Chapter Six

45 0 0
                                    

Justine’s POV
Pagbukas ko ng pinto, saktong bumukas rin yung pinto ng kuwarto ni kuya. Lolokohin ko pa lang sana si kuya na nagmukha siyang tao ngayon pero hindi ko na naibuka yung bibig ko dahil hindi pala si kuya Josh yung lumabas ng pinto kundi si Keith.

Bigla akong natulala nung nakita ko siya. Sobrang guwapo at disente niyang tingnan sa suot niyang americana. Bagay na bagay sa kanya ang kulay na black dahil naha-highlight lalo yung kaputian niya. Lalo pang nakadagdag sa kaguwapuhan niya yung naka-brush up niyang buhok. At yung makapal niyang eyebrows, sabi nga ni Aiz sobrang sexy daw tingnan sa kanya!!

Keith: Jus, okey ka lang?

Bigla kong natauhan nung nagsalita si Keith. Masyado pala kong nagpadala sa kaguwapuhan niya dahil hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala siya sa’kin. Ugh, ano ba ‘to? Ang lapit niya sa’kin! Nakakahiya! Masyado ba kong halata?

Justine: Ahehe.. Keith!

Ito na ata ang pinaka-nakakainis at napaka-walang kuwenta kong reaksyon!! Hindi ako makapag-isip ng matino. Parang na-pipi ata ako bigla. Huhu. Ano bang nangyayari sa’kin?

Keith: Ahh.. ano.. ang ganda mo dyan sa suot mo ah? Bagay pala sa’yo ang red!

Parang biglang tumigil yung mundo ko sa sinabi ni Keith. Totoo ba yung narinig ko? Sinabi niyang maganda ako? Bigla akong nakaramdam ng kung anong mabilis sa dibdib ko.

Justine: Sus! Ikaw rin naman nuh! Ba-Bagay sa’yo yang suit mo!

Bakit nauutal ako? Gumising ka nga, Justine! Si Keith yang kausap mo! Tumigil-tigil ka nga! Kaibigan siya ng kuya mo. Hindi mo siya pwedeng pagnasaan! Hindi ikaw ang date niya! Atsaka masyado ka namang nagpapadala sa mga sinasabi niya! Lahat ng lalaki sinasabing maganda ang isang babae para lang mambola. Hindi ibig-sabihin nun na maganda ka talaga!

Justine: Si kuya?

Keith: Nauna na sa baba. Oh pa’no, tara na?

Pareho na kaming pababa ni Keith nung pumasok naman si kuya kasama si P-jay, isa pang kabarkada nila. Nagkatinginan kaming apat. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkailang dahil napansin kong lahat sila nakatingin sa’kin, lalo na ‘tong si P-jay. Sobrang nakaka-intimidate yung mga titig niya.

Josh: Tara na! Mahuhuli na tayo sa party eh! Ba’t ang tagal nyo? Kanina pa ba kayo dyan?

Keith: Hindi. Sabay lang kaming lumabas ni Justine ng kuwarto. Kalalabas lang namin.

Josh: Nagmukha tayong tao ngayon, ah? Hahaha!

Kainis! Sa’kin dapat yung linya na yun eh! Naunahan ako ni kuya!

Justine: Tss! Same to you! Tara na nga, baba na tayo!

Inunahan ko na sina kuya sa paglabas. Nakaabang na pala yung van na sasakyan namin papunta sa school. Ang pagkakaalam ko kina P-jay ‘tong van. Van yung sasakyan namin dahil kasabay ko silang lima na pupunta sa acquaintance party ngayon. Ayoko nga sanang sumabay sa kanila eh dahil obviously maa-out of place lang naman ako sa kanila dahil puro sila lalaki, atsaka alam kong pagkakaisahan lang nila ko. Kaya lang masyadong kontrabida sa buhay ko si kuya. Ayaw niyang pumayag na mag-commute na lang ako mag-isa. 

P-jay: Baka ma-late tayo, Jus! Sakay na!

Sa’kin pala nakatingin si P-jay dahil ako na lang pala ang nandito sa labas at nakatunganga. Ugh.. nakakahiya!

Justine: Ah, oo.. sasakay na!

Masyadong naging awkward para sa’kin yung biyahe namin papunta sa school. Mas pinili ko na lang na sumakay dito sa pinakang-likod dahil ayokong ako yung maging center of attraction  nila. Buti na lang masyado silang busy sa pagtatawanan kaya hindi na nila ko napapansin. Yun nga lang, naiilang ako dito kay P-jay na nagda-drive. Napapansin ko na kanina niya pa ko sinusulyapan dito sa likod dahil may mga pagkakataon na nahuhuli ko siyang tumitingin sa rearview mirror. At ang mas nakakailang pa do’n, kahit na nahuhuli ko siyang nakatingin sa’kin, hindi siya umiiwas. Parang nanadya pa ang loko dahil ngumingisi pa siya sa’kin mula sa rearview mirror.

Dapat na ba kong maniwala noon sa sinabi sa’kin ni Aiz na may gusto si P-jay sa’kin?

--
Pagkarating na pagkarating namin ng school, humiwalay na agad ako kina kuya. Pero habang naglalakad ako papunta sa quadrangle, nagulat ako dahil kasabay ko pa palang naglalakad si Keith ngayon. Parang nagmamadali na rin siya dahil nauuna na siya sa’kin. Akala ko talaga sasabay na siya sa’kin papuntang quadrangle pero yun pala may sasabihin lang siya..

Keith: Jus, huwag mo kalimutan ah? Isasayaw kita mamaya!! Hehe!

Hidi na ko nakapag-react dahil pagkatapos niyang sabihin yun, tumakbo na kaagad siya. Atsaka masyado akong nawindang sa sinabi niya. Hindi ko ata kinaya. Hindi ko ini-expect na yayain niya kong sumayaw. Iniisip ko pa lang parang- kinikilig na ko? Ah ewan! Normal lang naman ‘to, di ba? Guwapo si Keith kaya kahit sinong babae na yayain niyang sumayaw, siguradong mamatay sa kilig. At siguro, isa ako sa mga babae na yun…

--
Author's Note:
Pakitingin na lang sa side yung picture pareho nina Keith at Justine nung nagpunta sila sa Acquaintance party. Yung suot nilang dress at suit~ 😊

Sana na-enjoy nyo yung chapter na 'to.. kaso baka medyo matagalan yung update! Sa susunod na chapter sa party pa rin yung setting. Tsaka baka may selosan ng mangyari. Hihi! 😜

He's Acting Like A Real Damn BrotherDove le storie prendono vita. Scoprilo ora