Chapter 30

41 2 0
                                    

-----

"As I've checked her, she has this broken heart syndrome. She experienced the sudden, intense chest pain. And it can strike even if you're healthy. The part of her heart temporarily enlarges and doesn't pump well, while the rest of her heart functions normally. And broken heart syndrome can lead to severe, short-term heart muscle failure."

Habang nakikinig sa sinasabi ng doktor ay siya namang pagtulo ng luha ko. Matagal ko ng alam na mayroon ako niyan. My parents told me when I was a kid pero hindi siya nat-trigger dahil wala ako masyadong dinadamdam noon. Pero simula noong makilala ko si Jarell at nagloko si Papa ay nagtrigger ito.

"It is treatable right?" Jarell asked. Siya ngayon ang kasama ko dito sa hospital. Ayaw ko man siyang makasama ay wala akong magagawa. Siya lang ang nandito ngayon, siya lang ang pweding tumulong sa akin.

"Yes, it is. Most people who experienced it make a full recovery within weeks, and they're at low risk for it happening again although in rare cases it can be fatal. But in her case okay pa naman siya pero sana hindi na maulit ito dahil hindi natin alam baka lumala and it can lead her to death."

Death. That's what I want.

"I understand," Jarell said, trying to calm his self. Kanina pa siya tensyonado at wala sa sarili. Nakita ko ang takot sa mga mata niya ng banggitin ng doktor ang kamatayan.

Why? Natatakot siyang mawala ako?

"She needs to rest for now. Iyon lang ang kailangan niya."

"Okay po. Salamat ulit."

Agad na bumaling ang paningin ni Jarell sa akin pagkaalis ng doktor. Namumugto ang mata at sobrang puyat ng itsura. Lumapit siya at hinalikan ako sa noo.

"You heard it. Kailangan mong magpahinga."

"Leave me alone Jarell. I don't need you here."

Umigting ang panga nito.

"Don't be so stubborn Roiss. You need to rest and I can't risk it."

I scoffed.

"I don't need you here!" sigaw ko at sinimulang tanggalin ang mga nakakabit na apparatus sa aking katawan. Nakakasukang manatili sa lugar na ito. Ayoko dito at higit sa lahat ayokong makasama ang lalaking ito.

"Roiss! F-ck!"

Sinubukan niya akong pigilan pero wala siyang magawa ng lumabas ako ng kwarto. Nagsimula siyang magtawag ng mga staff sa ospital para pigilan ako. Dalawang guard ang humarang sa akin at pinigilan ako sa gagawin kong pag-alis.

"Bitawan niyo ko! Bitawan niyo ako!"

Gusto kong puntahan si Papa. Gustong kong sabihin dito na mahal na mahal ko siya na nagsisisi na ako sa lahat ng mga kasalanan ko. Sa hindi pagpansin at pagkausap sa kanya. Gusto kong lumuhod sa harapan nito at paulit-ulit na huminge ng tawad.

"Bitawan niyo ko please...parang awa niyo na," umiiyak na sabi ko.

"Ayoko na. Please..." pagmamakaawa ko.

Pagod na pagod na akong masaktan.

"I'm sorry Roiss but I need to do this to protect you from harming yourself," Jarell said before the doctor injected me. Unti-unting nanghina ang katawan ko at bigat ng talukap ng aking mata.

"I...hate you," I whispered before the darkness consumed my whole being.

Nanghihina ang katawan ko pagkagising at parang papel na lumulutang sa hangin. Hindi ko alam kong ilang oras akong pinatulog pero nanginginig ang buong katawan ko.

I want to go to my father, ito agad ang unang pumasok sa isipan ko. Wala akong lakas na kumontra kay Jarell kaya bumitaw ako ng salita na ayaw ko sanang sabihin.

"Magpapahinga ako pero ipangako mong dadalhin mo ako sa puntod ni Papa. I want to see him," I said, trying to stop my tears from falling.

"I promise. Sasamahan kita," he said.

"Nagugutom na'ko," pambasag sa ilang segundong katahimikan. Mabilis pa sa alas kwatrong inalalayan niya ako sa pag-upo when I tried to get up.

"Thank you," I said.

"Anong gusto mong kaininin?"

Bigla nalang kumirot ang puso ko ng may maalala ako. Jarell is taking good care of you Roiss.

But he betrayed you and hurt you back then. He is the reason why I am suffering. He is the reason why I don't easily trust again.

Inalis ko ang paningin ko sa kanya. Sa isang iglap lang ay ayaw kong makita ang pagmumukha niya. May galit parin sa puso ko.

"Roiss...," tawag nito sa malumanay na tono.

Napatingin ako sa kanya.

"What do you want to eat?"

"Nawalan ako ng gana. Matutulog nalang ako at iwan mo nalang akong mag-isa dito Jarell."

Bakas sa mukha nito ang sakit pagkatapos kong sabihin iyon. Sinubukan kong humiga ulit pero nahirapan ako. Tinulungan niya ako at agad ko ring tinabig ang kamay niyang nagtagal sa pagkakahawak sa akin.

Pinunasan ko ang isang butil ng luha na kumawala sa mata ko. Mas mabuti iyong ganito.

"Bibili lang ako ng pagkain mo."

At hindi ko mapigilang mapatingin sa pinto. Wala na si Jarell.

Habang nakahiga ay nakatuon lamang ang atensiyon ko sa T.V. Napakunot lamang ang noo ko ng makilala ang babaeng nasa news. She's beautiful at sa airport palang marami ng nakabantay sa kanya.

"The Filipino famous hollywood singer, Kate Hunter was now in the Philippines."

"Kate," I muttered.

She's back.

Napailing ako ng bahagya.

"Hi! How are you?" tanong ng nurse sa akin na hindi ko nasagot agad dahil nakatutok ang mga mata ko sa TV.

"Do you know her?" she politely asked.

Naguguluhang tiningnan ko ang nurse na ngayon ko lang napansin ng buo ang kanyang presensya.

"Huh?"

"Kilala mo ang babaeng iyon? You seem interested."

I bit my lower lip. Kilalang-kilala. My half sister.

"Yeah. Pero hindi niya ako kilala."

"Talaga?" she asked. Biglang bumalik iyong ala-ala ko noon. Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdamang kumirot iyon.

"You okay?"

"Okay lang. I just need to rest."

"Okay," she said at naramdaman ko nalang ang pagsara ng pinto. I wiped my tears.

Until now masakit parin. Sa tuwing naaalala ko iyong mga taong naging parte ng mga araw na iyon ay nakakaramdam ako ng sakit. Ang bigat sa pakiramdam. Sobrang laki ng nawala sa akin. Pagmamahal, buong pamilya at kaibigan. All of that was vanished easily.

Iyong akala mong masayang pamilya ay unti-unti palang nabubuwag, ang akala mong kaibigan ay ilusyon mo lang pala. Ang akala mong pag-ibig, isang imahinasyon na ikaw lang ang nakakaalam. Lahat ng iyon ay hindi totoo. Lahat ng iyon ay parang isang laro.

.

.

.

.

.

Ladymania.

#MoveOn.
#MoveOnFromWhat?
ForEverythingThatKeepsYouForMovingOn.

Its So Called COMPLICATED Where stories live. Discover now