Chapter Three

33 0 0
                                    

Justine's POV

The next day.. habang pauwi na ko may nakasalubong akong malaking aso. Sa kamalas-malasan, bakit sa lahat ng pwede kong makasalubong, bakit aso pa?!

Waaahhhh!! Anong gagawin ko? Takot ako sa aso eh tapos idagdag mo pa yung itsura nitong aso. Malaki siya na kulay itim. Nakatingin pa sa'kin na para akong kakainin. Nangangatog na yung tuhod ko sa takot. May phobia na kasi ako sa mga aso bata palang ako. Na-experienced ko ng makagat dati kaya hanggang ngayon takot pa rin ako kapag may nakakasalubong akong mga aso sa daan.

Hindi ko na hinintay na lapain pa ko ng asong 'to kaya naisip ko na magtatakbo na lang. Kahit hindi naman ako ganon kabilis tumakbo, pinilit ko pa rin ang sarili ko na makatakbo ng mabilis dahil ayokong maabutan niya ko. Bawal akong magtatakbo dahil may hika ako pero ito na lang ang pag-asa ko para hindi ako gawing tanghalian ng aso na humahabol sa'kin.

Nakarating na ko lahat-lahat dito sa bakanteng lote pero nasundan pa rin ako nitong aso. Nakahawak na ko ngayon sa magkabila kong tuhod tapos sumandal ako dito sa may puno. Pero nagulat ako nung naramdaman kong bigla na lang may humawak sa balikat ko.

Lumingon kaagad ako tapos nakita ko si Keith na nasa taas ng puno. Nakaupo siya sa malaking sanga nitong puno.

Keith: Dali! Umakyat ka na dito sa puno, Justine!

Justine: Teka, anong ginagawa mo dyan sa taas? Kailan ka pa naging unggoy?

Hulog talaga ng langit 'tong si Keith. Napapansin ko tuwing nagkakaroon ako ng problema, lagi na lang siyang sumusulpot. Inabot ni Keith yung isang kamay niya sa'kin kaya nakaakyat ako dito sa taas ng puno. Yung aso naman na humahabol sa'kin salamat naman at umalis na. Akala ko talaga magpapaalam na ko sa maganda kong legs eh. Buti na lang talaga dumating 'tong savior ko! Hahaha!

Saka ko lang na-realize na nandito na nga pala ko sa taas ng puno. Kasama ko si Keith.. at sobrang lapit pala namin sa isa't isa!! Magkatabi lang kami dito sa malaking sanga na inuupuan namin. Siya yung nakasandal sa katawan ng puno samantalang ako nakaharap naman sa kanya.

May weird akong nararamdaman. Parang biglang lumakas yung kabog ng dibdib ko habang nakatingin ako sa kanya. Hindi ko ma-explain pero hindi ako sanay na ganito siya kalapit sa'kin.

Keith: Okey ka lang, Justine?

Justine: Huh?

Ano ba 'to? Bakit bigla ata akong nawala sa sarili ko?

Justine: Salamat Keith. Muntik na ko do'n ah! Buti na lang nandito ka! Pero ano nga palang ginagawa mo dito sa taas? Bakit andito ka sa taas ng puno?

Keith: Wala, matutulog sana ko dito sa taas eh.. kaya lang nung nakita kita na hinahabol ka ng aso, hindi na ko tumulog.

Justine: Dito ka natutulog? As in dito sa taas ng puno?

Keith: Oo sanay na kong matulog kahit saang puno. Maganda kasi dito tapos malamig pa. Try mo rin minsan.

Justine: Huh? Ayoko nuh. Baka mamaya mahulog pa ko dito sa taas!

Pero habang kinakausap ko si Keith, napansin ko na parang bigla siyang nawala sa sarili niya. Parang may tinitingnan siya na kung ano. Sinundan ko kung saan siya nakatingin. Hindi pala ano ang tinitingnan niya, kundi sino. Hindi maalis-alis yung tingin niya sa dalawang babaeng naglalakad na kapareho ng school uniform namin ang suot nila.

Justine: Kilala mo sila?

Keith: Huh?

Hay. Mukhang wala ata talaga siya sa sarili niya.

Justine: Sino yung tinitingnan mo? Isa ba sa kanila yung girlfriend mo?

Keith: H-Hindi. Kaklase lang namin sila ng kuya mo.

He's Acting Like A Real Damn BrotherWhere stories live. Discover now