Chapter Eighteen

21 0 4
                                    


Justine's POV
Hindi ko na pinansin si kuya Josh nung tinanong niya ko kung ano daw ang nangyari sa'kin at umiiyak ako. Nagtatawanan pa silang tatlo nina Aldwin at Sheldon nung nadaanan ko sila sa sala. Baka sabihin nyo ang babaw ko naman para umiyak at mag-walk out ng ganito.. pero hindi nyo rin ako masisisi kasi kahit pa sabihing halik lang yun, para sa'kin napaka-importante pa rin nun dahil isang tao lang ang gusto kong maging first kiss ko.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Tumakbo lang ako para maiwasan ko yung nangyari. Nagagalit ako kay P-jay dahil pakiramdam ko inabuso niya lang yung kabaitan ko. Hindi ko talaga akalain na magagawa niya yun. Kahit papa'no naramdaman kong kaibigan ko na din siya, yun pala sisirain niya lang ang tiwala ko sa kanya. Isa pa din yung Keith na yun. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ko. Kailan ba siya hindi magiging manhid? Tapos nalaman kong sila na pala ng Fiona na yun. Wala din siyang pinagkaiba kay P-jay at kay Lawrence. :'(

--
Natagpuan ko na lang ang sarili ko dito sa may bakanteng lote sa subdivision. Hindi ko tuloy maiwasang hindi isipin yung mga nangyari dito noon. Nung tinulungan ako ng Keith na yun na makatakas do'n sa malaking aso. At ngayon ko lang na-realize na.. yun din siguro yung unang pagkakataon na nagustuhan ko siya. Nung pareho kaming nasa taas ng puno habang hawak niya yung isa kong kamay para iparinig ang malakas na tibok ng puso niya. Dito sa lugar na 'to, sa mismong puno na 'to una kong narinig ang malakas na kakaibang tunog na galing sa dibdib ko.

Keith: Justineeeeee!!!

Napalingon agad ako dahil sa boses na narinig ko galing sa likod. Tama nga ako dahil nandito nga si Keith. Papalapit na siya sa'kin ngayon dito sa may puno at nagulat na lang ako nung niyakap niya ko bigla.

Keith: Okey ka lang ba? Sorry!

Hindi ako makagalaw. Galit ako sa kanya pero ngayon na yakap-yakap niya ko, hindi ko siya magawang itulak papalayo sa'kin.

Di ba dapat si P-jay ang nagso-sorry sa'kin? Pero bakit humihingi din siya ng sorry? Atsaka anong ginagawa niya dito? Sinundan niya ko dito para lang mag-sorry?

Keith: Nakita ko yung nangyari.

Ako na ang unang kumalas ng yakap kay Keith. Tiningnan ko lang siya at napansin kong parang may kakaiba sa kanya. Bukod sa sugat malapit sa labi niya, hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang mga tingin niyang ibinibigay sa'kin.

Justine: Anong ginagawa mo dito, Keith? Bakit sinundan mo ko? Akala ko ba magpapatayan na kayong dalawa ni P-jay? Hindi ko na nga kayo pinigilan eh.

Umirap ako sa kanya. Seryoso ako sa mga sinabi ko pero siya natawa lang. Ano bang problema ng lalaki na 'to?

Keith: Umm, galit ka din ba sa'kin, Justine?

Bakit kailangan niya pang itanong sa'kin 'to? Hindi pa ba halata sa itsura ko? May kasalanan siya sa'kin. Hindi niya sinabi na sila na pala ni Fiona. Alam kong wala akong karapatang malaman kung sila man o hindi.. pero kasi akala ko ba kapatid na ang turing niya sa'kin? Dapat binanggit niya sa'kin na sila na pala para hindi mas lalong masakit kung manggagaling sa iba. Kay P-jay ko pa talaga nalaman.


Keith: Pasensya ka na kung yun lang ang nagawa ko. Minsan talaga may pagka-tarantado yun si P-jay. Nakita ko yung ginawa niya sa'yo. At kahit kaibigan ko pa siya, naiinis din ako sa ginawa niya sa'yoooo!!


Justine: Hindi ko akalain na gagawin niya yun. Bakit kailangan niya kong halikan? Nakakainis siya! Ayaw ko pa siyang makita!

Keith: Umm, ayaw mo ba talaga kay P-jay?


Kukulitin na naman ba niya ko tungkol kay P-jay? Bakit kailangan niyang ipagpilitan sa'kin yung kaibigan niya kung wala naman akong feelings na nararamdaman sa kanya?

He's Acting Like A Real Damn BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon