Chapter 7

88 2 0
                                    

+++++

Excuse Letter

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking balat. Hindi ko magawang maimulat ng deritso ang aking mga mata sapagkat masakit ang epekto nito. Napatingin ako sa paligid.

Teka, paano ako nakarating dito? Ang huling pagkakaalala ko ay nakatulog ako sa kotse ni Jarell. Don't tell me, he carried me? Nang hindi ko nararamdaman? Ganoon na ba ako kapagod para hindi magising kagabi?

I sighed. Siguro nga pagod ako dahil sa program. Should I thank him? Nah, I remembered, I don't want to see his face. I don't even want to talk to him. So, I don't need to say thank you because I never told him to carried me and put me in my bed.

I reach for my phone in my bed side table to check if there's a message or call. But to my surprise, merong text galing sa isang unknown number. Binuksan ko at binasa.

0999*******

Where are you? You're late Roiss! Si Clarisse ito nakitext lang ako!

Bigla akong napabangon sa aking hinihigaan at napatingin sa orasan. Napamura ako ng ilang beses ng makitang fifteen minutes na akong late. At kung maliligo pa ako at mag-aayos, hindi na ako aabot pa sa klase! Damn, may quiz pa naman kami ngayon kay Sir Arvin! At kapag hindi ako nakakuha no'n baka mawala ang honor na gusto ko!

"Shit! Ang tanga mo Roiss!"

Hindi nalang muna ako papasok at magbibigay nalang ng excuse letter. Pero ang problema wala ngayon sina Mama dito. Naalala kong ngayong araw sila babalik ng America. At kailangan ko ng parents signature to ensure that Sir Arvin will accept my excuse letter.

"Aish! Nakakainis."

Ayokong humingi ng tulong kay Jarell. Pero paano naman iyong excuse letter ko? Siya lang ang pwedi kong hingian ng tulong! Ayokong mawala ang pinaghirapan kong abutin.

I don't have a choice. Pumunta ako sa kanya at kinatok ang pinto ng kwarto niya nang matapos kong isulat ang excuse letter ko. Noong una ay nagdadalawang isip pa'ko pero para sa quiz ay gagawin ko.

I was taken aback when Jarell opened the door. I look away when I saw him not wearing something on his upper body. Itinaas ko ang kamay ko na may hawak na excuse letter habang hindi parin nakatingin sa kanya. Napatikhim ako bago magsalita.

"Pwede mo bang pirmahan ang excuse letter ko? K-Kailangan ko lang—."

"Okay."

Kinuha nito sa kamay ko ang excuse letter pero sabay hila sa'kin papasok ng kwarto niya. Napatili ako sabay tingin sa kanya ng masama. What the hell?! Akmang bubuksan ko sana ang pinto ng pigilan niya ako. Ikinulong niya ako sa pinto pero nagpapasalamat ako dahil hindi ako nakaharap sa kanya. Kung iyon ang nangyari, siguro hindi na'ko makakahinga pa ng maayos. Ganito pa nga lang na nakatalikod ako, I felt suffocated how much more kung nakaharap ako.

"Jarell!" sigaw ko ng maramdaman ko ang mga kamay niyang unti-unting pumupulupot sa bewang ko. Pilit kong tinatanggal iyon pero ayaw niya akong bitawan.

"Jarell ano ba?!" I shrieked.

Mali ang desisyon kong humingi ng tulong sa kanya. Sana pala hindi nalang ako pumunta dito.

"Bakit galit na galit ka sa'kin?" tanong nito na ikinagulat ko.

Natawa ako. Oo nga, bakit nga ba ako galit sa kanya? Because I felt disrespected? Iyon lang ba talaga? Kasi nga diba ayoko sa mga playboys kaya ayoko rin sa kanya?

"I hate you for so many reasons Jarell. So please stay away from me," sabi ko ng buong tapang kahit na ang totoo ay sobra-sobra ang kaba ko. Kahit na nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa presensiya niya.

Its So Called COMPLICATED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon