Chapter Nine

37 0 0
                                    


Magandang simula para sa panibagong chapter! This time POV naman ni Keith ang mauuna sa chapter na ‘to. Enjoy reading!! :))

Keith’s POV
Wala pa ring pinagbago si Justine simula nung una namin siyang makita noon dito sa bahay, grade six palang siya. Bukod sa tumangkad siya ng konti at nag-mature—din ng konti, siya pa rin ang cute na kapatid ni Josh.

Hindi ko akalain na aabot sa puntong makakasayaw ko siya ng ganito -- ka-weird. I mean, sino ba namang mag-aakala na makakasayaw ko siya dito sa terrace ng bahay nila ng gabing-gabi habang magkasabay naming pinakikinggan ang napaka-lungkot na kanta sa earphone niya.

Hindi ako makatulog kaya naisip kong lumabas ng kuwarto dahil gusto kong magpahangin sa labas. Nagkataon naman na nakita ko si Justine dito sa terrace at naabutan ko siya na parang sumasayaw. Naisip ko tuloy yung sinabi ko sa kanya kanina bago magsimula yung party. Gusto ko talaga siyang isayaw dahil kanina, habang nakita ko siyang suot-suot yung red na dress, nagandahan ako sa kanya. Bumagay sa kanya yung red na kulay ng damit niya. Pero hindi naman ako nagkaroon ng pagkakataon na isayaw siya dahil sa nangyari kanina, sa biglaang pagsulpot nung ex niya.

Habang sinasayaw ko siya, hindi ko mapigilang mapatitig sa mga mata niya. Napansin kong halos magka-parehas lang pala sila ng mata ni Fiona. Pero bukod do’n, may hindi ako maipaliwanag na dahilan kung bakit parang mas gusto kong titigan ang mga mata niya. Parang nangungusap ang mga mata niya na parang may gustong sabihin. Hindi ko ma-explain pero kahit kailan siguro hindi ako magsasawa na titigan siya sa mga mata niya.

Take me so far away from this place 
Where my heart can breathe
Somewhere I can believe again
Give me something that time can’t erase
Cause losing you is taking too much
Tell me there’s a reason for love……

Justine: Keith, ano palang ginagawa mo dito? Pa’no mo nalaman na nandito ako?

Keith: Huh? Ahh.. nahihirapan akong makatulog eh. Lumabas ako tapos nakita kita dito sa terrace.

Justine: Ahh.. ganon ba. Parehas pala tayo. Hindi rin ako makatulog eh.

Keith: Bakit? Iniisip mo yung nangyari kanina nuh?

Imbis na sumagot, tinanguan niya lang ako. Siguro ayaw niya lang aminin pero nakikita kong parang apektado pa rin siya sa ex niya. Tsaka itong pinapakinggan niyang kanta, parang saktong-sakto sa kanya. Baka mahal niya pa? Pero hindi eh.. sa ilang linggong nakasama ko siya dito sa bahay nila, hindi ko naman siya nakitang umiiyak kaya imposible yun. Imposibleng mahal niya pa si Lawrence.

Justine: Salamat, Keith. Palagi ka na lang dumadating kapag kailangan ko ng tulong.

Keith: Sus! Wala yun! Parang—

Parang kapatid ko na rin naman si Justine, di ba? Kapatid siya ni Josh kaya natural lang na pakitaan ko rin siya ng maganda.

Keith: -- kapatid na rin ang turing ko sa’yo nuh!

Bakit parang bigla ata siyang na-disappoint? May nasabi ba kong hindi maganda?

Keith: Ugh, Jus? May problema ba?

Justine: Huh? Wa-wala.. Tama naman yung sinabi mo eh! Oo, parang magkapatid nga. Tayo. Oo. Yun nga..

Keith: Oo, kapatid ka ni Josh kaya kapatid na rin ang turing ko sa’yo.

Justine: Oo magkapatid nga. Ganon tayo ka-close.

Kapatid?!!  Bakit nung naisip kong parang kapatid ko si  Justine, iba ang lumalabas sa isip ko? Bakit naaalala ko yung mga panahon na kasama ko siya? Yung nakikita ko siyang nakangiti kapag kasama niya ko.. yung unang beses kaming nag-usap ng matino sa kusina nila habang kumakain ng noodles, yung mga panahon na bigla na lang lumabas ang tibok ng puso ko kaharap siya habang nasa taas kami ng puno dahil hinabol siya ng malaking aso. Yung nangyari sa mall tsaka nung nakita kong suot niya yung pulang dress na bagay na bagay sa kanya. At higit sa lahat itong ngayon.. bakit mas gusto kong titigan ang mga mata niya na halos kaparehas lang ng mga mata ni Fiona?!

He's Acting Like A Real Damn BrotherWhere stories live. Discover now