Chapter Five

36 0 0
                                    

Justine’s POV

Nandito kami ni Alizza ngayon sa may food court. Nagyaya kasi siyang magpunta dito sa mall dahil balak niyang bumili ng dress na gagamitin niya para sa nalalapit naming acquaintance party. Ako naman, walang problema sa susuotin ko dahil may ilan pa naman akong mga dress sa bahay na hindi ko pa nagagamit. Nagpapahinga lang kami ngayon dito sa foodcourt dahil kanina pa kami paikot-ikot pero wala pa rin siyang magustuhan, pero syempre habang nagpapahinga um-order na rin kami ng makakain.

Justine: Pagod na ko nuh! Hindi ba pwedeng pumili ka na lang ng kahit na anong dress? Ang dami na nating napuntahan na dress shop nuh! Hindi ka ba napapagod na babae ka?

Kita mo ‘tong babaeng ‘to. Kanina pa ko daldal ng daldal dito pero hindi naman pala siya nakikinig. Malamang may pogi na naman ‘tong na-spot-an kaya sa iba siya nakatingin. Tss.

Justine: Hoy! Sino bang tinitingnan mo dyan?

Alizza: Jus, di ba parang si Keith yun?

Automatic agad akong napatingin sa direksyon kung saan nakatingin ‘tong si Aiz dahil bigla kong narinig yung pangalan ni Keith.

Alizza: Di ba si Keith yan? Tsaka.. sino yung kasama niya, Jus? May girlfriend na ba siya?

Tama nga si Aiz. Nandito rin si Keith sa food court at hindi siya masyadong kalayuan sa’min. Malapit yung table nilang pinupuwestuhan sa mga food stalls. Buti na lang maraming taong nakapuwesto sa mga table na nasa unahan namin kaya hindi ako nag-aalala na baka makita niya kami dito sa table namin. At kung hindi ako nagkakamali, sigurado akong si Fiona yung kasama niyang babae. Hindi ko kasi masyadong maitsurahan dahil naka-side view siya sa tayo namin pero sigurado akong siya nga yan dahil nabanggit na sa’kin ni Keith yung tungkol dito, yung tungkol sa pag-aya sa kanya ni Fiona na mag-date sila. Mukha namang nangyari na  yung date nila dahil magkasama na sila ngayon.

Alizza: Ano ba yan? Akala ko pa naman wala siyang girlfriend? Eh sino yang kasama niyang girl?

Justine: Sa tingin mo yang ganyang ka-guwapong lalaki, mawawalan ng girlfriend?

Alizza: Malay mo naman, di ba? Hay. Bet ko pa naman kayong dalawa! Sayang!!

Justine: Hindi pa naman niya girlfriend yang si Fiona pero ang pagkakaalam ko, nililigawan pa lang niya! Pero I’m sure di magtatagal, sasagutin din siya nyan! Kaya pwede ba huh Aiz, tigil-tigilan mo na yang pagpi-pair mo sa’min ni Keith dahil imposible ang iniisip mo!!

Alizza: Huwag kang mag-alala Jus, mas maganda ka pa rin naman kaysa dyan sa Fiona na yan nuh! Tingnan mo naman ugh, nasobrahan lang siya ng gamit ng glutathione pero lamang na lamang ka pa rin pagdating sa beauty!

Tinawanan ko na lang yung sinabi ni Aiz. Alam ko naman na ako ang kakampihan niya dahil pinsan niya ko. Maganda naman talaga si Fiona nuh. Sobrang sama lang talaga mag-comment nitong pinsan kong baliw.

--
Tinapos na rin namin kaagad ni Aiz yung pagkain dito sa food court. Sinamahan ko na ulet siya para maghanap ng susuoting dress. Buti na lang after two hours, na-satisfied na rin siya sa dress na ni-recommend ko sa kanya. Naghiwalay na rin kaming dalawa pagkatapos niyang makapamili ng dress dahil biglang nag-text si tita. Pinapauwi na siya. Ako naman kailangan pang mag-grocery dahil nagkasakit si yaya kaya walang bibili ng mga kakailanganin namin sa bahay.

Habang busy akong tumitingin ng mga canned goods, napansin ko kaagad na nandito rin pala sina Keith. Siya yung may hawak ng cart  tapos si Fiona yung pumipili ng mga bibilhin. Hindi ko na hinintay na makita pa nila ko lalung-lalo na ni Keith- dahil ayaw kong makaistorbo sa date nila.

Kitang-kita naman, mukhang enjoy na enjoy sila sa company ng isa’t isa. Kung hindi ko nga sila kilala, pagkakamalan kong mag-asawa sila dahil sa itsura nila eh. Para silang bagong kasal na namimili dito sa grocery.

He's Acting Like A Real Damn BrotherWhere stories live. Discover now