Chapter 12

88 6 2
                                    

++++

Pest

Weeks had passed and I can say everything was change. Nag-iba ang pakikitungo ni Jarell sa'kin and I hate it! I hate the way he cares for me. I hate the way he looks at me. The same Jarell when I was in high school.

But no. I will not fall for that action again. I am not the same Roiss back then. Natuto na'ko at kilala ko siya. Alam kong hindi niya kayang mag-stick sa isang tao lang. Mapaglaro siya at iyon ang pinakaayaw ko sa kanya.

"Nandito na naman ang step-brother mo? Mukhang araw-araw kang sinusundo ah?" puna ni Clarisse nang makita si Jarell sa tapat ng school namin.

Hindi ko mapigilang mainis dito. Alam kong bumabawi siya pero hindi ko gusto lahat ng ginagawa niya. I want him to stop this nonsense act of him.

Bakit hindi nalang siya mambabae ulit? Bakit hindi nalang siya makipagmeet up doon sa mga ka hook ups niya? Bakit kailangan niya pa akong guluhin ulit?! Kainis.

"Don't mind him. Pupunta kang mall diba? Sama ako!"

Tumaas ang kilay nito. I know. Alam ko ang nasa isip niya. Kahit ngayong araw lang. Gusto kong makaiwas sa lalaking iyon. I don't want to see his face. Baka ano lang ang magawa at masabi ko kapag nagkaharap kaming dalawa.

"Ewan ko sayo Roiss."

Napailing nalang ito sabay sulyap kay Jarell sa labas. Nagulat ako ng sumigaw ito, "mall muna kami! Umiiwas eh!" sabay tawa ng malakas habang hilahila ako papunta sa kanyang sasakyan.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa nito. What the hell did she do?!

"Bakit mo ginawa iyon?!"

I hate her! Dapat hindi niya ginawa iyon. Ano nalang ang iisipin ni Jarell doon? At anong paki mo sa iisipin ni Jarell ha Roiss? You hate him right? You have nothing to worry about because in the first place totoo ang sinabi ng kaibigan mo. Iniiwasan mo naman talaga siya!

"Gusto kong malaman niya para naman dumistansya siya."

Dumistansya?! How I wish. Sana nga iyon ang gawin nito. Sana nga tumigil na ito because I hate what he was doing right now!

"Good evening Ma'am," bati ng isang sales clerk sa isang botique na pinasukan namin ni Clarisse.

Halos mapunit ang labi ng kaibigan ko ng batiin ito ng sales clerk. Well, hindi ko siya masisisi dahil gwapo nga naman ang lalaking ito. Perfectly defined as tall, dark and handsome.

"Meron ba kayong yellow dress dito? Above the knee pero one inch lang 'yong pagitan sa tuhod?" Clarisse asked.

I almost rolled my eyes in front of this man. Pinigilan ko lang dahil ayokong mapahiya ang kaibigan ko. Hindi naman ako katulad niya. Just like what she did to me earlier.

"Meron ba?"

He smiled. Okay. He's cute. Iyan lang ang masasabi ko. At kung sakaling mahulog siya sa bitag ng kaibigan ko, kawawa siya dahil suplada pa naman ang babaeng ito. Bagay sila kung sakaling mabait ito. Naniniwala kasi ako sa opposite attracts.

"Yes, we have. Kaso nasa kabilang section pa. If you want...you can go after me."

"Oh my gosh! So manly when he speaks english!" tili nito ng tumalikod ang lalaki.

Tuluyan na akong napairap. Ang landi niya ha! Pero napangiti nalang din kalaunan.

"Infernes, likod palang, yummy na," bulong nito.

Napailing nalang ako.

"Sayang ang katawan, sayang ang mukha, ang tindig nito tapos ang height. Bakit kaya nagsales clerk ito? Hmm. Hindi naman masamang maging sales clerk pero sayang lang talaga 'yong mukha niya, p'weding pagkakitaan."

Its So Called COMPLICATED Where stories live. Discover now