Chapter Nineteen

23 0 2
                                    

Keith's POV
Konting-konti na lang maglalapat na ang mga labi namin ni Justine. Alam kong napakalaking kalokohan ng idea ko na 'to na halikan ko siya para lang makalimutan niyang si P-jay ang naging first kiss niya. Hindi ko rin alam kung bakit bigla kong naisip 'to pero nung nakita ko kung ga'no siya ka-concern sa'kin nung pinahiran niya yung sugat ko, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa mga labi niya. Parang naiinis ako alalahanin na si P-jay ang naging first kiss niya. Parang gusto kong sisihin ang sarili ko dahil hindi ko napigilan ang nangyari kanina.

Hindi kaya gusto ko na rin si Justine? Ano ba talagang nararamdaman ko sa kanya? Bakit gustung-gusto ko siyang halikan ngayon? Bakit nakakaramdam ako ng kakaiba pag kasama ko siya? Bakit masyado akong nag-alala sa babaeng 'to? Hindi ba si Fiona naman talaga ang gusto ko?!!

Keith tandaan mo! Kapatid siya ni Josh. Hindi  mo siya pwedeng basta na lang halikan. It's either pwedeng masira ang pagkakaibigan nyo ni Josh at ni P-jay ..o pwedeng masaktan mo lang naman siya.

--
Nakita ko kung pa'no pinikit ni Justine ang mga mata niya. Hindi ko itatanggi na kahit nakapikit siya tulad nito, maganda pa rin siya at napaka-cute tingnan. Parang hindi ko talaga kayang pigilan ang sarili ko na hindi siya mahalikan ngayon. Medyo natatawa nga lang ako kasi parang inaasahan na niyang mangyayari 'to. Parang ang bilis niyang pinikit ang mga mata niya. Parang pumapayag talaga siya na halikan ko siya.

Sakto nung binuksan na niya yung mga mata niya, do'n ko siya naisip na halikan. Nainip na siguro siya dahil akala niya hindi ko na itutuloy. At alam kong nagulat siya dahil kitang-kita ko yun sa mga mata niya.

Pareho kaming nakatingin sa isa't isa habang hinahalikan ko siya. Totoo napakalambot ng labi niya... Hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam 'to pero kakaiba talaga. Parang yung sinasabi nila na pakiramdam na lumalakas ang tibok ng puso mo, yung may paru-paro ka sa tiyan. Yung feeling na ang sarap sa pakiramdam. Napaka-ironic. Ang hirap i-explain pero ngayon ko lang naramdaman 'to. Kahit kay Fiona never ko pang naramdaman 'to. Kay Justine lang..

Justine's POV
Laking-pasasalamat ko na wala na sina P-jay sa bahay nung  dumating ako. Sa totoo lang, naguguluhan pa rin ako sa mga nangyari. Hindi ko pa rin lubos maisip na nangyari yun.. Pero eto ako sa kuwarto ko, parang tangang tinatago ang kilig sa ilalim ng unan.

Tumayo ako tapos humarap dito sa salamin. Hindi ko mapigilang mapangiti kapag naaalala kong hinalikan ako ni Keith kanina. Hawak-hawak ko yung labi ko. Para akong bulate na inasinan dahil hindi ako mapakali. Feeling ko nakadikit pa rin yung labi ni Keith sa lips ko. Ang lambot ng labi niya grabe. Kahit na si P-jay ang first kiss ko, para sa'kin yung halik pa rin ni Keith ang nag-iisa. Hindi ko na nabilang kung ilang seconds magkadikit ang mga labi namin pero hindi na importante yun. Ang mahalaga ngayon,  nalaman kong baka may feelings din siya sa'kin.

BAKA?!! Oo nga. Baka lang.. Hindi pa rin ako sigurado don. Pa'no kung si Fiona pa rin ang gusto niya? Pa'no kung concern lang pala talaga siya sa'kin? Pa'no kung kapatid pa rin ang tingin niya sa'kin?

---
Medyo nag-aalangan pa rin akong lumabas ng kuwarto ko. Mula kasi ng nangyari yun, hindi ko na alam kung ano ng nangyari kay Keith. Pagkatapos niya kasi akong halikan kanina,  wala na kong maisip na magawa kundi tumakbo na lang sa sobrang hiya. Hindi naman ako nagsisisi na pumayag akong halikan niya ko pero bigla na lang akong napatakbo ng uwi sa bahay. Kaya hindi ko alam kung nakarating na ba siya o hindi. Hindi naman pwedeng magkulong na lang ako dito sa kuwarto dahil baka lalong makahalata si kuya na may nangyari sa'min ni Keith. Tsaka kailangan pa nga din pala naming mag-usap ni kuya Josh tungkol do'n sa nangyari sa birthday ni P-jay. I'm sure alam na ni kuya lahat ng nangyari.

Bumaba na ko ng hagdan. Wala kong makitang mga signs na nandito na si Keith sa bahay. Si kuya naman naabutan ko na parang may kausap sa cellphone niya. Tumingin agad siya sa'kin nung nakita niya kong pababa ng hagdan. Feeling ko gusto niya din talaga kong makausap.

Josh: Anong nangyari kanina? Totoo ba yung sinabi ni Keith na hinalikan ka daw ni P-jay?

Justine: Umm, oo.. totoo yun.

Josh: Kaya sila nagsapakan kanina?

Justine: Oo. Pinabayaan ko lang sila dahil umalis na ko. Pagkatapos nun, wala na kong alam sa mga nangyari. Tanungin mo si P-jay kung anong nangyari. Kasalanan niya naman lahat 'to eh!!

Nakakainis. Naaalala ko na naman yung nangyari kanina. Hindi mangyayari lahat nang 'to kung hindi ginawa ni P-jay yun. Eh di sana hindi ako galit sa kanya ngayon. Sinira niya lang ang tiwala ko.

Justine: Buti naman wala na sila dito. Hay! Naiinis lang ako sa kanya, kuya. Huwag mo muna sila papuntahin dito sa bahay.. lalo na si P-jay. Galit pa ko sa kanya!!

Josh: Kasama ba dyan si Keith?

Justine: Huh? Syempre.. hindi.. dito naman siya nakatira pansamantala, di ba?

Josh: Wala si Keith. Nagtext siya sa'kin.. ang sabi niya do'n daw muna siya makikitulog sa bahay ng auntie niya. Hindi muna siya uuwi ngayon. Ano bang nangyari? Bakit parang umiiwas siyang umuwi ngayon sa bahay?

Bigla akong nalungkot sa narinig ko. Kung tama ang iniisip ko.. dahil ba 'to sa nangyari kanina? Iniiwasan niya ko?

Josh: M..May nangyari ba sa inyong dalawa, Jus?

Justine: H-Huh? W.. Wala nuh... E..Ewan ko do'n!

Josh: Eh di ba sinundan ka nun kanina?

Justine: Wala nga! Hindi ko alam! Malay ko ba sa kanyaaaaa!!

Josh: Tss. Talaga lang huh? Eh bakit ganyan ang pagmumukha mo?

Justine: Wala nga sabi eh. B.. Baka tinatamad lang umuwi yun. Hayaaan mo na siya kung yun ang gusto niya. Hindi naman siya pinipilit na umuwi eh.


Hay, Justine. Ano bang nangyayari sa buhay mo? Kung pwede ko lang ibalik yung dati na hindi pa kumplikado ang lahat, siguro gusto kong balikan yun. Bakit kailangang maging ganito ang sitwasyon mo?



---
The song for this chapter is "Kung pwede lang" by Sabrina. Try listening to this song, currently ost siya nung 'Hello my Venus' na korean drama na pinalalabas sa GMA 7. And I think bagay na bagay talaga siya para sa chapter na 'to...
😍😍


He's Acting Like A Real Damn BrotherWhere stories live. Discover now