1 - JOVEN

1.4K 23 1
                                    



Recently, lagi ko itong napapanaginipan. Hindi ko alam kung bakit pero isa itong pangyayari sa buhay ko twelve years ago...

Sa fire exit ng college namin kung saan ako nag-aaral ay nakita ko ang isang babaeng na nakaupo sa hagdan at patagong umiiyak.

Bumaba ako ng hagdan upang tignan siya, "Klasmeyt, ayos ka lang ba?"

Hindi siya umimik, ni hindi rin siya lumingon sa akin. Patuloy lang siya sa pag-iyak.

Tumabi ako sa kanya at tinapik ang balikat niya, "Makakayanan mo rin ang lahat."

Hindi siya sumagot, patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

Inangat niya ang blouse niya at inabot yun sa basa niyang mga mata upang punasan iyon.

Kinuha ko ang panyo ko at inabot ko yun sa kanya.

Tumingin siya sa hawak kong panyo at kinuha yun at saka pinahid sa mga luha niya.

"Thank you." ang sabi niya.

Napangiti ako. Nagpasalamat siya sa akin, na-appreciate niya yun at talaga namang kinilig ako.

Pinagmasdan ko siya habang pinupunasan ang mga mata niya noong moment na yun narealize ko na kahit gaano katapang at katatag ng babaeng ito ay may kahinaan pa rin siyang tinatago, na marunong din pala siyang umiiyak katulad ng ibang babae.

Babae pa rin siya... Babae pa rin talaga siya.

Hindi ko alam kung bakit ko madalas mapaniginipan yun. Ang totoo niyan ayoko ng maalala yung mga panahon na iyon... Yung mga panahon na para akong tanga na habol ng habol sa kanya.

"Baka naman kasi palagi mo pa ring iniisip kaya mo laging napapanaginipan." ang sabi ng business partner ko sa restaurant at kaibigan ko since college na si Martin, "Baka inlove ka pa rin sa kanya."

Muntikan ko ng mabitawan ang pinupunasan kong baso sa sinabi ni Martin sa akin, "Ayoko na uy! Traumang-trauma na ako sa babaeng yun."

"Sa bagay sa pang-babasted na ginawa niya sayo noon kahit nga sino susumpain yung bababeng yun."

Kung may most embarassing moment ako yun ay yung pinahiya ako ng babaeng yun sa harap ng madaming tao.

Tandang-tanda ko pa, ilang araw din akong di pumasok sa klase after na mangyari yun.

May dala-dala pa akong placard non, sinabayan ko ang mga estudyanteng nagrarally sa labas ng school namin. Kung sila ang ipinaglalaban nila ay ang babaan ang tution fee ako naman ay ang pag-ibig ko sa babaeng yun.

"I love you Lizette Dela Rosa!" yun ang isinisigaw ng puso ko at ng hawak kong placard habang nakatayo ako sa school ground at hinihintay ko siyang lumabas ng classroom niya.

Kahit nagmukha na akong tanga sa harap ng mga kaeskwela nain sa ginagawa kong yun ay patuloy ko pa ring ni-rarally ang nilalaman ng puso ko.

Hanggang sa dumating na ang oras na pinakahihintay ko bumaba si Lizette sa school ground at naghiyawan ang mga tao pagkakita sa aming dalawa.

"Lizette." ang sabi ko sa kanya, "Lizette mahal na mahal kita. Sana bigyan mo ng chance yung nararamdaman ko sayo."

Lumapit sa akin si Lizette at kinuha sa akin ang dala kong placard.

"Nagustuhan mo ba Lizette? Iyan talaga ang isinisigaw ng puso ko sayo."

Tumungin siya sa akin at bumuntong hininga.

Hininhintay ko ang sagot niya sa akin.

Itinaas niya ang placard at nagulat ako nang bigla niyang sinira yun sa harapan ko.

"L-lizette, anong..."

"Siguro naman hindi ka naman bobo para hindi mo ma-gets ang ginawa ko di ba?" ang sabi niya sa akin, "Joven, ayoko sayo."

"Lizette, ano bang ayaw mo sa akin?" ang tanong ko sa kanya.

"Lahat, mula sa talampakan hanggang ulo mo isama mo pa riyan yung mga corny mong pick up lines at baduy mong gimik para mapansin kita. "

Aray! Ang sakit nang sinabi niya sa akin, tagos na tagos sa dibdib ko.

"Utang na loob Joven wala akong panahon sa mga kabaduyan mong yan at maslalo na sayo. Hindi kita kailangan kaya please tigilan mo na ako." kinuha niya ang bouquet na dala ko " Joven, sana ma-realize mo hindi tayo magkalevel." tapos i-shinoot niya yun sa basaruhan, "See? Ayoko sayo." at tuluyan niya na akong nilayasan.

Natahimik ang mga taong kanina lang ay naghihiyawan sa akin. Biglang nawala ang self confidence ko na kanina lang ay sobrang taas.

Ang sakit mabasted at mas masakit kung wala pang konsiderasyon ang pangbabasted sayo. Binasted niya ako sa harapan ng madaming tao at inapak-apakan ang pagkatao ko. Ang sakit-sakit nong sinabi niya sa akin na hindi kami magka-level. Bakit ano ba siya? Diyosa? Pare-pareho lang kaming tao lamang at anak ng Diyos!

Pinilit kong kinalumutan ang lahat ng tungkol sa kanya... Kahit na yung oras na pinahiram ko sa kanya ang panyo ko dahil umiiyak siya. Ayoko na siyang maalala, ayoko ng balikan pa ang isang Lizette dela Rosa.

Pero pesteng panaginip ito! Bakit lagi ko siyang napapanaginipan?!

8{

OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon