Chapter Fifteen

28 1 1
                                    


Justine's POV
Sabado na ngayon kaya bukas pa ng Linggo ng hapon ang inaasahan kong  uwi nina kuya galing sa retreat.

Medyo windang pa rin ako sa ginawa ni Keith kagabi. Grabe. Hindi ko lubos maisip na ginawa niya yun.. dahil ano naman ang rason niya, di ba? Ano yun nagpapapansin lang siya?  Bakit may palapit-lapit pa siya sa'kin ng mukha niya? Mas lalo niyang ginugulo ang utak ko. Buti na lang kamo wala si P-jay ngayon. Hay. :/ Isa pa din yung loko na yun eh. Ano kayang ginagawa nila nun ni kuya Josh ngayon? Teka, bakit pati yun pinoproblema ko? Ano namang pakialam ko sa P-jay na yun?

--
Pagdating ko sa baba, nagtataka ako kasi hindi ko naabutan si Keith. Nagpunta naman ako ng kusina pero hindi ko siya mahagilap. Ayoko naman magpahalata na hinahanap ko siya kaya naisip kong manood lang ng t.v. dito sa sala.

Okey na sana eh. Kaya lang eto naman si heart ko, dumudugdug na naman. Bumukas yung pinto tapos pagtingin ko si Keith nga. Nagtataka ako kasi umagang-umaga parang pagod agad siya. Halata kasi dahil mukhang pawis na pawis siya.

Akala ko talaga hindi niya ko papansinin kaya tinuon ko na lang ulet yung pansin ko sa t.v. Nagulat naman ako kasi bigla siyang umupo dito sa sofa tapos katabi ko pa.

Keith: Hay. Nakakapagod pala maglaba nuh?

Napatingin ako kay Keith sa sinabi niya. Teka, huwag niya sabihing naglaba siya kaya ganyan ang itsura niya? Kaya pawis na pawis siya?

Keith: Oh teka--   ba't ganyan ka naman makatingin? Haha! Nagulat ka ba na marunong akong maglaba?

Justine: H-Hindi nga?

Keith: Oo, naglaba kaya ako! Sobrang pagod nga eh. Ang dami ko na palang mga damit na hindi nalalabhan. Buti na lang Sabado ngayon, naubos ko na lahat ng mga damit kong labahin!

Natawa ako dahil sa sinabi ni Keith. Hindi dahil nalaman kong naglalaba siya kundi sobrang naa-amazed lang talaga ko sa mga bagay na ngayon ko pa lang natutuklasan sa kanya. Hindi ko ini-expect na pati gawaing-bahay tulad ng paglalaba eh ginagawa niya rin pala. Si kuya nga hindi ko mautus-utusan na maglaba kahit simpleng panyo lang eh, tapos 'tong si Keith sobra ang kasipagan. Kung alam ko lang eh di sana pinadamay ko na pala sa kanya lahat ng mga damit na nasuot ko na. HAHA! 😂

Keith: Bakit ka nga tumatawa, Justine? Grabe ka huh! Hindi na ba pwedeng maglaba ngayon ang mga lalaki?

Justine: Hindi naman yun eh. Ang dami mo kasing alam! Hindi ko lang ini-expect na marunong ka rin palang maglaba. Hehe.

Keith: Mukha bang nagbibiro lang ako? Sa tingin mo ba nagwisik lang ako ng tubig para lang magmukha akong pawisan?

Justine: Natutuwa lang kasi ako sa'yo nuh! Ang sipag mo! Ang suwerte ng magiging asawa mo pag nagkataon. Haha! I mean, ang suwerte pala ni Fiona! Haha!

Medyo sinangga ko ng konti yung balikat ni Keith para asarin siya. Akala ko matutuwa siya o kaya kikiligin dahil inaasar ko siya sa taong gusto niya pero tumingin lang siya sa'kin saglit. Pagkatapos nun, sa t.v. na siya tumingin na parang walang pakialam. Patawa-tawa na lang siya ngayon sa pinapanood niya sa t.v.

Ano kayang problema nito ni Keith? Kadalasan pag nababanggit ko sa kanya si Fiona, halos magpuso-puso na nga yung dalawa niyang mata sa sobrang kilig eh. Bakit ganito lang ang reaksyon niya? Hindi kaya tuluyan na siyang binasted ni Fiona? Hindi eh! Imposible yun! Sigurado akong si Keith ang may problema.

--
Naramdaman kong nag-vibrate bigla 'tong cellphone na nasa bulsa ko kaya kinuha ko kaagad. Pagtingin ko si kuya pala.

Justine: Oh bakit?

He's Acting Like A Real Damn BrotherWhere stories live. Discover now