3- JOVEN (2)

751 14 0
                                    


Natapos ang physical exam at hinihintay na lang namin ang resulta ng binigay kong sample sa kanila.

Ngumiti si Doc nang makita ang lab results ko, "He's healthy. Walang problema sa kanya."

Napa-yes si Lizette sa sinabi ng Doctor. Natural Im healthy and I dont have any problem eh wala naman kasi akong nararamdaman na sakit.

"So agad-agad gagawa na kayo ng tapag-mana ng DLG?"

"Yes!" at napaakap sa akin si Lizette.

"Pinacheck mo ba kung baog ako?" ang sabi ko sa kanya nang makalabas kami sa clinic at naglalakad kami sa lobby ng hospital.

"Yah, kasi naman ang laki na ng paghihirap ko sayo tapos huli ko ng malalaman na hindi mo pala kayang magproduce ng kalahi ko. Naninigurado lang po ako."

"So kung baog ako hindi mo na ako pakakasalan?" ang sabi ko sa kanya.

"Kaya nga ako magpapakasal eh para magkaroon ng bagong generation ng dela Rosa, so if you cant give me child eh di bye bye sayo."

"So I have to give you a child eh di bilang mag-asawa." bigla kong nilapit ang mukha ko sa kanya, "Magsisiping tayo."

Ngumiti siya sa akin, "In your dreams." tapos saka niya hinawakan ang mukha ko palayo sa kanya, "Ang balak ko kumuha lang ng sample sayo na ilalagay sa akin. No physical between us."

Napailing ako. Akala ko pa naman makakaiskor na ako sa babaeng ito. Kasal naman kami ha!

"You are so unfair. Lalaki ako kung anong dapat gusto ko iyon ang masunod. Kung gusto kitang anuhin..."

"Anuhin!?" pagalit niyang sinabi sa akin kaya para akong makahiyang tumiklop sa kanya sa lakas ng boses.

"Sabi ko nga, walang pisikalan,"

Pagkatapos naming magpunta sa hospital ay dinala naman niya ako sa isang mall kung saan pinakilala niya ako sa isang stylist.

"I think royal blue will do." ang sabi ng baklang stylist habang tinatantya sa katawan ko kung bagay sa akin ang blue na polo na kinuha niya.

"Mukhang maganda nga. Sukatin mo na." ang utos sa akin ni Lizette.

"Lizette" binulungan ko siya, "Hindi kaya magmukha lang akong bading sa stylist na kinuha mo sa akin."

Natawa si Lizette sa sinabi ko, "Of course not. He is one of the best, believe me."

Tinignan ko ang polo na pinapasukat nila sa akin. Alanganin sa akin ito, hindi ako sanay sa mga fitted na damit, mahilig kasi ako sa maluwag.

"Hindi ba pwede akong magmukhang presentable sa harap ng mga magulang mo sa sarili kong paraan. Nagkagirlfriend naman ako eh kaya alam ko kung paano ko ipreresent ang sarili ko sa pamilya ng nobya ko."

Natawa si Lizette sa sinabi ko, "Nagkagirlfriend ka? Sinong girlfriend, si Weng-weng? Yung babaeng may maitim na kilikili na ipinagpalit mo sa akin noon."

Grabeng manglait! Oo nga maitim ang kili-kili ni Weng pero mabuti ang kalooban non hindi katulad niya na maitim ang budhi.

"Parang bitter kay Weng-weng ha, bakit nagseselos ka?"

Tinaasan niya ako ng kilay, "Hindi ako nagseselos. Napipikon ako. Napipikon ako dahil sa dami ba namang magagandang girls noon sa school ay talagang sa Weng-weng na yun mo ako pinagpalit? Bakit magkalevel ba kami?"

"Wow! Signal no. 10." ang prangka kong sinabi sa kanya. Antipatika't mayabang talaga itong babaeng ito, "Ikaw na ang maganda, ikaw na ang matalino at ikaw na ang mayaman, nasa iyo na nga ang lahat pero si Weng-weng, appreciative na tao. Naappreciate niya ang kahit na maliit na bagay na nagagawa ko sa kanya, hindi tulad mo. Minahal niya ako noong mga oras na galit-galit ako sa iyon. She had me at my worst pero hindi niya ako iniwan. "

"She had you at your worst? Anong akala mo sa sarili mo, si John Lloyd Cruz ng Once More Chance. Kung maka-drama ka riyan." hinagis niya sa akin ang polo na pinapasuot niya sa akin, "Sukatin mo na nga lang yan."

4#'

OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon