Chapter Eleven

35 1 3
                                    


Justine's POV


HUH?!


Nakatingin lang ako kay P-jay ngayon. Pilit inaabot ng utak ko kung bakit bigla na lang siyang naglapag ng pagkain dito sa table habang kumakain kaming dalawa ni Aiz. Ngiting-ngiti pa siya sa'kin ngayon habang nakatayo siya sa harap namin na parang wala man lang pakialam sa pinsan kong baliw na kanina pa nakatitig sa kanya.


Justine: P-jay, ano 'to?

P-jay: Binili ko yan para sa'yo. Nag-order ako sa labas kanina. Chicken yan, galing sa Mcdo.. favorite mo!


Hindi naman ako ignorante nuh dahil alam ko naman talagang galing Mcdo 'tong nilapag niya dahil kita naman sa nakalagay na logo ng Mcdo sa plastic. Ang gusto kong makuhang sagot sa kanya eh kung bakit nag-abala pa siyang bigyan ako nito, samantalang alam naman niyang naka-order na kami ng pagkain dito sa canteen.

Hindi ako sanay na tumatanggap sa kanya ng mga ganito, kahit pa sabihin na alam ko naman talaga ang pakay niya kung bakit nagbibigay siya sa'kin nito. Uhh nakakahiya, atsaka parang hindi pa rin nagsi-sink sa utak ko na nililigawan ako ng isa sa mga barkada ng kapatid ko.

P-jay: Hep! Alam ko na yang mga tingin mo na yan!! Hindi ka na pwedeng tumanggi! Basta kainin mo yan! Inorder ko pa naman yan sa'yo tapos hindi mo kakainin? Sige ka, magtatampo ako nyan! Hehe!

Hindi na ko nakapagsalita ulet dahil bumalik na si P-jay sa table nila, as usual kasama niya sina kuya. Mukhang sobrang saya niya dahil kitang-kita ko na inaasar siya nina kuya Josh, mukhang kinakantyawan siya. Maliban kay Keith na parang lutang ata dahil may ka-text sa cellphone niya. Napansin kong wala sa canteen si Fiona kaya malamang siya yung ka-text ni Keith. Hindi na ko magtataka kung isang araw malaman kong sila na pala. Pareho naman nilang gusto ang isa't isa eh, at sa tingin ko bagay na bagay din naman sila.

Alizza: Effort masyado si kuya! Hahaha! Ano, Jus? Kailan mo ba sasagutin si P-jay?

Justine: Ewan. Ni hindi ko nga sinabi sa kanyang pumapayag na kong magpaligaw sa kanya nuh!

Alizza: Ang tanong, sasagutin mo nga ba si P-jay? Oh baka naman ibang tao ang hinihintay mong manligaw sa'yo, huh babae ka?

Hindi ko pinansin yung sinabi ni Aiz. Napatingin ako sa nginunguso niya sa table nina P-jay. Halata namang si Keith yung tinutukoy niya. Walang kaalam-alam yung tao na pinag-uusapan namin siya. Mukhang hindi na siya busy sa cellphone niya dahil nakikipag-asaran na rin siya sa mga kaibigan niya.

Justine: As if liligawan naman niya ko di ba? Hindi na ko papansinin nyan dahil may Fiona na siya!

Sakto namang pagkakasabi nun, lumingon si Keith dito sa table namin. Saglit kaming nagkatinginan pero ako din yung unang umiwas dahil naisip ko bigla yung sinabi ko. Kasasabi ko nga lang na hindi niya ko papansinin pero bakit napansin niyang nakatingin ako sa kanya? Ang weird naman nun. Nakakahiya tuloy kay Keith. Nahuli pa niyang nakatingin ako sa kanya.

Napasipsip tuloy ako ng dire-diretso dito sa iniinom kong softdrinks. Kainis! Muntik pa kong masamid. Buti na lang natapik agad ni Aiz yung likod ko. Medyo um-okey na ang pakiramdam ko.

Alizza: Ang pula mo, Jus! Hahaha! Ganyan na ba talaga ang epekto sa'yo ni Keith aka mr. sexy eyebrow!!? Huhahaha!!

Bigla akong natawa sa sinabi ni Aiz. Loka-loka kasi 'to eh. Kung anu-anong palayaw ang naiisip kay Keith. Ngayon naman nagbago na ulet, aka mr. sexy eyebrow daw!

He's Acting Like A Real Damn BrotherWhere stories live. Discover now