Chapter 28

44 2 1
                                    

++++

Memories

Three weeks ago I was discharged in the hospital. Palagi akong binibisita ni Clarisse sa bahay. Si Mama at Tito ay dito na muna namalagi. Iyong Jarell ay hindi na nagpakita pa sa akin. I was relief at hindi niya iniwan ang resposibilidad niya para bantayan ako despite of what he done. Hindi ko naman siya sinisisi pero kung hindi nila binunggo ng pamilya niya ang sinasakyan ko edi sana hindi ako naospital. Pero wala akong maalala kung ano ba talaga ang nangyari. At hindi ko alam kung ako ba ang may kasalanan o sila.

At unang tapak ko palang sa bahay ay biglang sumakit ang ulo ko. Marami akong naaalala pero lahat ay malabo sa paningin ko. Hindi ko maintindihan.

Pinagpahinga ko ang ulo pero pagkagising ko ay parang naging CD na pirated ang nakikita ko. Sobrang labo ng lahat. Putol-putol at higit sa lahat hindi maintindihan. Bakit ganoon? Bakit wala akong maalala?

Hindi ko sinabi kay Mama dahil baka normal lang ito sa mga taong kakagaling sa aksidente. Baka nanibago lang ako dahil anim na buwan rin akong nakatulog kaya kung ano-ano ang iniisip ko. Naaalala ko naman silang lahat. Si Mama, si Tito at iyong mga kaibigan ko. Lahat sila kilala ko. Pero bakit ganito? Bakit parang may kulang? Ano ba itong nararamdaman ko?

I sighed while lying on the bed, thinking the things I have done before. Ang pagperform ko sa stage, ang mga ibang activities ko, iyong mga nakakasalamuha ko sa classroom. Naaalala ko maliban sa isang mukha ng lalaking sobrang blurred sa paningin ko. I remember the feeling but I don't remember the situation and the person at all.

The person who broke my heart multiple times.

Pero sino iyon? Kailangan ko pa ba siyang alalahanin? Hindi na naman siya nage-exist sa buhay ko. At saka baka may girlfriend na iyon.

"Teka nga...ano ba itong iniisip ko?" I muttered to myself.

Sobrang bored lang siguro ako at mga ganitong bagay ang iniisip ko. I really need to find a job. Napag-iiwanan na'ko ng mga kaibigan ko.

I rested for a month before I decided to find a job. Nakapasok din naman ako agad sa isang Feed Milling company. Pero isang buwan lang ang pagtatrabaho ko ng sinabihan ako ni Mama na kailangan daw ng Finance Manager sa sarili namin kompanya.

I have no choice but to give up that job. Sayang at maganda pa naman ang environment.

And today is my first day in our own company. Nakakakaba and at the same time nakakaexcite. First time kong makaapak sa building na ito. Sa pagkakaalam ko ay anak ni Tito Kierr ang CEO ngayon. Hindi ko nga lang maalala kung sino. Wala akong matandaan kahit na ano sa anak ni Tito Kierr. Nagkita na ba kami noon? Nagkausap?

I really can't remember anything. Katulad nalang ng isang araw, may lalaking tumawag sa pangalan ko pero hindi ko nilingon dahil hindi ko kilala. Familiar pero hindi ko talaga mamukhaan kung sino.

"Good morning ma'am!"

Napabaling ako sa babaeng bumati sa akin. I smiled to her and greeted her back. Malaki ang building at hindi ko alam kung saan pupunta. Pero sabi ni Mama ay kaya ko na raw ito. I want to ask her pero binabaan lang ako ng tawag. Bumalik na kasi ulit sila ng ibang bansa. Ako nalang ulit ang nakatira sa bahay. Well, minsan kasama ko si Clarisse but most of the time si Manang Luz, iyong hired ni Mama na makakasama ko.

"Good morning Ma'am! Kayo po ba si Roissbelle Torres?"

"Yes Miss."

"Ako nga pala si Jessa Maam. Ihahatid ko po kayo sa office niyo and after that I will tour you around the building."

"Oh! Thanks."

Ang bait naman nito.

"I'm Mr. Adverson's Secretary and he asked me to accompany you for awhile. He's in a meeting right now Ma'am and he told me to tell you that to come to his office after one o'clock."

Its So Called COMPLICATED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon