12

685 16 0
                                    



12.

"Why do I feel na Im so unfair?" ang tanong ko kay Diana habang nasa office kami.

"Ngayon niyo lang narealize? Unfair naman talaga kayo. Kuripot kayong magpasahod, kuripot din sa bonus, ayaw niyo pang laging naglileave ang mga tao niyo tapos iniisip niyo pag maglay off para maiangat ang kumpanya niyo. Unfair talaga kayo."

Napatingin ako kay Diana, "Hindi yun ang ibig kong sabihin. Si Joven."

"Unfair kayo kay Joven. Unfair talaga kayo Mam, ayaw niyong pasipingin sa inyo yung asawa niyo."

"Hindi yun Diana, I mean, hindi lang yun. Sa magiging anak namin. Kapag nawalang bisa ang kasal namin sa akin mapupunta yung bata and he will be left alone. Unfair yun sa kanya di ba kasi magulang din siya nong bata."

"Unfair nga yun Madam. So Madam para di na kayo ma-guilty sa pagiging unfair niyo eh di magsama na kayo ni Sir Joven bilang tunay mag-asawa, yung normal na mag-asawa. Magsama na kayo forever."

"Hindi pwede. I dont want to commit myself to someone. Tinanggap ko na nga ang destiny ko na maging ina, pero as a wife na pagsisilbihan ang husband niya, hindi ko yata kaya." ang sabi ko. My life is DLR, dito sa kumpanyang ito ko pinilig magpakasal.

"Pero wife pa rin kayo. Wala na rin kayong magagawa kundi panindigan na may asawa kayo."

"Kaya nga I want it temporarily, because I cannot do it forever."

"Eh ano na nga bang gagawin ni Sir Joven after mawalang bisa ang kasal niyo? Mag-asawa ng iba?"

Napatingin ako kay Diana. Naalala ko si Weng-Weng. My plans kaya si Joven na pakasalan si Weng kapag naghiwalay kami.

"Okey lang ba sa inyo na mag-asawa siya ng iba?" ang tanong sa akin Diana.

Napalunok ako. Ewan ko... Bakit di ako makasagot agad?

"Mag-aasawa kaya siya agad?"

"Madam, si Sir Joven, guwapo, maykaya at super bait. Kahit hiwalay yan sa asawa at may anak madami pa ring babae ang maghahabol sa kanya... Katulad na lang ng ..." at kinuha niya ang isang magazine kung saan cover si Weng-weng, "Nang supermodel na ito."

"No way."

"Bakit no way? Hinihiwalayan niyo tapos ayaw niyong ipakasal sa iba?"

Bakit nga ba no way?

"Bakit ba kasi natin pinag-uusapan yang hiwalayan na yan eh di pa naman kami ikinakasal?"

"Eh bakit parang nalilito kayo?"

"Ako nalilito? Saan ako nalilito?"

"Para kayong nalilito kung after niyong magkaanak kay Sir Joven ay kaya niyo pa siyang pakawalan."

"May pinag-usapan kami ni Joven at paninindigan ko yun. May paninindigan akong tao. Ang pinag-usapan ay pinag-usapan."

"Pero pwede pa rin namang maiba ang pinag-usapan kung napamahal na kayo sa tao di ba Mam."

Napataas ako ng kilay kay Diana, "Hindi ako mafofall don."

Hindi ako dapat ma-fall sa kanya....

Matagal ko ng sinabi yun sa sarili ko...

Ilang taon ko nang itinatak yun sa puso at isip.

I will never fall in love with Joven Jacinto.



The day of the Wedding...

"And now I pronouce as husband and wife..."

Tumingin ako kay Joven nang sinabi iyon ng pari sa loob ng simbahan.

Ito na ito...

Wife...

Im now a wife...

"You may now kiss the bride."

Huh? Kiss?

Nilapit ni Joven ang mukha niya sa akin nang bigla kong tinakpan ang bibig ko.

Teka... Hindi ako ready sa kiss...

Ngumiti si Father sa amin, "Naku.. Mukhang nahihiya ata si Bride. Okey lang yan. Misis ka naman na niya eh."

Napansin ko ring ang iba't ibang reaction ng mga tao nang tinakpan ko ang bibig ko...

May nagulat..

May natatawa na feeling nila siguro ay nagpapakipot ako...

At may takang-taka.

Sino ba namang di kakabahan...

This will be my first kiss ever.

"Madam wag ka ng maarte, halik na!" narinig kong sigaw ni Diana na nakaupo sa medyo harapan ng altar.

Tumingin si Joven sa mga tao at ningitian ang mga iyon.

Naramdaman ko.... Feeling ko pinapahiya ko siya sa ginawa ko.

Parang di niya rin alam ang kanyang gagawin.

Inalis ko ang kamay ko sa labi ko at inilagay ang mga kamay ko sa magkabilang pisngi ni Joven upang tumingin siya siya sa akin.

Tumingkayad ako at saka inabot ng labi ko ang labi niya.

I kissed him.

Yes.. I.... Kissed... Him...

My mind went blank nang maglapat ang mga labi namin.

Hindo ko alam pero parang tila tumahimik ang paligid... Na parang kami na lang dalawa ang natitira... Ako .. At si Joven.

Ganito ba talaga ang lips to lips?

Or ganito lang ako dahil first time ko ito?

"Oh tama na... " ang bulong ng pari sa amin kaya naman agad naghiwalay ang labi namin.

Doon lang ako parang nagkamalay at narinig muli ang hiyawan at palakpakan ng mga tao na nasa loob ng simbahan.

Ngumiti si Joven at saka siya kumaway sa mga tao sa simbahan.


OH MY WEDDING 3: TEMPORARILY MARRIED #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon