Chapter Seven

28 0 0
                                    


Justine’s POV

Bigla akong kinabahan nung nakita ko kung yung nag-register na number sa cellphone ko. Alam ko kahit na matagal ko ng binura ang number niya sa phonebook ko, hindi ko ikakaila na tandang-tanda ko pa rin ang number ng walangya kong ex.

Napatingin agad ako sa guard house. Do’n niya kami gustong magkita? Bakit pa? Atsaka, bakit kailangan pa naming magkita? Para saan pa? May dapat pa ba kaming pag-usapang dalawa pagkatapos niya kong traydurin at ipahamak? Tss.

Nag-aalalang tumingin sa’kin si Alizza. Pinakita ko kasi sa kanya ang na-receive kong text galing kay Lawrence. Sa mga tingin niya pa lang sa’kin ngayon, alam kong hindi na siya papayag na makipagkita pa ko do’n sa gago kong ex. Sa totoo lang ayoko rin naman na makaharap ko pa  siya ..dahil siguro kapag nangyari yun, baka hindi ko lang mapigilan ang sarili kong suntukin siya sa mukha kahit na hindi naman ako bayolenteng tao.

Alizza: Don’t tell me, makikipagkita ka sa kanya, Jus? Nababaliw ka na ba?

Justine: Wala akong choice, Aiz! Promise, last na ‘to!

Alizza: May choice ka, Jus! Pwede namang deadma-hin mo na lang siya, di ba? Nakalimutan mo na ba? Pinagpalit ka ni Lawrence para lang sa isang walang kuwentang frat! Muntik ko ng mapahamak!!

Justine: Huwag kang mag-alala, para namang balak ko pang makipagbalikan sa lalaki na yun! Kakausapin ko lang siya para tigilan na ko.

Alizza: Akala ko pa naman mae-enjoy natin ‘tong acquaintance party..

Justine: Babalik din ako agad, Aiz.
Tumalikod na ko at nagsimula ng maglakad palayo sa quadrangle kung saan ginaganap yung acquaintance. Buong akala ko rin mae-enjoy ko ang party na ‘to..

--
Imbis na tumigil ako sa may guard house dahil dito siya naghihintay, nagdire-diretso ako sa labas ng school. Hindi ko siya pinansin.

Lawrence: Justine, sandali!!

Nandito na kami sa labas ng school, hindi masyadong kalayuan sa gate. Hindi naman ako nag-aalala na dito ako makikipag-usap sa kanya dahil maliwanag pa rin naman sa parteng ‘to dahil may poste ng ilaw.

Lawrence: Justine, please.. mag-usap naman tayo ugh!

Sa wakas, nagkaroon din ako ng lakas ng loob na harapin siya. Isang taon na halos magmula nung maghiwalay kami. Sa loob ng isang taon na yun, ito ang pangatlong beses na nakaharap ko siya ng malapitan. Nung una tanda ko, pinilit niya kong kausapin noon dalawang linggo pa lang ang nakakalipas magmula ng mag-break kami. Hindi ako pumayag na makipag-usap sa kanya dahil obviously kagagaling pa lang namin sa break-up noon at masyado pang masakit  sa’kin ang lahat. At yung pangalawa namang attempt niya na kausapin ako eh bago siya mag-transfer ng school. Tapos ngayon… ito ang pangatlong beses na sinubukan niya kong kausapin at sa tingin ko ito na rin ang huling beses na gusto kong makita ang pagmumukha niya.

Ganon pa rin. Wala masyadong nagbago sa itsura niya, maliban sa may suot siyang cap ngayon na bihira niyang ginagawa dahil natatandaan kong sinabi niya sa’kin noon na ayaw na ayaw niya na nagsusuot ng sombrero. Hindi ko alam kung bakit pero hindi na importante yun. Naka-tshirt siyang puti at pants na maong.

Tinaasan ko lang siya ng kilay nung napansin ko na nakatingin lang siya sa’kin. Saka ko lang ulet naalala na iba nga pala ang itsura ko ngayon dahil sa suot kong dress.

Lawrence: Ang ganda mo. Dyan sa suot mo.

Nagulat ako sa sinabi niya. Pagkatapos ng maraming buwan na hindi kami nagkita, ito agad ang una niyang sasabihin sa’kin? Pagkatapos niya kong saktan? Traydurin?

Justine: Hindi ako nagpunta dito para lang marinig kong kino-compliment mo ko, Lawrence. Sabihin mo na yung gusto mong sab—

Hindi ko na natuloy ang gusto kong sabihin dahil bigla na lang akong niyakap ni Lawrence. Magsasalita pa lang sana ulet ako kaso naunahan na agad niya ko.

He's Acting Like A Real Damn BrotherWhere stories live. Discover now