Chapter Two

43 1 0
                                    

Pinilit kong ngumiti sa lalaking kaharap ko ngayon. Alam nyo yun, yung awkward na ngiti na parang humihingi na din ng sorry. Nakakahiya talaga kay Keith. Bakit siya ang nahampas ko?

Wait, pero bakit andito pa si Keith? Anong ginagawa niya dito sa sala namin? Anong oras na ah? Bakit andito pa siya?

Keith: Justine??!! Bakit mo ko hinampas?

Justine: Sorry talaga, Keith! Hindi ko sinasadya! Pa-pasensya naaaa!!

Justine: Ahehe.. sorry Keith. Akala ko kasi ikaw si kuya eh.

--
Ang sumunod na lang na nangyari, magkaharap na kami ni Keith ngayon dito sa may dining table. Nagugutom ako eh. Hindi ko na kayang tiisin ang gutom ko. Sa kasamaang palad, wala ng tirang pagkain. Aarrghh! Kaya eto, nagtitiyaga ako sa cup noodles. Buti na lang kahit papa’no may stock kami ng ganitong pagkain dito sa bahay.

Kasama ko si Keith na kumakain. Nagugutom na rin daw siya eh. Pareho kaming nagtitiyaga sa cup noodles ngayon habang pinapaliwanag ko na rin yung nangyari kanina sa sala.

Hindi naman kami masyadong close ng Keith na ‘to pero matagal na siyang highschool friend ni kuya kaya hindi na ko naiilang sa kanya. Nung una siguro oo pero nung tumagal na, nasanay na rin ako at nakikipagbiruan na rin sa kanya.

At kung tatanungin nyo ko kung anong itsura niya.. Hmm.. Sabihin na natin na sa lahat ng barkada ni kuya na tumatambay dito sa bahay, sa kanya ako pinaka-attracted. Mas guwapo pa nga siya kaysa kay kuya Josh eh. Maputi lang naman yung kuya ko at magaling mag-basketball kaya siguro madami siyang naloloko sa school. Ang totoo nyan, lahat naman ng dinadalang kaibigan dito ng kuya ko may mga itsura. Hindi ko lang talaga sila trip. Basta ayaw ko sa mga ka-uri ng kapatid ko.

Justine: Basta, sorry ule huh, Keith? Nakakahiya talaga!

Keith: Hahaha! Okey lang yun. Hindi naman masakit eh. Nagulat lang talaga ko kanina.

Justine: Ahh, so gusto mo isa pa ule para masakit na?

Keith: Hahaha! Huwag na. Tama na sa’kin yun!

Tawa lang ako ng tawa tapos siya naman tuluy-tuloy lang sa pagsubo ng noodles.

Justine: Ano nga ule yung sabi mo kanina? You mean, dito ka muna titira sa bahay namin? As in titira talaga?

Keith: Pansamantala lang naman. Napaalis kasi ako do’n sa tinitirhan kong dorm. Wala na kong pera eh.

Kababanggit lang kasi ngayon nitong si Keith na titira daw muna siya dito sa’min. Yun pala yung dahilan kung bakit naabutan ko siya sa sala kanina na natutulog.

Hindi naman sa ayaw ko na mag-stay siya dito sa bahay. Nabigla lang ako dahil syempre bukod kay kuya, may makakasama na pala kong iba dito sa bahay. Tapos siya pa.. I mean, kaibigan pa ni kuya Josh. Parang medyo… awkward?

Justine: Hindi ah.. pero kasi.. alam na ba ‘to nina mama at papa? Tsaka ng tita ko? Lagi pa namang bumibisita si tita dito. Baka magulat yun pag nalaman niyang dito ka na titira.

Keith: Oo nagpaalam na ko kahapon pa. Pumayag na si tita tsaka ang parents nyo ni Josh.

Justine: Ahh.. ayos na pala eh! Settled na pala ang lahat. Wala naman akong problema kung dito ka muna titira. As long as magiging mabait ka sa’kin at di ka tutulad sa kuya ko.

Keith: Hahaha! Oo naman. Wala tayong magiging problema do’n nuh! Kakampi mo ko, Jus!

Justine: Hahaha! Talaga lang huh? Baka i-bully mo rin ako kasi ako.

Keith: Ayaw mo ba nun.. dalawa na ang magiging kuya mo?

Justine: Kuya?!! Ikaw? Tsaka si kuya Josh?

He's Acting Like A Real Damn BrotherWhere stories live. Discover now