Chapter 15

56 2 0
                                    

+++++

Holding Hands

Tumawag si Mama at Tito Kierr bago kami makaalis sa hospital ni Jarell. Ayaw pa nga sanang pumayag ni Mama na lumabas ako kasi nga baka hindi pa daw ako okay but I assured her that I'm perfectly fine now. Konting kirot lang sa tagiliran at noo pero okay naman ako.

Simula ng makalabas ako ng hospital ay pakiramdam ko parang natrauma ako sa nangyari sa akin. Parang ayaw ko na tuloy lumabas ng mag-isa sa gabi. Natatakot ako at baka makaharap ko ulit ang baliw na babaeng iyon. Pero sabi ni Mama hindi na raw mangyayari iyon dahil simula ngayon ay hatid sundo na'ko ni Jarell. Umayaw ako syempre. I don't want to talk to him everyday! Pero ano nga ba ang magagawa ng isang anak kung nagsalita na ang magulang? Wala diba? Wala akong choice kundi ang sundin ang gusto ni Mama. Kung tutuusin para naman ito sa kapakanan ko at para hindi na maulit ang nangyari pero kasi may inaalagaan din akong ayokong ng maulit pang muli. At iyon ang ayaw kong mangyari sa akin dahil baka masaktan lang ako ng husto.

Ihahatid niya ako tuwing umaga at susunduin niya ako sa school pagkahapon. Kung may praktis man ay magtetext lang daw ako fifteen minutes bago ang out ng rehearsal para masiguradong andoon na siya bago ako makalabas. Sumang-ayon siya, no, in fact siya ang nagbigay ng ideyang ito kay Mama. Kahit na ayoko ay wala akong magagawa pero kaya ko naman sigurong pigilan ang sarili kong huwag ulit mahulog sa patibong niya diba?

Talaga ba Roiss? Makakaya mo kaya?

I sighed. I hope so.

"Anong nangyari sa noo mo?" tanong ni Sir Arvin ng makita niya ako sa hallway papuntang auditorium. Lumapit ito at pinakatitigan ako ng mabuti. I shook my head, telling him that it's nothing and I am fine.

"Roiss?"

I smiled to him.

"Wala Sir, may nantrip lang sa akin sa labas ng school noong nakaraang gabi," I said pero lumapit parin ito.

This time sobrang lapit na at nakakailang na. Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko na para bang naestatwa ako sa presensya niya. Nanlamig ako ng hawakan niya ang noo ko. Teka...

"Sir--"

"Are you okay?" he asked.

Napasinghap ako ng haplusin at hipan niya ang sugat ko sa noo. Goodness! Mukhang mauubusan yata ako ng hininga ngayon. This is not so me! Anong nangyayari sa'kin?

"S-sir."

"Sshh...," he shut me up.

Napaclose fist ako. Sobrang lapit niya na sa'kin at ang kaloob-looban ko ay hindi na mapakali. I'm being paranoid.

What if may gawin siyang masama sa'kin? What if halikan--the hell! Hindi mangyayari iyon. Nasa hallway kayo for goodness sake Roiss!

I breathe in and I breathe out. Okay, calm down self. You just need to step backward and then you will be fine now!

"Roiss, okay ka lang ba talaga? I am so damn worried about you. So, please tell me if you're okay," he said na ikinabitin ng hininga ko sa ere.

Okay? Bakit ganito nalang siya ka worried sa akin? Napapantastikuhang tiningnan ko siya at kasabay din noon ang paglayo niya.

"I-I mean, I'm worried kasi baka hindi ka makapagperform ng maayos sa praktis. Alam mo na, isa ka sa pinakamagaling na singer sa Trubadors kaya nag-aalala lang a-ako." Tumikhim ito.

"Anyway, huwag mo nang isipin iyon. Y-you're okay right?" he said without looking at me.

Nakatalikod ito at nakaharap ang katawan sa auditorium. Ako naman ay nakatayo habang nakatingin sa kanyang likod.

Its So Called COMPLICATED Where stories live. Discover now