3 -LIZETTE

703 20 0
                                    



LIZETTE

"Joven Jacinto, will you marry me?"

Natulala siya sinabi ko.

"A-ano nga uli?"

Bumuntong hininga uli ako. Sa totoo lang ang hirap ulitin ng mga salitang yun. Ang hirap tanggapin sa sikmura, hindi makain ng pride ko pero kinakailangan kong gawin.

"Will you marry? Will you be my husband? Pwede ka bang maging tatay ng mga magiging anak ko?"

"Baliw ka ba? Bakit kita pakakasalan?"

"Kaya nga deal eh. Tutulungan kitang umasenso ang restaurant mo kapalit non ibibigay mo sa akin ang apelyido mo... For a while."

Kumunot siya ng noo. Hindi ko naman siya masisi, kumplikado naman kasi talaga ang offer ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala, hindi naman tayo matatali sa isa't isa forever. We will marry in US have a child tapos non mag-divorce na tayo."

Halata sa mukha niya na hindi siya makapaniwala sa proposal ko sa kanya. Actually, hindi rin naman ako makapaniwala na ginagawa ko ito sa kanya.

"Bakit mo ito ginagawa? Bakit ka ganito ka-desperado? At bakit ako?"

Desperado. Oo sobrang desperada na talaga ako para makuha ang approval ng pamilya ko.

"This is for my family's legacy. Gusto nilang magpatuloy ang lahi namin. Hindi ko naman ginusto ito, kilala mo naman ako di ba? I want to be alone, ayokong matali sa isang tao, ayokong dumipende sa ibang tao pero I need to do this for my family. Sige inaamin ko na, hindi ako ligawin, walang nagkakagusto sa aking lalaki, isa lang naman ang na-attract sa aking lalaki eh." at tumingin ako kay Joven, "Ikaw lang."

"Joven, youre father is a well known chef here in the country tapos naging schoolmates pa tayo non at nanligaw pa sa akin. HIndi iisipin ng family ko na nagbayad ako ng lalaki upang pakasalan ako. They will think that our relationship is true. Ano deal na tayo?"

Napaatras siya parang di siya mapakapaniwala sa sinasabi ko sa kanya.

"Joven, kilala mo ako, alam mong kaya kong palaguin ang maliit na restaurant na ito. May plano na nga ako rito. We can do franchising para mas lalong lumawak ang brand name mo, maslalo kang makikilala hindi lang dito sa Pilipinas pati na rin sa whole wide world. Then palalawakin natin ang menu tapos pwede pa ka pang magtayo ng isa pang restaurant na iba naman ang concept. I can do everything for your career Joven. I can do it!" pagmamalaki ko sa kanya. Sino ba namang makakatanggi sa isang magandang future na kaya kong ibigay sa kanya.

"Lizette, nong niligawan kita non kahit na magmukha akong tanga ginawa ko dahil gusto kong mahalin mo rin ako. Sobrang totoo yung naramdam ko non sayo."

Napatitig ako sa mga mata niya. Nakakita ako na sincerity sa mga sinasabi niya.

"Kung pakakasalan kita kasi mahal pa rin kita hindi dahil sa pera mo at sa kaya mong gawin sa negosyo ko."

Binuksan niya ang pintuan ng CR, "Umalis ka na."

Gusto kong umiyak sa sinabi niya. Kung ayaw niyang tanggapin yung mga projects ko sa restaurant niya eh di wag but please pakasalan niya ako, bigyan niya ako ng anak siya na lang ang pag-asa ko.

"Tutal naman, inuubos ko na ang pride ko, sisimutin ko na lahat."

Humarap ako kay Joven at lumuhod sa harapan niya.

"Lizette, tumayo ka."

Hinawakan ko ang kamay niya, "Nagmamakaawa ako sayo. Pakasalan mo na ako."


OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon