Chapter 6

121 12 0
                                    

++++

Dinner

Everyone is enjoying eating their dinner while me, having a hard time swallowing my food. Paano ba naman kasi panay ang titig ni Mama sa'kin na para bang sinasabi niya na may ginawa akong masama. Like seriously, hindi dapat ako ang tinitingnan niya ng ganyan. I am not at fault here!

"Jarell, son, how's work?"

"Fine Dad."

Fine? I scoffed. Bakit hindi niyo tanungin na, 'how's your sex life son?' Baka pwedi pa niya kayong sagutin ng, 'it was really really great Dad!'

"Ikaw iha? How's school? Okay lang ba?"

Tumango ako kay Tito. "Mabuti naman po. Konting araw nalang ay gagraduate na'ko," sabi ko sabay tingin kay Mama. I just smiled to her. Well, alam kong may gusto siyang sabihin. Panigurado tungkol na naman iyon kay Jarell.

"That's good! So...Cum Laude na ba?"

Ngumite ako at nahihiyang tumango. "Actually, baka makapasok po sa Magna Cum Laude Tito," I said shyly.

Hindi naman kasi ako vocal sa mga school activities ko lalo na kay Mama. Hindi dahil sa hindi kami close kundi dahil sa gusto ko lang itago. Gusto ko ako lang ang nakakaalam, nahihiya kasi ako.

Nagulat ito sa sinabi ko at ganoon din ang lalaking katabi ni Mama, obviously lahat sila nagulat.

"Really nak? Wow, congrats!" My mother congratulated me and looks so proud of me.

"You haven't told me that," isang malamig at seryosong saad ni Jarell sa akin. Napataas iyong kilay ko. Do I need to tell him everything in my life? Bakit sino ba siya para ireport ko sa kanya ang lahat ng nangyayari sa school?

"No one told me, even Mama na kailangan ko na palang ireport sa iyo lahat?" I said showing grimace of what he said.

Hindi naman kami close. We hated each other, ngayon mag-eepect siyang sasabihin ko sa kanya ang ganap sa buhay ko?

"Roiss!" saway ni Mama sa'kin. Napakibit balikat nalang ako sabay tingin sa kanya. Napabuntong hininga ito sabay iling ng kanyang ulo.

"Sorry Tito," I apologised.

"No, it's okay iha."

Tumango ako at pinagpatuloy ang pagkain. Nagpaalam akong magsi-CR kaya naiwan silang tatlo sa lamesa. At kung sinuswerte ka nga naman may nabangga pa akong waiter kaya nabuhusan ng wine ang damit ko.

"Naku sorry Ma'am! Sorry po. Hindi ko sinasadya!" sabi ng lalaking waiter na nakabangga sa akin.

"It's okay," I said pero hindi pa yata ito nakuntento sa pagsorry at tinulungan pa akong punasan ang wine na natapon sa damit ko. Nakita kong lumapit ang manager nila kaya inuhan ko na bago pa niya pagalitan ang taong wala namang kasalanan.

"It's my fault. Huwag niyo na siyang pagalitan," I said.

Ngumite ako sa batang waiter na ito. "Thank you."

Nawala lang iyong ngiting iyon ng kunin ni Jarell ang tissue sa kamay ng lalaking ito at siya mismo ang nagpunas sa bandang leeg ko. Tiningnan ko ito ng masama.

"What are you doing?" I said with a frown.

"You should be careful next time. At sana hindi na maulit ito. You ruined her dress," Jarell said, referring to the waiter. At hindi man lang nito pinansin ang sinabi ko. What a jerk!

"Hindi niya kasalanan kay—"

"Let's go," sabi niya sabay hila sa'kin patungong Comfort Room. Naiinis na kinuha ko ang kamay ko sa kanya ng makapasok kami sa Girls CR.

Its So Called COMPLICATED Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ