Chapter 2

185 15 0
                                    

++++

Professor

Ang panget-panget-panget ng panaginip ko sa totoo lang. Bakit sa dinadami ng mapapanigipan ay iyon pa? Seriously, me, kissing that guy named Jarell Adverson? I really can't believe this!

"Urgh! So gross!"

Bakit ko ba siya napaniginipan? I really can't understand. Ah, siguro iniisip ko 'yong nangyari sa sala bago matulog kaya pati sa panaginip ko umentra siya? Now I understand. Siya at ang babae niya ang huli kong iniisip bago matulog. Pero nakakainis kasi napaniginipan ko pa rin siya.

"Tsk."

Ginulo ko ang buhok ko bago tinungo ang salamin para tingnan ang sarili ko. Buti nalang at hindi ako tinutubuan ng pimples sa mukha pero eyebags, naku, sobrang laki, umiitim pa.

"Kailan kaya ito liliit?" tanong ko, pero alam ko namang hindi ako sasagutin ng eyebags ko. Nilagyan ko nalang ito ng concealer bago ko ayusin ang aking buhok. Naglagay ako ng onting make up para hindi mahalata ang pagkastress ko sa school.

Pagkababa ko ay naabutan ko si Jarell sa kusina na nagluluto. Nakabihis na ito at hindi ko alam kung saan na naman ang punta dahil sa pagkakaalam ko ay wala itong pasok sa trabaho ngayon. Siguro sa girlfriend niya?

Well, maybe, pakealam mo naman Roiss?

"Pinge ah?" sabi ko at akmang kukuha sana ng pancake ng bigla nitong inilayo ang platong kalalagay niya lang sa lamesa. Napatiim bagang ako sa sobrang inis. Really Jarell Adverson? Pati ba naman pagkain ay ipagdadamot mo?

"Cook your own food. This is mine."

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Wow! Kapag ako ang nagluto, feel free siyang kumuha pero ako na ngayon lang nanghinge ay hindi pwedi? How selfish he is huh?

"Ang damot mo!" sigaw ko.

"I'm not. Matakaw kalang kumain kaya hindi kita bibigyan."

Parang bigla akong hinigh-blood sa sinabi niya. Ako pa talaga 'yong matakaw e siya nga itong palaging umuubos ng pagkain namin sa refrigerator! Tapos susumbatan niya akong matakaw? Nahiya naman ako sa kanya eh?

"Hindi ako matakaw!"

He pursed his lips and languidly stared at my whole body.

"Look at you. You already have fats. Mahiya ka nga sa'kin. I'm so handsome to be your step-brother."

Laglag ang panga ko sa mga pang-iinsulto niya. Hindi ko alam na ganito pala kayabang ang step-brother ko. I smirked.

"Oh, mataba na ba ang tawag sa ganito ka sexy? Wow, bilib din ako sa mata mo noh? Ang expert tumingin ng sexing babae! Kung sa bagay puro mga hipon naman kasi iyong mga babae mo. Tapon ulo, kain katawan. Ganoon kababa ang taste mo!"

I can't believe him. Ang flat kong tiyan ay ginawa niyang fats! Talaga lang ha?

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. At talagang iniinis niya ako? Walang araw talaga na hindi ako naaaburido sa mukha niya. Parang ipinanganak siya para bwesitin ako araw-araw.

"Ikaw, sexy? Saan banda? Bakit hindi ko makita?"

Uminit iyong ulo ko at bigla nalang sumabog.

"Hindi mo talaga makikita kasi exclusive lang itong sexiness ko sa magiging future boyfriend ko. Kaya hindi mo makikita kasi hindi ko ipapakita sa'yo! Asa ka sa parteng iyon."

Its So Called COMPLICATED Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin