Chapter 29

38 2 0
                                    

++++++

Past

I remembered him.

"Roiss!" sigaw ni Mama sa kabilang linya. Agad akong tumawag sa kanya ng tumakas ako sa ospital. I went home because I don't want to stay there. It suffocates me.

"M-Ma."

"Anong nangyari sayo? Nasaan ka? Alam mo bang nag-aalala kami sayo? Sabi ni Jarell bigla ka nalang nawala sa ospital. Saan ka ba nagpunta ha? Okay ka lang ba?!" sunod-sunod na tanong nito at hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na magsalita.

I know she's worried. I understand her. Pero hindi ako patatahimikin ng utak ko hanggat hindi ko nalalaman ang totoo. I want to know the truth if buhay si Papa pero base sa naalala ko ay sobrang lakas ng impact ng aksidenteng nangyari sa amin.

"N-Nasaan si Papa?" tanong ko imbes na sagutin ang mga tanong niya.

May namumuong kasagutan sa utak ko pero hindi ko kayang tanggapin. Hindi ko kaya lalo pa at alam kung masasaktan lang ako.

I waited for her answer dahil alam kong nagulat siya sa tanong ko. Kahit ako rin naman magugulat. Ngayon lang ako nagtanong simula nang magising ako. I never mentioned my father's name. Ang sama kong anak. Ang sama-sama ko at kinalimutan ko siya.

Hindi ko mapigilang mapaiyak sa naiisip ko. Sumisikip ang dibdib ko sa isiping nakalimutan ko ang Papa ko. Pakiramdam ko parang ang laki-laki ng kasalanan ko. Sobrang laki na hindi ko kayang patawarin ang sarili ko.

"Y-you asked," she uttered.

"I want to see my father Ma," I told her straightly.

"Roiss.'

"Ma!"

"He's dead."

Kahit alam ko, masakit parin marinig ang katotohanan. Biglang nanghina ang tuhod ko pagkasabi niya nang katagang iyon. Napahawak ako sa bibig ko. Nanginginig iyong mga kamay ko at ang sikip sikip ng dibdib ko.

"Ba-bakit hindi mo sinabi?"

Gusto ko itong sumbatan ng hindi niya man lang sinabi agad sa akin. Ako ang may kasalanan kung bakit ito namatay. It's my fault. It's my fucking fault!

Humagulgol ako ng iyak habang inaalala ang mga samahan namin noon ni Papa. He's been a good father to me until that day he cheated on my mother. Sobrang sama ng tingin ko sa kanya dahil nagawa niya kaming ipagpalit. He tried to reached out to me but I did not give him a chance to prove hisself again.

I realized, na isang beses lang siya nagkamali. Iyon lang pero hindi ko pa nagawang magpatawad. Kahit masama ang loob ko dito ay nagawa niya parin akong protektahan noong araw na iyon. Ngayong wala na siya ay labis akong nagsisisi.

I want my father back. Gusto kong itama ang lahat ng pagkakamali ko. Kakausapin ko na ito araw-araw, kakamustahin at dadalawin. Magiging mabuting anak na ako dito.

Napahagulgol ako ng iyak dahil alam kong hindi ko na maibabalik ang lahat. It's too late to correct everything.

"Akala ko alam mo at tanggap mong wala na--"

"Akala mo lang naman Ma!" napataas iyong boses ko.

Ni minsan hindi niya ako tinanong sa mga gusto ko. Ni minsan hindi niya ako tinanong kung ayos lang ba o kamusta na'ko. Simula ng mag-asawa siya ulit ay kinalimutan niya na ako. Palagi siyang nakabuntot kay Tito Kierr!

Wala namang magbabago Roiss kung sabihin niya man o hindi. You're father died because of you!

Napahawak ako sa aking ulo at inuntog iyon sa sofa.

"Argggghhh! PAPA!"

"Akala ko alam mo. Pagkagising mo Roiss, nailibing na ang Papa mo kasi matagal kang nacomatose at ng imulat mo ang mga mata mo hindi mo siya hinanap. Nagtaka ako pero binaliwala ko nalang iyon. I thought you heard dahil gising ka habang nag-uusap kami ng doktor--"

"I didn't Ma. I didn't...heard."

"I'm sorry baby. I'm sorry. Its my fault, I know."

Umiiyak narin ito sa kabilang linya. Pinatay ko iyong tawag. Napaupo ako sa sahig at napahilamos sa sariling mukha.

Why is this happening to me? Ano bang ginawa kong kasalanan at naging ganito kalaki ang parusa ko? Naging mabuti naman akong tao ah. Naging mabuting anak at kaibigan. Then why I am suffering? Si Papa, nawala ng dahil sa akin.

Para akong mababaliw na pumasok sa kwarto. Iyak ako ng iyak at hindi matanggap ang nangyari.

"Kasalanan ko 'to. Buhay pa sana si Papa kung hindi dahil sa akin," paulit-ulit ko iyong sinasabi sa sarili.

Hanggang sa makarating ng kwarto ay wala akong bukambibig kundi ang sisihin ang sarili ko.

Akala ko buhay pa siya.

Akala ko makakasama ko pa siya.

Wala na si Papa.

"Roiss?!" rinig kong may tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko alam kung sino. Wala na akong naririnig kundi ang sarili ko. I immediately went to my cabinet, naghanap ako ng kung anong bagay doon.

Hindi ko alam kung anong hinahanap ko pero nanginginig ang kamay kong dinampot ang cutter.

"Roiss! Oh my god!" I heard my mother's voice. Kinuha nito ang cutter na hawak ko at inilayo sa akin.

Niyakap niya ako ng mahigpit habang nakatulala. I want to end my life. I feel so useless everyday. My friends betrayed me, my father cheated on my mother and Jarell, he left me for Ryza.

"ROISS! F-ck!"

Napatalon ako sa gulat ng biglang may kumuha ng cutter sa kamay ko. Pagtingin ko ay nag-aalalang mukha ni Jarell ang tumambad sa akin. He was furious and worried.

Niyakap niya ako ng mahigpit and my tears started to fall. I cried in his shoulders. Umiyak ako sa lalaking kinamumuhian ko. Sa lalaking ayokong makita at gusto ng kalimutan.

Ayoko na. Pagod na ako.

I want to end everything by leaving this world. I don't want to wake up anymore.

"J-Jarell."

Inalalayan niya ako paupo sa kama. Hindi ako makalakad ng maayos dahil nanginginig iyong buong katawan ko. Naninikip ang dibdib ko na parang iniipit iyon ng ilang milyong truck. Its damn hurt! I hate you heart! I hate you!

Bakit sumasakit ka? Bakit sa akin pa? Hindi sana ako matatakot magmahal. Sana hindi ako natatakot masaktan.

"Calm down Roiss. Calm down. Don't cry please. Don't cry. Baka maapektuhan ang puso mo. Please...," he is now crying.

I can't help myself. Nasasaktan ako. I need to cry. Kailangan kong ilabas ang nararamdaman kong ito.

"Please Roiss. Maawa ka."

I breathe in and I breathe out. Ang hirap. Nanginginig ang paghinga ko. Hindi maabot ang pinakatuktok nito. Onti-onti narin akong nanghihina. Nanghihina ang buong katawan ko, nanghihina narin ang pagtibok nitong puso ko. Hinampas ko ang dibdib ko.

"I-its h-hurt."

"Roiss."

I heard him sobbing before I lost my consciousness.

"I'm sorry...I am sorry for ruining you."

.

.

.

.

Ladymania

Its So Called COMPLICATED Where stories live. Discover now