya bumaba ng sasakyan ko.

LIZETTE

"Madam tumawag po si Dr. Bistro, yung tungkol daw po sa inquiry niyo para magkaanak kayo ni Sir Joven, makipagappointment daw po kayo sa kanya bukas." ang sabi ni Diana sa akin habang pumipirma ako ng mga papeles.

"Thanks Diana, pakisabi kay Doc, tuloy ako bukas sa clinic niya."

"Yes Madam. Pero Madam, sure po ba kayo?"

Napatigil ako sa ginagawa ko, "Sure saan?"

"Sure kayo na di kayo makikipagchurva kay Sir Joven."

"Diana, una pa lang alam mo na, I just need his capacity of giving me a child at sa mga panahon ngayon we dont need sex to have a child, sperm lang pwede na."

"Pero Madam, nanghihinayang lang naman kasi ako eh. Andito na kasi kayo eh, may asawa kayong guwapo at mabait yung tipong paggising niyo ng umaga mapapangiti kayo kasi bubungad sa inyo ang pinakamagandang lalaki sa paningin niyo. Madam, mamimiss niyo ang pinakamaganda ginawa ng Diyos sa tao, ang makipagsex."

"Diana, if we are going to have sex, we have to have a romantic relationship, at kami ni Joven wala kami non. Ang meron kami... matinong usapan."

"Eh bakit ba kasi hindi niyo na lang ituloy sa romantic relationship? Hindi pa ba kayo na fofall don sa tao?"

Natigilan ako sa sinabi ni Diana.

"Hindi ba kayo nadadala sa mga pasweetums niya sa inyo."

"We are just like artistas, Diana. Umaacting lang, hanggang acting lang."

"Eh gaano naman po kayo ka-sure? Eh di ba minahal kayo non? Paano kung hanggang ngayon?"

Naalala ko ang nakaraang yun. Yung time na sinira ko ang placard na ginawa niya para sa akin. Yung wala siyang magawa sa panghihiyang ginawa ko sa kaniya. Alam kong mali ang ginawa kong yun pero dahil sa ayokong pumasok pa sa relasyon non ay nagawa ko yun sa kanya. I hurt him... I hurt him badly. Sino pang lalaki ang gustong mahalin muli ako dahil sa ginawa kong yun?

"Hindi na Diana, he will never love me again. Hindi siya ganon katanga para mahalin ako."

Sa hospital ay nagpunta ako sa clinic ni Dr. Bistro kung saan niresetahan niya ako ng mga gamot na iinumin namin ni Joven bago ako magbuntis.

"So desidido ka na ba talaga rito. Hindi biro ang magagastos mo rito."

"I know that Doc, after the wedding pupunta na kami ng Amerika for that. Lahat nakaplano, lahat nakabudget na. Wala ng atrasan ito, I will make the new breed of Dela Rosas."

Paglabas ko ng clinic ay sakto namang nakita ko ang isang babaeng matangkad na lumabas ng clinic, nakasuot ng shades at may nakalagay na bandage sa bridge ng ilong niya.

"Hey Weng weng." ang sabi ko sa kanya dahil kahit magsuot pa ng shades at takpan pa niya ng plaster ang buong pagmumukha niya ay alam ko pa ring si Weng weng siya.

"Oh my Gosh my Dear what happened to your nose? Shocks, bumigay ba yung bridge na pinalagay mo diyan sa ilong mo?"

Ngumiti lang si Weng-weng sa akin, "A small accident, dont worry hindi nakakamatay."

"Hindi nga nakakamatay pero nakakapangit, right?"

"Am.. Na fixed naman, buti na lang."

"Ang hirap talaga kapag fake, yung pinagpipilitan mo lang yung sarili mo, laging nagkakaroon ng diperensya kaya lagi mo tuloy pinapapagawa pero kahit anong gawa mo ang ending ganon pa rin, fake pa rin."

"Sabagay nga, madami ngang fake sa mundo, parang ikaw?"

Napakunot ako ng noo, "Anong fake sa akin?"

"Anong fake sayo? Yung bait-baitan style mo."

"Wendy!"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Wendy nang marinig ang boses na iyon.

OMG! Si Joven! And what the hell he's doing here?! Makikipagkita ba siya sa retokadang babaeng ito!

OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon