"Hey!Hey!Heeeyy!Heeyy!" Kanya-kanyang sabi nila habang papasok.

Ganyan ang section namin. Pinakapasaway pero Masaya.Hindi katulad nung nasa Section 1,masyadong tahimik kaya boring.Napunta pa sa kanila ang mga pinaka-striktong teacher.

"Hey!Hey!Heeyy!Heeyy!" At nakisabay na nga ako. Naghahampas pa ako sa desk para mas masaya.

"WHAT'S WITH THIS NOISE ALL ABOUT!?ALL OF YOU STAND WHILE I'M DISCUSSING!" Napatigil ang lahat kaya tahimik kaming nagsibalikan sa upuan.Sa sibrang ingay ay hindi namin namalayan na nandyan na si Maam.

"MS.VILLANUEVA!SQUAT!" WTH?!Squat?!Tsk!Hinampas ko kase yung desk eh!

No choice akong nag-squat habang ang nga kaklase ko ay nakatayo habang nagdi-discuss si maam.Hindi naman nakakapagod dahil tuwing nagsusulat si maam sa board ay umuupo ang karamihan sa amin.

"QUIZ!30 ITEMS!" Again...No choice kaming lahat na kumuha ng papel at nagtake ng quiz.

~~~~

Matapos ang delubyo—este ang klase ni maam kaya nakahinga kami ng maluwag at nag-unahan sa pag-upo dahil sa sakit ng paa.

Sinabi lang kase ni maam yung tanong na wala choices kaya hindi kami maka-upo dahil laging nakatingin sa amin si maam.

"Good morning class.Review for 10 minutes.Meron tayong short quiz.May kukunin lang ako sa faculty at pagbalik ko ay magii-start na tayo." Sabi ni Maam at lumabas na.

Ayan ang gusto kay maam eh.Nag-announce na nga ng magreview kahapon,nagpa-review pa ngayon.Ilang beses ng nagreview pero wala pa ding nakaka-perfect.Ako palang.Huehuehue.

"Bhes.Napanood mo yung KDrama kagabi.Gwapo nung lalaki noh!" Pangtsi-tsismis ko kay Sam na naka-upo sa likuran ko.

"Ahh!!Yung prinsipe?Gwapo noh!" Sabi naman niya.

Pinag-uusapan namin yung isang Korean Drama na gabi-gabi pinapalabas kaso nga lang patapos na.

"Tsk!Panget nung babaeng pakakasalan!Ang chaka nung mukha!" Sabi ko.Harsh ba?Sorna.V

"Sama!Haha!Kaso nga 2 weeks na lang!" Sabi niya sa akin.

"Okay lang yun!May mga susunod naman na ipapalabas,iba nga lang pero balita ko maganda naman." Paliwanag ko.

Nagtsismisan pa kami at hindi na kami naka-review hanggang sa dumating na si maam.

"Okay,ready your papers." Sabi ni maam.Palihim naman akong kumuha ng papel ko sa bag.Isang beses kasi nung naglabas ako ng isang pad,nangalahati agad kakahingi nila.

"Number 1!" Sabi ni Maam hudyat na simula na ng quiz..

~~~~
Makalipas ng ikang minuto ay natapis na din kaming magquiz at magcheck.

"Anong score mo?" Tanong ni Sam.Hindi na ako nagsalita at ipinakita ang papel ko.

"Nice!" Sabi niya at pumalakpak na.

"Okay class!Pumila na ang first row para makabunot." Sabi ni Maam kaya nagsimula na ang hiyawan sa buong klase.

Excited na kami sa foundation week dahil walang klase dahil puro practice lang para sa performance ng mga representatives ng bawat kulay.

Tuwing foundation day ay nahahati ang buong school sa anim na grupo o kulay.Ang red,blue, orange, yellow, violet at Green.

Natapos na akong bumunot at nabunot ko ay yellow.Maya-maya pa ay in-announce ni maam kung sino-sino ang mga students na nasa bawat kulay.30 kaming lahat sa room kaya limang students bawat kulay.

~~~~
Makailang oras ay natapos na ang buong klase pero nandito pa kami nila Angel sa room.Tinatapos namin yung activity na pinagawa ni Sir,pwede naman magpasa bukas kaso minus five na.

"Tapos na ako." Sabi ko at tumayo tapos dumiretso sa upuan ko.Sa lapag kasi kami gumagawa.

Pagkadating ko sa upuan ko ay sinubukan kong umidlip dahil medyo masakit ang ulo ko pero hindi ako makatulog.

"Baba muna ako." Paalam ko sa kanila.Tumango nalang sila dahil busy sila sa paggawa nung activity.

Dumiretso ako sa canteen at bumili ng bottled water pagkatapos ay umakyat na.

"Ouch!" Sabi ko matapos mabangga ang isang estudyante at ilang segundo pa ay natumba na ako.

~~~~

Minulat ko ang mata ko at napansin kong nasa clinic ako.Napansin ko din na kakaunti nalang ang tao dito sa faculty.Nasa loob kase ng faculty ang clinic.

"Nasaan yung activity ko?" Pagtatanong ko kanila Angel na busy sa kani-kanilang ginagawa.

"Waahhh!!Buti nalang gising ka na!Nag-alala kami sayo!Tapos una mo pang inalala yung activity mo!" Sermon sa akin ni Angel.

"Ano bang nangyari?" Pagtatanong ko.

"Kulang ka daw sa kain at tulog kaya nanghina yung katawan mo at nahimatay ka kanina.Sabi nung nurse,may lalaki daw na naghatid sa iyo dito at buhat-buhat ka." Paliwanag ni Angel.Sa hindi malamang dahilan ay lumakas ang tibok ng puso ko.Tss.Lumalandi na naman ako.Huehue.

"Oh?Mabuti at gising ka na.Tara na at maihatid na kita sa inyo." Sabi ni Ninang na bagong dating.

"Hindi na po.Kaya ko naman." Pagtatanggi ko.

"No.Mahina ka pa kaya ihahatid na kita.Isasama na natin yung mga kaibigan mo tara!" No choice akong sumunod kay Ninang at hanggang pag-uwi iniisip ko pa din yung lalaki.

Sino ka ba?

End of chapter 2.
Edited√

A/n:Kylie po sa multimedia!

Tnx!!

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now