3-LIZETTE

694 19 1
                                    


LIZETTE

Ang drama-drama akala mo naman si John Lloyd Cruz, ipamukha raw ba sa akin yung Weng-weng na may maitim na kili-kili na yun.

Okey fine siya na ang mabait, siya na ang Dyosa na ang kabaitan. Eh kung mabait naman pala yang Weng-weng na yan eh bakit naghiwalay pa sila? Sana itinali niya na sa leeg niya yung babaeng yun dahil sayang naman dahil mabait siya.

Huh, kunwari pa siya hindi rin niya ma-take yung BO ng babaeng yun kaya naghiwalay sila.

"Perfect!" napatayo ako sa sigaw na iyon ng stylist nang matapos niyang ipasuot kay John Lloyd Cruz este Joven lahat ng pinasusuot niya rito at ipagupitan ito ng buhok.

Lumabas ng parlor na iyon si Joven.

Mala-James Dean ang pagkabrush up ng buhok, tamang-tama ang pagfit ng polo at pants niya sa kanya kaya naeemphasize tuloy ang kurba ng kanyang katawan at higit sa lahat.. Hmmm... Ang sexy ng pabango niya.

"Hi Miss Beautiful." at kinandatan niya ako.

Doon ako natauhan, hindi pala si James Dean ang nasa harapan ko kundi ang walang ibang jologs na ex kong manliligaw na si Joven Jacinto.

"Pwede na. Halika na nga."

Pumasok kami sa mansion ng mga Dela Rosa kung saan naghihintay na ang mga kapamilya ko sa special person kuno kong ipakikilala ko sa kanila.

"Wow ang ganda pala talaga ng mansion niyo."

"See, kaya kita dapat ayusan ng ganyan. Dahil hindi isang ordinaryong pamilya ng girlfriend mo ang makikilala mo. We are Dela Rosa, the owner of Dela Rosa Group of Companies, one of the top ten richest family of this country."

Pumasok kami ng elevator para makapnik kami sa seventh floor, sa penthouse ng aming pamilya.

"Grabe, kulang na lang tindahan mukha ng mall itong bahay niyo."

Ngumiti ako sa kanya. Hindi naman mahirap si Joven, his father is a well known chef at madaming pinasikat na restaurant but with our riches, I know kahit sinong tulad niya manliliit sa sarili niya.

Sa penthouse ay nakaready na ang dining table kung saan naghihintay sa amin sina Lolo, Papa at Mama.

Nakipagbeso-beso ako sa kanilang tatlo at saka ko pinakilala sa kanila ang aking soon to be hubby.

"Ma, Pa, Lolo, meet my future husband, Joven Jacinto."

Ngumiti si Joven sa kanila at saka ito nakipagkamay, "Good evening po. Natutuwa po akong makilala ang pamilya ng babaeng pinakamamahal ko."

Nagulat ako nang bigla akong hinolding hands ni Joven at kiniss pa ang kamay ko sa harapan ng pamilya ko.

Napalunok ako nang titigan niya ang mga mata ko nang sinabi niyang pinakamamahal ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Ano ba yun?

Hindi naman kasama sa script yung pinakamamahal. Sabihin niya lang ng girlfriend or fiance okey na.

Bakit may ganun?

At bakit ako kinakabahan ng ganito?

<$O

OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon